Part 5

3.1K 98 0
                                    

Matapos ang bakasyon ay bumisita ang kapatid ni papa na ante lucia na taga maynila upang sunduin si jessica dahil malapit na ang pasukan.na enroll na rin sya ng kanyang tiya sa isang university.mabuti na lang at isa sya kinuhang maging full scholar ng paaralan kaya wala na rin syang poptoblemahin sa tuition nya.kailangan na lamang nya ma maintain ang matataas na grade nya.

" anak mag-iingat ka doon,yong mga binilin naming sa iyo ng papa mo wag mong kakalimutan,palagi kang makikinig sa ante lucia mo" umiiyak na pahayag ng ina nito sa kanya.

" opo ma,kayo din po mag-iingat po kayo palagi,wag magpakapagod sa trabaho" bilin nya na kinangiti nito.

" ano ba kayo,sa maynila lang naman pupunta so jessica,hinde sa ibang bansa" natatawang saad ng kanyang ante lucia.

" wag kayong mag-alala ako na ang bahala kay jessica aalagaan ko sya katulad ng pag-aalalaga nyo sa kanya,tumigil na nga kayo sa kakaiyak dyan,mamaya magbago ang isip ng anak nyo at hinde na tumuloy" dagdag pa nito.

" salamat ate ha,ikaw ng bahala sa anak namin" naluluhang saad ng ama nya na kinatango naman ng ante lucia nya.

pagod ang mag tiya ng makarating sila ng maynila.halos hating gabi na ng dumating sila.kaya nagmukha silang lantang gulay sa haba ng byahe.

" magpahinga ka na jessica alam kong pagod ka.

" opo tiya kayo rin po,magpahinga na rin kayo"

" siga" tugon into at lumabas na ng kanyang silid.

nagising si jessica sa boses na tumatawag sa kanya.iminulat nya ang kanyang mga mata at nabungaran nya ang kanyang tiyahin.

" jessica bumangon ka na riyan ng makapag agahan ka.pupunta pa tayo sa paaralan dahil may kailangan ka pang permaha para makumpleto ang scholarship mo" saad nito.

agad naman syang kumilos at naglinis ng sarili.matapos nilang mag agahan ay sumakay sila ng jeep patungo sa university. manghang mangha si jessica sa naglalakihang mga building na nadadaanan nila.ngayon lamang syang nakakita ng naglalakihang building at ingay ng sasakyan.matapos maasikaso ang requirements para sa scholarship ay agad din naman silang umalis at bumili ng gagamitin nya sa lunes.

mabilis na lumipas ang araw at naghahanda na sya sa unang araw nya sa skwelahan.kinakabahan man na baka hinde sya magustuhan ng magiging kaklase nya ngunit pilit nyang tinatatagan ang sarili.maisip lamang nya ang magulang ay nagkakaroon na sya ng lakas na loob.

" oh ano jessica, excited ka na ba sa unang araw mo sa university?" tanong ng kanyang tiya.bumuntong hininga so jessica.dahil ang totoo ay kinakabahan sya.

" opo tiya,medyo kabado lang ng kunti" sagot nya dito.

" ayos lang yan, normal lang ang kabahan ka dahil unang araw mo pa lang ngayon,pero masasanay karin,basta't galingan mo na lang" saad nito na kinango nya.

napakabait ng turing ng kanyang tiya sa kanya,parang anak sya nito kong ituring.nag iisa lang ito sa bahay dahil dinala ng asawa nya ang nag-iisang anak sa america.hinde sya ng nabigyan ng karapatan sa bats dahil hinde nito kayang bigyan ng magandang buhay ang anak tulad ng kayang ibigay ng kayang dating asawa.kaya mag-isa lamang itong naninirahan sa may kalakihang bahay.

kakaunti pa lamang ang mga studyante ng dumating sya.agad na hinanap nya ang numero ng silid aralan na papasukan nya.ng makita nya ito ay agad syang pumasok sa silid.napalingon sa kanya ang iilang studyanteng nasa silid.nginitian nya ang mga ito ngunit napangiwi sya ng irapan sya.

umupo sya sa bakanting upuan sa likuran na nasa gilid ng bintana.dadalawa lang ang upuan na iyon.umupo sya katabi ng bintana.

ilang sandali pa ay dumarami na ang mga estudyante na pumasok ng silid.nakatanaw lamang sya sa labas ng bintana at pinagmamasdan angga naglalakad na estudyante.

naagaw ng pansin nya ang nagtitiliang mga babae at tumatakbo palabas ng silid.kunot noo syang nakatingin at nagtataka sa mga kaklsase nyang babae palabas ng pinto.napatingin ako sa mga nagkukumpulang babae na tila kinikilig.pinalibutan nila ang grupo ng mga lalaki na sa tingin ko ay mga basketball players dahil sa bolang hawak nila.ngunit ganon na lamang ang pagkabigla ko ng makita ko si Leon na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan.ibang iba na ang porma at kilos nito.may kaakbay itong isang babae at naglakad patungo sa silid na kinalalagyan nya.

nataranta sya ng makitang patungo ito sa silid na kinalalagyan nya.hinde nya kong tatakbo ba sya palabas ng silid.bigla syang napatayo ng makitang papalapit na ito.tumayo sya at pumasok sa banyo.rinig nya pa ang hiyawan ng ito mula sa kinalalagyan nya.

ilang minuto pa ang lumipas at wala na syang ingay na naririnig.tahimik na kaya naisip nyang lumabas ng maisipang wala na ito.ngunit nabigla sya ng makita ang mga mga nakahelirang mga babae sa labas.

" akala namin ay nakatulog kana dyan,ang tagal mong lumabas" masungit na sambit ng babaeng nasa harap nya.

" p-pasensya na" nahihiyang saad nya.inirapan muna sya nito bago pumasok ng banyo.

ng akmang maglalakad na sya pabalik sa upuan ay ganon na lamang ang gulat nya ng makita si leon na nagtatakang nakatitig sa kanya.

" jessica" mahinang bulong nito.

" kilala mo sya love" usual ng babaeng makapal ang make-up at nakalambitin sa kanya.marahan naman itong tumango habang titig na titig sa kanya.yumuko sya at humingi ng paumanhin bago lampasan ang mga ito.

at sya namang pagpasok ng guro nila sa unang subject.

" hi ako si macky,bago ka ba dito? tanong ng may katabaang babae na umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi nya.

nakangiting inabot ko ang kamay nyang nakalahad sa harap ko.

" ako naman si jessica, oo bago pa lang ako dito" tugon ko.

" ahh parihas pala tayo,bago lang ako e"

kita ko sa gilid ng mata ko ang hila ng isa sa mga lalaki si leon.

" halika na pare" bulong ng lalaki na umabot sa pandinig nya.

" kilala mo na si leon? tanong nito.

" oo naging school mate kami king elementary " sagot ko.

" talaga ang swerte mo naman,alam mo bang papa nya ang may ari ng paaralang ito " napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

" talaga,? sila ang may ari nito?"

" oo hinde mo ba Alan? balik tanong nya sa akin na kinailing ko.

" class listen " sigaw ng guro namin na nakatingin sa aming dalawa.kaya napaayos kami ng upo.

Merman Lover-( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon