tatlong araw ang binyahe nila para makarating sa lugar ng lola nya.kaya para silang lantang gulay ng makarating sa lugar.medyo malayo nga ang lugar na pinuntahan nila at nasa liblib pang lugar ang barangay nila.kong hinde taga rito ay hinde mo malalamang may naninurahan sa liblib na lugar ito.tumigil kami sa isang bahay na gawa sa kawayan.gawa ito sa kawayan katulad ng bahay nila noon sa isla ang pinagkaiba nga lang ay malaki ito.sariwa ang hanging dumadampi sa balat mo nakakarelax nakakawala ng pagod.napapalibutan din ng iba't ibang puno ng iba't ibang prutas ang bahay.
" nay,si mena po ito" tawag ng ina nya.maya maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa ang isang matandang babae.
" mena ikaw ba yan anak"? di makapaniwalang bulalas ng matanda.ngumiti si ina at tumango.
" opo nay,ako po ito.kamusta na po kayo? tanong ni mama at yumakap kay lola.
" naku ang anak ko,halika kayo pumasok muna kayo,yan na ang asawa mo mena"
" magandang umaga po inay" ang sabi ng papa nya.kinuha nya ang kamay nito at nagmano.
" magandang umaga din sayo,halika kana pumasok muna at ng makakain at makapag pahinga" naunang pumasok si mama at papa.
" teka ito na ba ang apo kong si jessica? tanong nito kay mama.
" opo ma,dalagang dalaga na po ang apo ninyo" natatawang sagot ng mama nya.
* naku,napakagandang bata.pero ano itong itim sa gilid ng labi mo? meron pa dito sa braso mo,ano ba ang mga ito pasa ba ito apo? hinde sya sumagot sa tanong ng lola nya.
tumingin sya sa papa at mama nya para humingi ng tulong." ah nay,may pagkain po ba kayo dito medyo gutom na kami e" kuha nito sa atensyon ng matanda.
" meron kakatapos ko lang mag luto.hali kana apo umuponkana roon ng makakain" saad ng matanda.
" sige ho la,salamat po" saad nya.
matapos nilang maghapunan ay dumiritso na si jessica sa kanyang silid para magpahinga. may dalawang kwartong bakante at nasa kabilang silid ang mga magulang nya katabi lang ng silid nya.madilim na sa labas mula sa kinalalagyan nya ay rinig ang iba't ibang huni ng mga insekto sa labas.umupo sya sa kama dahil kahit anong gawin nya hinde sya dinadalaw ng antok.ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko ang bose's ni mama sa labas ng pinto.tumayo sya at naglakad para buksan ang pinto.
" anak nadisturbo ko ba ang tulog mo? tanong ni mama.
" hinde po ma,hinde pa naman po ako natutulog" sagot nya dito.pumasok ito sa loob ng kanyang silid bago sinara ang pinto.
" anak,maaari mo bang e kwento sa akin ang nangyari sayo kong bakit kay may mga pasa? napaluha sya ng maalala ang mapait na naranasan nya sa kamay ng halinaw na iyon.
" tama po kayo ma,may masamang hangarin si arman kaya sya nakikipaglapit sya sa akin para makuha ang loob ko"
" si arman? bakit anak anonhg ginawa nya sayo" pinahid nya ang mga luhang tumakas mula sa mga mata nya.
" ma,halimaw si arman ma.isa syang halimaw ma,ginahasa nya ako" ang sabi nya habang humahagulhul ng iyak.natigilan ang ina sa sinabi ng anak.hinde nya alam na ganito pala kabigat ang pinagdadaanan ng anak nya.napaiyak syang nakatingin sa anak.niyakap nya ito at hinayaang umiyak sa balikat nya. humarap sya pinto ng matanaw nya sa silid ng mata ang asawa at ang matanda.nakatulala lamang ang mga ito habang nakatingin sa dalawa.napakuyom ng dalawang kamao ang asawa nya sa sobrang galit.bago pumapit sa mag ina at niyakap ang mga ito.
" kailangang makulong ang hayop na iyon da ginawa nya sa ating anak" galit na sambit ng papa nya.
" huwag pa,walan ring magagawa ang kapulisan dahil halimaw si arman,nakikiusap ako pa magtago na lang po tayo dito na lang po tayo malayo sa kanya.
" pero anak,kailangang pagdusahan nya ang ginawa nya sayo" dagdag ng mama nya.
" hinde ma maniwala kayo sa akin hinde nila tayo matutulungan,pakiusap ma,pa lumayo na lang po tayo" pagkukumbinsi nya sa mga magulang.
tumango ang mga ito kaya nakangiti sya niyakap ang magulang.
" wag kayong mag alala mahihirapan ang mga itong mahanap kayo dahil nasa tagong gubat na ang lugar na ito"pampalubag loob ng kanyang lola.
" salamat po la,sa pagpapatuloy sa amin dito" ngiti lang ang sinagot sa kanya ng lola nya.
" mahal ko kayo at kahit anong mangyari tatanggapin at tatanggapin ko kayo"
"salamat po inay"
kinabukasan ay maagang nagising ang matanda.para maghanda ng kakainin nila pagkatapos dumiritso na sya sa taniman ng gulay.nakita naman sya mag asawa na paalis kaya pinuntahan sya ng dalawa para samahan ang matanda.
" huwag na kayong sumama at baka magising si jessica hanapin kayo" pigil nya sa mga ito.
" ako na lamang ang sasama kay inay mena,bumalik kana sa bahay at baka hanapin ka ni jessica "
" tama ang asawa mo mena,sige na umuwi kana at baka nagising na ang anak nyo"saad ng kanyang ina kaya wala na syang nagawa kay sumunod na lamang sya at bumalik ng bahay.pinuntahan nya ang silid ng kanyang para silipin ito.nakita nya itong tulalang nakaupo sa kama.
lumingon ito sa kanya at binati sya ng magandang umaga.ngumiti sya at bumati din pabalik.
" kamusta na ang pakiramdam mo nakatulog ka ba ng maayos kagabi"?
" opo ma,kayo po"?
" wag mo na kaming alalahanin maayos lang kami"
" si papa at lola po nasaan?
" sinamahan ng papa mo ang lola pumunta sa taniman ng gulay"
" sayang gusto ko din sanang sumama"
" sa susunod anak pupunta tayo doon,tutulungan natin ang lola mo,o sya sige na tumayo kana riyan at maya Maya lang uuwi na ang mama at papa mo"
" opo ma,maliligo lang po ako saglit" tumango ito bilang pagsang-ayon.
" o sya bilisan mo na at ihahanda ko na ang mesa para pagdating nilang ay kakain na tayo"
pagkatapos nyang maligo ay narinig nya ang bose's ng lola at papa.
" anak bilisan mo na tiya at kakain na" sigaw ng ina nya sa kanya.
" oho patapos na po ako " tugon nya.
" oh apo kamusta ang tulog mo,maayos naman ba? tanong ng lola nya ng makaupo sya sa harap ng hapag kainan.ngumiti sya dito at sinabing maayos naman syang nakatulog.
BINABASA MO ANG
Merman Lover-( Completed)
Mystery / Thrillermerman,arman,jessica ,mermaid,sea,love,fiction,paranormal,spg