Book II- Part 33

2K 46 1
                                    

   
Umaga na ng magising si apollo nakita nya si elizabeth na hubo't hubad tulad nya.nainis sya kaya ginising nya ito pinalabas ng kanyang silid.ma's lalo lamang sya nang inis ng hinde ito kumilos kaya ginamitan nya ito ng lakas paalis ng kama.pwersahan nya itong hinila sa kamay.alam nyang nasaktan itobsa higpit ng pagkakahawak nya pero wala syang pakialam.

" aray ano ba" reklamo nito ngunit wala syang pakialam.

" magbihis ka at umalis" sabi nya habang hinde ito tinitignagnan.

" ano?

" bingi ka ba hinde mo ba ako narinig.ang sabi ko umalis kana" sigaw nya kaya nataranta ito.nang tuluyan na itong makalabas ng kanyang silid ay napahawak sya sa kanyang noo ng bigla itong kumirot.

kinuha nya ang selpon sa ilalim ng unan nya ng tumunog ito. sinagot nya ito habang hinde tinitignan ang tumatawag.kahit naman hinde tignan ay alam nya kong sinong tumatawag.

" anong kailangan mo? deriktang tanong nya sa kaibigang si marko.

" grabe ka naman pare,wala man lang goodmorning.nasasaktan na ako" ang sabi nito sa kanilang linya.

" tigilan mo nga ako wala ako sa mood ngayon, kaya sabihin mo na kong anong kailangan mo bago pa kita babaan" masungit na sambit nya.

" chill lang bro,grabe ang init naman ng ulo mo.sasabihin ko lang sana nandito kami ngayon ni Ryan sa opesina mo"

" ano? anong ginagawa nyo dyan.umalis na kayo" sabi nya.

" grabe ka naman bro,nabitin ka ba kaya mainit ang ulo mo.ipapaalala ko lang sana ang napag-usapan natin na mag sasaya tayo ngayon.nakalimutan mo bang birthday ko ngayon" nagtatampong sambit ng kaibigan.

" pasensya nawala sa isip ko,hintayin nyo na lang ako at mag bibihis lang ako saglit" saad nya at bumaba ng kama.ng akmang kumatok si carlota.

" senyorito umagahan ninyo"

" susunod ako carlota" tugon nya sa matandang katiwala.

makalipas ang mahigit isang oras ay bumaba na sya at tumungo kusena.pagkatapos nyang kumain ay kinausap sya ni carlota tungkol sa isang tagasilbing nagpaalam na uuwi ng probensya.

" ikaw na ang bahala carlota.maghanap ka ng bagong tagasilbi siguraduhin mo lang nang na  mapagkakatuwalaan" sabi nya dito at umalis.pagdating ng opesina ay isinama sya ng dalawa sa isang bar at napapalibutan ng mga nakahubad at nagsasayaw na kababaihan.

Samantala ay abala naman sa pag-ani ng tanim na mai's si Maya kasama ang kanyang lolo.nakatira sila sa paanan ng bundok kasama ng kanyang lolo at lola na ngayon ay bulag na.mahirap lamang sila at umaasa lang sila sa pagsasaka.nais nyang ipagamot ang lola nya ngunit gipit sila sa pera.maging ang gamot nito ay hinde naman nila nabibili dahil sa hirap ng buhay.sinisiguro na lamang nilang bilhin ang bigas at iba pa na kakailanganin araw araw.

" apo may tira pang perang naiwan mula sa mais na naibinta natin.may gusto ka bang bilhin apo"? tanong ng kanyang lolo.

" ibili na lang po natin ng gamot nang lola.matagal na po kasing hinde nakainom ng gamot si lola" saad nya na kinangiti ng kanyang lolo.hinaplos nito ang buhok nya at niyakap.

" salamat apo,napakaswerte talaga namin sayo.binigyan kami ng maganda at napakabait pa" ang sabi nito.

" lolo talaga,binula pa ako" nakangiting saad nya.

" hinde kita binubola apo,nagsasabi lamang ako ng totoo.sa tingin mo ba ay bubulahin kita"

" mabait po kasi kayo sa akin at mahal na mahal ninyo ako.malaki ang pasasalamat ko sa panginoon dahil inaruga at minahal nyo ako ni lola" usal nya kaya napangiti na lamang ang lolo nya habang ginugulo ang tuwid nyang buhok.

" mahal na mahal ko po kayo ni lola lolo" sabi nya.

" ganon din ako at ng lola mo apo,mahal na mahal ka namin. ikaw ang nagbigay liwanag sa amin simula ng dumating ka sa buhay namin"

" halika na apo,bilhin na natin ang gamot ng lola mo sa botika at baka gabihin pa tayo sa daan"pahabol nitong sabi.

takip silim na ng makauwi sila ng bahay.naabutan nila ang matandang babae na nag aabang sa pinto ng bahay.nakangiti syang sinalubong ng mahigpit na yakap ang kanyang lola at nagmano.lumapit din ang kanyang lolo sa kanila at niyakap ang bulag nyang asawa at hinalikan sa pisngi.kinilig naman si maya sa pinapakitang pagmamahal ng lolo nya sa kanyang lola. kahit matanda na sila at mahal na mahal parin nila ang isa't isa.tumungo sya sa kusena upang mag-luto ng kanilang hapunan.

pagkatapos nyang mag hugas ng pinggan ay pumasok na sya ng kanyang silid upang magpahinga. nahiga sya sa kama at pumikit.hanggang sa tuluyan na syang hinila ng antok.

kinabukasan ay nabalitaan nilang dumating na ang anak na babae ni aling aureng na si dena at nagtatrabaho sa maynila.umuwi ito dahil sa pagkakasakit ng inang si aureng.at nabalitaan din nila na hinde na ito babalik ng maynila at hihinto na sa pagtatrabaho upang maalagaan ang ina.hanggang sa isang araw ay pinuntahan sya ni dena sa kanilang bahay.at kinausap sya kong nais ba nyang mag trabaho sa maynila.

" kakausapin ko si mayordumang si carlota para humalili sa akin sa trabaho.mabibigyan mo ng matandang buhay ang lolo at lola mo kapag sa maynila ka magtatrabaho.malaki ang sasahurin mo doon kaya maipapagamot mo na ang lola mo.o ano interesado ka ba? sabihin mo lang at kakausapin natin si ma'am carlota.marami ka namang kasama roon kaya hinde ka mababagot.at isa pa ay mga mababait sila maliban nga lang kay sir apollo sa magiging amo mo kong sakali.malamig iyong makitungo sa mga trabahador nya.pero alam ko naman nya kayang-kaya mo.ikaw ang kinausap ko dahil alam kong mabait at maasahan ka. O ano payag ka ba? " mahabang paliwanag nito sa kanya.

" amm maaari pag-isipan ko muna?" saad nya dito na kinatango dito.

" o sige puntahan mo na lang ako sa bahay bukas kapag nakapag desisyon kana" ang sabi nito na kinatango nya.

" oo pupuntahan na lamang kita sa inyo.salamat hah"

" wala iyon,o sya mag usap na lang tayo ulit bukas" tumango sya rito at ngumiti. habang hinahatid ito ng tingin palayo sa kanila.

buong gabi nyang pinag-isipan ng mabuti ang inialok sa kanyang trabaho ni dena sa maynila.kinausap nya ang lolo't lola ukol dito.pero nakasuporta lamang ang mga ito sa kanya ano man ang magiging desisyon nya.at nais nyang gawin.kaya naisipan nyang tanggalin ang alok na trabaho sa kanya ni dena.

Merman Lover-( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon