Gusto nya ng umalis sa kinauupuan nya pero hindi sya makakilos.
Parang may bato na nakadagan sa kanya.
Nagpaskil sya ng ngiti sa mga labi nya.
Bakit ba kasi ganun na lang ang nararamdaman nya?
Lumunok sya.
Para kasing may nakabara sa lalamunan nya.
Si EJ na kanina pa sya pinagmamasdan ay lumapit sa kanya at hinawakan ang braso nya.
Para naman syang napaso sa hawak nito kaya hinawi nya ang kamay ng binata.
Pareho silang nagulat sa ginawa nya.
Napahawak sa batok nya si EJ.
"Ahm... MM this is Hope! My best friend and Quen's fiancé."
Hindi nya magawang sabihin na ex girlfriend nya si Hope.
Hindi sa naglilihim sya kaya lang ay parang ang awkward lang na sabihin ng nakaharap si Hope.
Inabot naman ni Hope ang kamay nya kay MM.
"Nice to finally meet you! I've heard a lot of things about you from Quen!" magiliw na sabi nito.
Nagawa namang makipagkamay ni MM kay Hope kahit na sa palagay nya ay nanlalamig ang kamay nya at nanginginig.
"Maymay... MM for short! Mary Dale for long!" pagpapagaan nya sa sitwasyon.
"Bushak! Bakit ba kasi naisipan ko pang pumunta ng maaga dapat hinintay ko na lang na sunduin ako ni EJ katulad ng sabi nya!" isip nya.
"Gaga! Tanghali na kaya! Kaya nga nagkusa ka ng pumunta dito di ba?" pagalit nya sa sarili.
Natawa naman si Hope sa sinabi nya.
"Tama nga si Quen! You're fun to be with!"
"Ehehehe..." wala syang maisagot, blangko ang isip nya.
"What do you think EJ? Masaya ba syang kasama?" baling nito sa binata at pasimple pang kumindat dito.
Pinandilatan lang sya ng mata ni EJ.
"Di ba sabi mo pagkatapos kumain aalis ka na? Di ba marami pa kayong aasikasuhin ng fiancé mo? Di ba?" may diin na sabi ng binata.
"O sya sige na nga! Aalis na ako! Baka naiinip na ang babe ko!" sabi nya kay EJ.
Ramdam nyang pinapaalis na sya nito.
Hinawakan nya ang dalawang kamay ni MM.
"Ikaw naman, I hope to see you at our wedding! Quen will probably get in touch with you soon! Sana pumayag ka para hindi mawalan ng partner si EJ!" nangingiting sabi nito.
At naglakad na ito palabas ng pinto.
"Teka sandali.…" habol pa sana ni MM kaya lang ay sinara na nito ang pinto.
Hinawakan ulit sya ni EJ sa braso para pigilan.
"Don't worry about it! I'm sure Quen will call you about it one of these days."
"Alam mo ba kung ano yung sinasabi nya?" baling nya kay EJ.
Napatango si EJ.
"She told me that Quen plans on asking you to be his best man on their wedding."
"Best man?!? Sa pagkakaalam ko babae ako! Bakit ako ang kukunin nyang best man?" hindi makapaniwala na tanong nya.
"That's because Hope insisted on making me her maid of honor or in my case, man of honor!" tila nahihiyang sabi nya sa dalaga.
"Okay lang sa'yo?"
"Okay lang sa'yo maging man of honor sa kasal ng ex girlfriend mo? " gusto nyang idugtong.
"Okay na kami ni Hope kaya okay lang sa akin!" nakangiting sagot nya kay MM.
"What do you mean okay na kayo?" hindi nya napigilan ang sarili na itanong.
"Okay na kami as in nakapag-usap na kami about the past. And okay na kami as in nakapagmove-on na ako sa kanya."
BINABASA MO ANG
Moving On
FanfictionA story about Tantan, EJ and MM Tanner is a soul in limbo. He can't move on because of his girlfriend MM who still hasn't moved on from his sudden death. MM used to have a happy and sunny disposition but her boyfriend Tanner's sudden death changed h...