Book II:Part 38

1.6K 39 1
                                    

Napabuga sya ng hangin tuluyan na syang makalabas ng mansyon.nakita kong paano nagbago ang ekspresyon ng binata ng makita sya.umayos ito ng tayo mula sa pagkakasandal sa itim na kotse at sinuyod sya ng tingin mula ulo hanggang paa.napayuko sya ng makaramdam sya ng kilabot sa uri ng tingin nito sa kanya lalo pa ng ngumisi ito sa kanya dahilan upang magsitaasan ang balahibo nya sa batok.napaangat sya ng tingin ng maglakad ito at palapit sa kanya at nilahad ang kanang braso.doon ay napagmasdan nyang mabuti ang gwapo nitong mukha.nakasuot ito ng itim na tuxedo para itong isang business man na pupunta ng meeting.

" mamaya mo na titigan ang mukha ko at baka mahuli tayo.kapag naroon na tayo kahit titigan mo pa ako buong magdamag hinde kita sisitahin" nakangising sambit nito sa kanya.inirapan nya ito at binaling sa iba ang tingin nya.hinawakan nito ang kamay nya pinagbuksan sya ng pinto ng binata katabi lamang ng driver seat.sumakay sya at ng maayos na syang makaupo ay sinira na nito pinto at nagmamadaling naglakad at sumakay na ng kotse.napausog sya ng lumapit ito sa kanya napansin nito ang ginawa nya kaya bahagya itong natawa.unti-unting inilapit ng binata ang mukha sa dalaga na may ngiti sa tabi hanggang sa tuluyan na nitong naikabit ang seatbelt ng dalaga.

" napakaganda mo maya,hinde ko maiwasang hinde ka titigan napaka-perpekto mo sa paningin ko.para kang isang babasaging na dapat ingatan.kapag nasa party na tayo ay iwasan mong makipaglapit sa kahit na kaninong lalaki.dahil baka magalit ako at hinde magustuhan ang gagawin ko sa oras na ginalit mo ako kaya dapat ay nasa tabi lang kita palagi.naiintindihan mo ba maya? malumanay na saad nito na may halong pagbabanta natakot sya sa mga sinabi ng binata sa kanya hinde nya ito maintindihan. kaya tumango na lamang sya rito.

" good" sambit nito bago paandarin ang sasakyan.babaeng nasa byahe ay hinde nya maiwasang isipin ang mga sinabi nito sa kanya.hinde nya maintindihan ngunit kinakabahan sya sa mga sinasabi nito sa kanya.sa tingin nya ay hinde makakabuti kong mananatili pa sya sa mansyon ng matagal kailangan nyang gumawa ng paraan upang makaalis.kapag natanggap nya na ang sahod nya ngayong buwan ay aalis na sya hinde nya na mahihintay pang bumalik si manang carlota.

napabuntong hininga sya habang inaaliw ang sarili sa labas ng bintana.
" dadaan muna tayo sa kompanya.naiwan ko ang regalo ko sa opesina " usal nito.tipid syang ngumiti at marahang tumango.

inihinto nya ang sasakyan sa harap ng malaking kompanya binati sila ng gwardyang nagbabantay sa labas ngunit hinde ito timugon deri-deritso lang ito hanggang makarating sila sa elevator. bahagya pa syang muntik matumba ng umandar na ito ito ang unang pagkakataong nakasakay sya ng elevator kaya pakiramdam nya ay nahihilo sya mabuti na lamang at nakaalalay ang binata sa kanya.walang tao sa buong building dahil day off ngayon ng mga empleyado tanging guard lamang na nagbabantay ang makikita mo.

binuksan ng binata ang opesinang may pangalan ng CEO sa kompanya pumasok sya sa loob at nilibot ng tingin ang buong paligid.and laki naman ng opesina nya konkreto ang mga kagamitan muli sya nitong hinawakan ng makuha na nito ang sadya nito.sinara nya ng mabuti ang pinto bago kami naglakad at pumasok ng elevator. napahawak sya sa braso nito ng pakiramdam nya ay para na naman syang mahihilo.napansin naman iyon ng binata kaya mahigpit sya nito ng hinawakan sa bewang.

ilang minuto ang lumipas ng ihinto nito ang kotse sa harap ng isang building na may patay sinding ilaw.ang daming tao sa loob na nagkakasahan may nag-iinuman at nagsasayawan napakasakit sa mata nya ang patay sinding ilaw hanggang sa tuluyan ng masanay ang mata nya.bigla ay parang ayaw nya na tulog bumaba ng sasakyan dahil sa kaba.

" hey relaxed,you look tense.sya nga pala maya wag mo akong tatawagin senyorito kapag nandito tayo,apollo iyon ang itawag mo sa akin naintindihan ml ba? mahinang usal nito na kinatango nya.

magkahawak kamay kaming pumasok ng sa loob ng salubungin kami ng isang lalaki na nalangiting papalapit sa amin.nagkamayan ang dalawa bago nito binigay ang walang regalo sa lalaki.

" thanks pare,nag-abala ka pa presensya mo lang okay na sa akin.pero salamat pa rin dito" ang sabi nito ng biglang bumaling sa akin ang tingin ng lalaki.

" at sino naman itong magandang binibining kasama mo?don't tell me bagong bektima mo.pare naman sayang"

" of course not,this is maya my girlfriend" napakunot noo syang napatingin sa katabing binata.bakit naman sya nito pinakilalang girlfriend sa kaibigan nya.ano kayang binabalak ng ungas na ito bulong nya sa isipan.

nang pumasok kami sa loob ay napakaraming mga businessman na bumati sa kanya na hinde rin nalalayo ang edad sa kanya.hanggang sa mabitawan nito ang kamay nyang kanina pa nito hawak.umupo sya sa bakanteng table at tinignan si apollo na masayang nakikipag usap.nakalumbaba sya habang nililibot nya ang mata sa buong paligid napaka elegante ng buong lugar maging ang mga bisita ay ganoon rin.

nagtama ang mga mata nila ng binata ng balingan nya ito ng tingin.tumawag ito ang isang waiter at bumulong ilang sandali pa ay lumapit sa harap ko ang waiter na tinawag nya.may mga dala itong pagkain at inilapag sa harap nya na may kasamang drinks.

" ma'am kumain daw ho kayo sabi ni sir" usal nito sa kanya na agad ding umalis.muli nyang binalingan ng tingin ang binata may hawak itong alak na inaalog ng kanang kamay nya habang hinde pinuputol ang titig sa akin.ngumiti ito sa kanya at nilagok ang alak.

nanlaki ang mata ko ng makita ko si elizabeth na papalapit sa kanya.masama tinging ipinupukol sa kanya ngunit hinde na lamang nya iyon pinansin.halos lumuwa na ang dibdib nito dahil sa sobrang sikip at ikli ng suot nito na halos masilipan na.nakulangan yata ito sa tela bulong nya.

" Hi maya long time no see,kamusta kana? hinde kita nakilala kaagad kanina kaya nag-alangan akong lapitan ka,kaya pala pamilyar ka.napakaganda mo talaga maya halos lahat ng kalalakihan dito gusto kang lapitan kong hinde lang dahil kay Apollo" matagal bago sya nagsalita dahil pilit nya itong kinikilala.natawa ito dahil sa reaksyon nya kaya napakunot noo syang ng nakatingin sa kaharap na lalaki.

" nag kita na tayo sa bahay ni apollo noon" ani nito.

" marko? ngumiti ito ng banggitin nya ang pangalan nito. " pasensya kana hinde kita kaagad nakilala.

" ayos lang sanay naman akong nakakalimutan e"bahagya syang natawa sa tinuran nito.napakarami naming napagkwentuhan ni marko.natatawa ako sa mga korning banat nito.hanggang sa may lumapit na waiter dito at bumulong.

" ah maya,may pupuntahan lang ako saglit.babalik din ako kaagad" paalam nya kaya tumungo ako at ngumiti.

nasaan na ba ungas na yon pagkatapos akong isama iiwan lang nya ako basta-basta.bwesit talagang lalaking iyon kong may pera lang ako ay kanina ko pa ito iniwan.

Merman Lover-( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon