Nagulat ang lahat ng marinig ang malakas na ingay mula sa silid ng senyorito kong nasaan naroon si Maya.nagkagulo ang lahat ng bantay ang iba ay tumakbo patungo sa silid ng kanilang senyorito.
sa kabilang banda ay nakarinig ng mga yapak ng paa si ayesha at patungo ito sa kinalalagyan nya.binuksan nya ang binata upang doon dumaan at tinalon mataas na bahaging iyon ng mansyon at bukas ng pinto.tumakbo ito sa loob ng kagubatan ngunit hinde pa man sya nakakalayo ng maharang sya ng ilan sa mga kawal.
nahabag ang lahat ng makita ang kaawa awang kalagayan ng dalaga na naliligo sa sariling dugo nakahandusay at walang malay.agad nila itong dinaluhan.
" Dios ko.! ma'am Maya,tulungan nyo ako dalhin natin sya sa hospital" sigaw ni anida.
ngunit bago pa man nila mailabas si Maya upang itakbo sa hospital ng may dumating na mga kalalakihan at pinaslang ang lahat ng nasa mansyon.
napaasik si ayesha at matalim na tinitigan ang lalaking nakangisi sa harap nya.at pumaslang sa limang kawal na nagkulong sa kanya halos duguan ang buong katawan nya.kong hinde pa ito dumating siguradong patay na sya ngayon.
" bakit ngayon ka lang dumating muntik na akong mamatay dito" asik nya sa lalaki ngunit nginisihan lamang sya nito.
" tsk magpasalamat ka na lang at buhay ka pa,sa kabila ng paglabag mo sa utos ko na wag sasaktan si Maya, ngunit hinde ka pa rin sumunod,dapat ay pinatay na kita" ani nito at naglakad palayo sa kanya. matalim naman nya itong tinitigan hanggang sa makapasok na ito ng mansyon.
bumungad sa kanya ang mga nakahandusay na katawan ng mga bantay at mga kawal.samantalang nakasiksik sa gilid ng hagdan ang mga tagasilbi na takot na takot habang akay-akay ang walang malay na si maya pinalibutan ng kanyang mga tauhan.nakita nya ang pag-galaw ng katawan ni Maya unti-unting nagmulat ang mga mata ng dalaga.bumungad sa kanya lumuluhang mukha ni anida't Marie maging ang ilan pang tagasilbi ng mansyon.
" ma'am Maya,mabuti at gising na po kayo akala namin kong ano nangyari sa inyo" umiiyak na usal ni marie.
nakaramdam sya na may mga brasong bumuhat sa kanya nasilayan nya ang mukha ng lalaking pamilyar sa kanya.bago tuluyang pumikit ang mga mata nya.
" sir markos saan nyo po dadalhin si ma'am Maya"? sigaw marie ngunit hinde na sila nilingon pa ni Markos at tuluyang umalis kasama ang dalaga.
" bakit sinama mo pa ang babaeng yan,wala na syang silbi,mamamatay din naman yan magiging pabigat lamang sa atin ang babaeng yan" asik ayesha sa binatang kalong kalong ang dalaga.
" manahimik ka ayesha,bago ko putulin ang dila mo,sinasabi ko sa yo kapag nilabag mo ulit ako,ako na ang papatay sayo" seryosong banta nito sa dalaga.
samantala halos paliparin na ni apollo ang kotse para makauwi kailangang mailigtas nya si Maya hinde maaaring pati ang babaeng mahal nya ay madamay sa paghihiganti ni Markos.simula ng malaman nya kay bryan na si markos ang may kakagawan ng lahat gulong nangyayari.nang malaman ng kaibigan nya ang masamang balak ni Markos laban sa akin ay tinangka nitong paslangin si ryan.naiinis sya sarili dahil napakabilis mapalagay ng loob nya rito tinuring nya itong isang matalik na kaibigan at kapatid kahit hinde nya ito lubusang kilala.naiinis sya dahil hinayaan nya napakapasok buhay nya ang kaaway ang anak ni hellandrious.simula pa lang ay pinapaikot na pala sya sa mga palad nito.bakit hinde man lang nya iyon napansin?bakit ngayon pa nya nalaman?ngayon ay nasa panganib na buhay ng mahal nya ang sabi nya sa sarili habang paulit-paulit na humahampas ang kamay nya sa manobela ng sasakyan.
maling mali na iniwan nya ito sa mansyon.dapat ay isinama nya na ito sa pag-alis napakalaki nyang tanga.habang binabagtas ng sasakyan nya ang daan pauwi ng mansyon ay nakasunod sa likuran nya ang ilan sa mga kawal nya.pakiramdam nya ay hinde na sya makahinga sa matinding pag-aalala nya sa dalaga.kapag may nangyaring masama kay Maya ay papatayin nya si markos.kahit saan pa ito magtago ay hahanapin nya ito.
sa harap ng mansyon ay bumungad sa harap nya ang mga nakahadusay na katawan ng mga kawal samantalang nakasunod sa likod ang mga kasamahan nya.tumakbo sya sa loob ng bahay naaamoy nya ang mga masangsang amoy ng dugo sa paligid.sinalubong sya ng ilan sa mga tagasilbi ng marinig nila ang sigaw nyang sinisigaw ang pangalan ni Maya.
" senyorito" sambit ni anida umiiyak itong lumapit sa kanya.
" nasaan si Maya? agad na tanong nya dito.napansabunot sya sa kanyang buhok dahil sa pinipigilang pagluha sa labis na pag-aalala nya sa mahal nya.
" senyorito patawarin nyo po kami walang kaming nagawa,biglaan po ang nangyari" umiiyak sambit nito.
" ang tanong ko ang sagitin mo,nasaan si Maya" galit na sigaw nya habang may iilang butil ng luha ang lumabas sa mga mata nito.napayuko ito harap nya habang patuloy sa pag-iyak.
" k-kinuha po ni sir m-markos"
napaluhod sya sa narinig mula rito.makailang bese's syang nagsisigaw agad syang dinaluhan ng ilan sa mga kawal ngunit tinabig nya lang ang mga ito.humigpit ang pagkasabunot nya sa kanyang buhok habang lumuluha.kasalanan nya ang lahat nahuli na sya hinde na nya man lang ito nailigtas kasalanan nya.hinde nya kakayaning mabuhay na wala ito sa piling hinde nya malakayang humarap sa bukas na wala ito sa tabi nya.hinde,hinde nya kakayanin. may pagkakataon pa sya,ililigtas nya ito.gagawin nya ang lahat mailigtas lang ito.tumayo sya mula sa pagkakaluhod at hinarap ang kanyang mga kawal na nahahabag sa nangyari sa mga kasamahan.
" dalhin nyo ang lahat ng mga kababaehan sa hacienda ng sta,Inez,siguraduhin nyong ligtas silang makakaputa doon,naroon si solidad at lenna sila na ang bahala sa kanila" utos nya sa mga ito. " babalik ako ng palasyo,sige na lisanin nyo na ang lugar na ito" saad nya na agad din namang sinunod ng mga ito ang kanyang utos.
" masusunod kamahalan,ngunit sigurado ba kayong kakayanin nyon tumungo roon ng mag-isa? kong naisin nyo maaari ko kayong samahan" saad ng isa sa kanyang mga kawal,hinarap nya ito.
" hinde na kailangan, kaya ko ang aking sarili" matigas na sambit nya.
" masusunod po kamahalan" tugon nito at agad na linisan ang lugar.
bumuntong hininga sya tumingala sa kalangitan pinahid nya ang luhang tumakas mula sa kanyang mga mata ng makita ang emahi ng nakangiting mukha ng dalaga mula sa kalangitan.
" hintayin mo ako mahal ko,darating ako ililigtas kita pangako,kong nasaan ka man ngayon pakiusap manatili kang buhay para sa akin" bulong nya sa kawalan bago nilisan ang lugar.
................
Sorry guy'z feeling ko hinde na maganda ang flow ng story.hinde maganda ang dating.feeling disappointed ako sa chap na to....
Ano sa tingin nyo readers?
Don't forget to leave a vote and comments below...
Pagsensyahan nyo na muna ako sa mga errors...Thank You
BINABASA MO ANG
Merman Lover-( Completed)
Mystery / Thrillermerman,arman,jessica ,mermaid,sea,love,fiction,paranormal,spg