Matapos ang pag-uusap nila ni dena ay nagbyahe kaagad sila sa sumunod na linggo.nag paalam sya sa kanyang mahal sa buhay.
" apo mag iingat ka roon,paminsan minsan dalawin mo kami" lumuluhang sambit ng kanyang lola.
" opo la,pangako po.kayo rin po palagi rito.ingatan nyo ang mga sarili nyo lalo na ang kalusugan nyo" sabi nya.
" mag-iingat ka din doon apo,mahal ka namin" ani ng kanyang lolo.
ilang sandali pa ay narinig nya ang bose's ni dena sa labas ng kanilang bahay.tumayo sya at niyakap ang mga ito bago lumabas bitbit ang maleta.
" tara na baka maiwan tayo ng barko" ani nito sa kanya na kinatango nya.tatlong araw silang nakasakay ng barko bago makarating ng maynila.
pagdating nila sa maynila ay nagpaalam din agad si dena sa kanya.dahil walang magbabantay sa inang maysakit.tinandaan na lamang nya ang lahat ng sinabi nito para makarating ng mansyon.sa paglalakad nya sa liblib na lugar ay may nakita syang napakalaking bahay at malawak na hardin.lumapit sya sa malaking gate at tinaas ang kamay para kumatok ng bigla na lamang itong bumukas at niluwa ang may katandaan ng babae.
" ikaw ba si Maya "? tanong nito sa kanya na kinatango naman nya.
" halika na sa loob at marami pang trabaho,ituturo ko sayo ang mga dapat at at hinde mo dapat gawin" sabi nito.
" o-opo" tugon nya at sumunod dito papasok ng malaking bahay.sobra syang namangha sa ganda at laki ng buong kabahayan ngunit di nya iyon pinahalata.itinuro nito sa kanya ang kanyang silid at mga gawaing bahay.
" bilisan mo na at maraming ka pang gagawin, isuot mo ito* sabi nito at inabot ang uniform ng mga katulong.agad syang nag bihis at nagpalit.
" halika na ituturo ko sa iyo ang mga gagawin mo" dagdag pa nito at nag lakad kaya sumunod sya rito.
" isa sa ipinagbabawal dito sa mansyon ay ang mga malilikot na kamay.wag mong sasalubungin ang tingin ng senyorito.at kapag nakita mo sya wag kang sasabay dapat nasa likod ka lamang nya.at isa pa kong ano man ang makita mo o marinig mo huwag kang makikialam kong ayaw mong maputulan ng dila naintindihan mo"
"naiintindihan ko po madam"
" mabuti kong ganon,manang carlota na lamang ang itawag mo sa akin"
" opo manang carlota"
" o sya,diligan mo na ang mga halaman sa harden"utos nito sa kanya na agad din naman nyang sinunod.
pagsapit ng hapon ay tinawag ako ni manang carlota. nakita ko ang mga katulong na nakahelira sa at mga bantay ng mansyon.
" kumilos ka na maya at darating na ang senyorito " utos nito na agad din naman nyang sinunod.
ilang sandali pa ay naka rinig sya ng ugong ng sasakyan na huminto sa harap ng mansyon. hinde sya nakita ang lalaking bumaba ng sasakyan dahil nakayuko lamang sya.sabay sabay na binati ng mga tagasilbi at mga bantay ang senyorito ngunit wala syang narinig na tugon mula dito.deri-deritso lamang ito sa paglalakad at parang walang narinig.
" magandang gabi senyorito" rinig nyang bati ni manang carlota.ngunit katulad kanina ay wala rin itong tugon.mabilis itong umakyat sa mataas na hagdan.
" sige na bumalik na kayo sa inyong mga trabaho" utos nito na agad ding sinunod ng lahat.
" tara na maya* ang sabi ni solidad na isa ring tagasilbi. hinila sya nito sa kamay kaya nag patianod na lamang sya.
habang abala sya sa pagpupunas ng mga bintana ng lapitan sya ni carlota.
" maya" tawag nito sa kanya.
" bakit ho manang"
" dalhin mo ito sa silid ng senyorito"sabi nito sa kanya.
