part 1

7.6K 171 0
                                    

Sa isang maliit na isla ng tagong isla ay may maliit na mapayanan ang nakatira doon kabilang na ang pamilya ni jessica.

dito na sya lumaki at nagkaisip.

isang mangingisda ang kanyang ama at nagtatanim naman gulay ang kanya ng ina na nilalako nito sa kabilang isla.na isa sa pinaka maunlad na isla.

iilan lamang sa mga kabataang nakatira dito ang nakakapag aral.

ang iba ay basta' marunong nang mag basa at sumulat ay humihinto na sa pag aaral.samantalang ang iba ay hinde na nakakapag aral,ang batang kalalakihan ay sumasama sa kanilang ama para mangisda at ang babae ay naiiwan sa bahay.

maswerte na lamang sya dahil tinataguyod ng mga magulang nya ang kanyang pag-aaral.

sinasabay sya ng ina nya tuwing umaga kapag naglalako ito ng gulay.hanggang sa uwian sa hapon.habang nilalako ng ina ang panindang gulay.
sya naman ay pumapasok sa paaralan para mag-aral.

pangarap ng mga magulang nya ang makapagtapos sya at makahanap ng magandang trabaho sa maynila.

dahil ayon sa sabi sabi ay maunlad ang lugar na iyon.kapag doon ka magtatrabaho ay siguradong uunlad ang iyong pamumuhay.

ito ang munting pangarap ng mga magulang nya ang magkaroon sya ng magandang buhay.kapag nawala sila ay kampante ang mga itong hinde ito maiiwang naghihirap sa buhay katulad ng buhay na kanilang naranasan sa noong mga panahong lumalaki pa sila.hanggang sa magkapamilya.

" kamusta ang skwela anak? tanong ni mama habang naglalakad patungo sa sakayan ng bangka papunta ng tagong isla.

" mabuti naman po mama,nangunguna po ako kanina sa long quez namin sa math at english subject" tugon nya sa tanong nito.

" naku ang galing naman ng anak ko,pinag mamalaki ka namin ng iyong ama,siguradong matutuwa ang tatay mo kapag nalaman nya ito" nangiting turan ng kanyang ina.

" salamat po mama,kayo po ni papa ang insperasyon ko,nagpapasalamat ako dahil kayo no papa ang naging magulang ko"
" talaga anak,naku napakalambing talaga ng anak kong hinde lang maganda,mabait at matalino pa" ang sabi ng mama.kaya napangiti sya.

" si mama talaga nambula pa" nakangusong saad nya.

" totoo ang sinasabi ko anak,kaya bakit naman kita bubulahin,e totoo naman talaga" nakangiting usal nito hanggang tuluyan na nilang marating ang bangkang sasakyan nila.

nakaupo sya sa upuang gawa sa kahoy katabi ng mama nya.natanaw sya sa malawak na karagatan.nililipad nito ang matuwid nyang buhok.

napakatahimik ng karagatan.tanging ang ingay lamang ng bangka ang maririnig at lagaslas ng tubig na madadaanan ng bangka.

" mena,nabalitaan mo na ba ang nangyari sa anak na dalaga ni mario" ang sabi ni aling nadeng sa mama kaya napalingon sya dito.

" hinde pa aling nadeng,bakit ano po ba ang nangyari sa anak ni mang mario" tanong ni mama.

" naku mena,ayon daw sa nakakita ay kinuha daw ng mga serino ang anak nya kaninang umaga,patay na daw ito ng makita sa dalampasigan.wala na itong damit ng makita nila"bigla ay dumagundong sya sa kaba sa naging pahayag ni manang nadeng.

" naku kawawa naman si mang mario.iyon na nga lang ang naiwang alala ng yumaong asawa ay nawala pa"

" tama ka mena maski ako ay naaawa din ako sa nangyari sa anak nya.dahil kong sa akin nangyari iyon ay hinde ko kakayaning mangyari sa anak ko ang ganon.at masaklap pa ay may nakitang malaking sugat sa ari ng dalaga.ayon sa sabi sabi ay ginahasa daw ito"

" ano,dios ko po.kailan pa ba matatapos ito,halos buwan buwan na lang ay may namamatay"

" iyon nga rin ang ikinakabahala ko,malakas sila at makapangyarihan dahil mga alagad sila ng demonyo,kaya nilang pasunudin ang lahat ano man ang gustuhin nila,kaya ikaw ingatan mo yang anak.naku kaganda ganda pa namang bata"

' hinde iyon mangyayari sa anak ko manang,walabg sino man ang pwedeng sa anak ko" saad ni mama habang nakangiting nakatingin sa akin.

pagdating sa daungan ng bangka ay agad din silang bumaba.takip silim na ng dumating sila.

" o mabuti at narito na kayo,nakapagluto halina't kakain na tayo" masang saad ng ama nya.

kinuha nya ang kamay nito at nagmano.

" kaawaan ka ng dios anak" saad nito.

" ang sarap naman ng ulam natin papa,ang galing nyo talaga"

" mabuti at nagustuhan mo anak,sinarapan ko talaga yan para sa inyo ng mama mo.alam mo ba ang sangkap na ginamit ko para sumarap iyan?

' ano po iyon papa?

" hinaluan ko ito ng sobra sobrang pagmamahal,iyon ang sekrito ko anak" nakangiting sabi ng papa nya,kaya napatawa sya habang ang mama ay umiiling sa mga ito.

" tumigil na nga kayong dalawa sa mga kalukuhan ninyo,jessica anak hinde ba may sasabihin ka kay papa" nakangiting usal ng ina nya.

" ano iyon anak?

" ako po po ang nakuha ng mataas na marka sa quez namin papa"

" talaga anak,naku ang galing galing naman ng anak ko,manang mana kay papa"

" sa akin nagmana yang anak natin,matataas din kaya ang marka ko noon sa elementarya" singit ni mama.

napahagikhik kami ni papa,dahil hinde talaga nag papatalo si mama sa ganitong usapin.

" ako ng ang magliligpit nito mahal,magpahinga kana alam kong pagod ka sa pangingisda"

" sigurado ka mahal?

" oo,sige maghinga ka na doon"

" hihintayin na lamang kitang matapos,mukhang kakailanganin ko ng maraming enerhiya para sayo" napalongon sya sa gawi ng asawa dahil sa sinabi nito.dahil mukhang nahuhulaan nya na ang gusto nito.

samantalang si jessica ay mahimbing na natutulog sa kanyang kwarto matapos gawin ang takdang aralin.

pinagsusumikapan nyang makapasok sa top para makakuha sya scholarship sa sekandarya dahi ilang buwan na lang ay magtatapos na sya sa elementarya.

pangarap nya maiahon sa kahirapan ang pamilya nya.kaya nagsusumikap sya para makapag tapos at makahanap ng magandang trabaho at hinde na kailangang magtrabaho pa ng kanyang mga magulang.

maghahating gabi na at tahimik na ang buong paligid.tanging ingay na lamang ng mga insekto ang maririnig.

naalimpungatan sya ng makarinig ng malakas na pagaspas ng tubig.bumangon sya at bahagyang binuksan ang bintana ng kwarto.

sumilip sya mula dito hanggang sa mahagip ng mata nya ang isang nilalang na may nakakatakot na mukha at ang ibaba nito ay may buntot ng isda.

ito ba ang sinasabi nilang serino bulong nya sa sarili.ngunit ganon na lamang ang paglabigla nya ng lumingon ito sa gawi nya.kaya nasara nya ng di oras ang bintana at bumalik sa pagkakahiga habang nakatalukbong ng malaking kumot.

Merman Lover-( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon