"Ngayon na alam mo na ang totoong dahilan kung bakit hindi ka makaalis sa kawalan, ano ang balak mong gawin?"
"I still have a few days left for my mission, don't I?"
"Yes you do!"
"Can I stay and finish it first and then maybe say my goodbye properly to MM?"
"Papayagan kita sa kahilingan mo para sa ikatatahimik ng iyong kaluluwa."
"Thank you!"
At unti-unting naglaho ang liwanag habang si Tanner ay bumabalik na muli sa katawan ni Tantan.
Nang tuluyan ng makabalik si Tanner sa katawan ni Tantan ay napabuntong-hininga sya.
"I put off a lot of things that I wanted to do with MM thinking I had a lot of time to do them with her, but I was wrong!" nasa isip ni Tantan.
"I really hope I can see her happy before I leave, so I can finally move on and rest in peace!" bulong nya sa sarili na kapag narinig mo ay alulong ng aso.
"Now how do I go about making sure that she's happy?" isip ni Tantan.
Samantala....
Sa bar ay nagdadatingan na ang mga customer.
Nakapagpalit na ng damit si MM at nagsasound check na ang grupo nila.
"Hey! Balita ko you're teaching MM the piano!" baling ni Marco sa kaibigan na si EJ.
Nagkibit-balikat lang si EJ.
Inakbayan sya ni Marco.
"Anong meron?" bulong nito.
Inalis ni EJ ang braso ni Marco.
"Wala." sagot nito habang nakatingin sa dalaga na nagvovocalize.
Tiningnan ni Marco ang tinitingnan ni EJ.
"Asus! Wala nga! Pero makatitig wagas!" pang-aasar nito sa kaibigan.
Bigla naman umiwas ng tingin si EJ kay MM.
"Kilala kita EJ! Wala ka pang ibang tinuruan ng piano maliban kay.…." hindi na itinuloy ni Marco ang sasabihin dahil tiningnan sya ng masama nito.
"Shut up, Marco!"
Napailing si Marco.
"Bro, payong kaibigan lang, kung hindi ka pa nakakapagmove-on sa nakaraan mo, pwedeng tigilan mo ang paglandi kay MM? Hindi nya deserve ang maging rebound mo!" seryosong sabi ni Marco sabay iwan sa kaibigan.
Napatingin naman si EJ sa dalaga.
"Nilalandi ko ba sya?" tanong nya sa sarili.
Napatingin sa kanya si MM at ngumiti ito.
Napasimangot sya ng hindi nya namamalayan.
Nalungkot naman ang dalaga sa nakitang pagsimangot ni EJ.
Umiwas na lang ng tingin si MM sa kanya.
Napabuntong-hininga si MM.
"Mukhang bumalik na naman si Mr. Sungit!" bulong nya sa sarili.
Habang si EJ naman ay napapaisip pa rin sa sinabi ni Marco.
"Am I really turning her into my rebound girl?" tanong nya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...