" hinde ko po alam kong saan ang silid ng senyorito manang"
" pag akyat mo sa hagdanan kumaliwa ka.may makikita kang pinto iyon ang silid ng senyorito "ani nito.binigay nito sa kanya ang dalang pagkain at umakyat ng hagdan.kumatok sya sa pinto.
" senyorito narito na ho ang pagkain nyo" ani nya
"pumasok ka,iligay mo na lang dito"
pumasok sya dala ang hapunan nito.nahiya pa sya ng makita na brief lang ang tanging suot ng binata.natigilan naman ang binata sa magandang dalagang pumasok pinagmasdan nya ito mula ulo hanggang paa.nagpaalam itong lalabas ba kaya maagap nya itong pinigilan.
" anong pangalan mo* tanong ng binata sa nakayukong dalaga.
" maya ho senyorito,sige po" paalam nito sa kanya.
napangisi sya habang iniisip ang dalaga.
"mm Maya" mahinang sambit nya.
samantala ay napahawak ng dibdib si maya ng makalabas na sya ng silid. kinakabahan kasi sya habang kausap ang lalaki at hinde nya alam kong anong dahilan at natatakot sya dito.tumungo sya sa kusena at doon nakita nya ang kumakaing mga kasamahan.
" o maya mabuti at nandito kana,halika na rito may itinabi ako para sayo.kumain kana at ng makapagpahinga na tayo.kumuha ka lamang dyan kong gusto mo pa" ang sabi ni lena.
" salamat lena" sabi nya at inabot ang platong may lamang pagkain.
" wala yon,sige na kain na" tugon nito sa kanya.matapos nilang maghapunan ay dumiritso na sila sa kanya kanyang silid para magpahinga. alas tres pa lamang ng umaga ay gising na ang lahat ng katulong.matapos naming mag linis at magluto ay saka lamang kami uminom ng mainit na kape.
madilim pa ng mga oras na iyon kaya lumabas muna sya sa nang mansyon para magpahangin.ngunit nabahala sya ng makarinig ng ungol at sigaw ng babae't lalaki.nilibit nya ang tingin hanggang sa dumako ang tingin nya sa silid ng senyorito.may nakita syang dalawang anino ng babae't lalaki.nong una ay nagtaka pa sya sa ginagawa ng dalawa ngunit ng mahulaan ang ginagawa nila ay tumayo ang lahat ng balahibo nya at dali daling pumasok ng mansyon.
at doon ay naabutan nya si solidad at lena na naghihikab.
" halika maya,matulog muna tayo total ay gabi pa naman at tulog pa ang senyorito " ang sabi solidad at pumasok sa kanya kanyang silid.nagising na lamang sya ng narinig ang bose's ni manang carlota kaya dali dali syang bumangon at naglinis ng sarili.pagkatapos ay lumabas sya at patakbong tumungo sa kusena.nakita nyang pababa na ng hagdan ang senyorito kasama ang babae.at doon naabutan nya sa hapag kainan ang ilan sa mga katulong.si lena naman at solidad ay hinde nya nakita.tumabi sya sa mga kasamahan at yumuko.
hanggang sa marinig nya na ang yapag ng amo kasama ang nakalingkis sa kanyang babae.dumaan ito sa harap ng mga tagasilbi hanggang sa huminto ito sa harap nya.at muling naglakad pinaghila sya ng silya ni manang carlota at maging ang babae ay pinaghila din nya at maarte itong umupo.
" umalis kana pagkatapos mong kumain" sabi nya sa kasamang babae.
" what" mataray na sambit nito.
" gusto mo bang ulitin ko pa para maintindihan mo"
" fine,aalis na lamang ako salamat na lang sa pagkain" galit ba sabi nito at naglakad palabas.
" umalis na muna kayo carlota, maliban kay maya"
" p-po,pero bakit si maya.senyorito bata pa po si ma-"
" wala akong gagawing masama sa kanya carlota,sasabayan lamang sya ako sa pag kain"agad din namang umalis si carlota kasama ng iba maliban kay maya ba ngayon ay nakaupo sa tabi ng binata.
" kumain kana" ang sabi nito sa kanya na agad din naman nyang sinunod.
BINABASA MO ANG
Merman Lover-( Completed)
Misterio / Suspensomerman,arman,jessica ,mermaid,sea,love,fiction,paranormal,spg