Part 16

2.4K 56 0
                                    

       hating gabi na at pa giwang-giwang na ang takbo ni leon ng kotse sa kalasingan.gusto nang pumikit ng mga mata nya ngunit pinilit nyang ibuka ito dahil nagmamaneho sya pauwi sa kanila ng maisipan nyang puntahan ang dating kasintahan sa kanila.

pagiwang giwang sya ng buma ng kotse.lumapit sya sa gate ng bahay nu jessica at sibubukang buksan ito.nyang hinde nya mabuksan ay doon na lamang nag sisigaw at tinatawag pangalan ni jessica.

kita nya ang bukas ng ilaw at kasunod non ay mga magulang nito na lumabas ng bahay at nilapitan sya.

" ano bang ginagawa mo,hinde mo ba alam na nakakabulahaw kana ng mga natutulog.umuwi kana leon at baka bigla akong makalimot at masaktan kita" mabagsik na usal ng ama nito.sinaway naman ito at pinalo sa.balikat bago sya nito nilingon.

" iho kong ano man ang kailangan mo sa anak namin ay maaari bang ipagpabukas mo na lang,kauuwi nya lang sa trabaho kaya nagpapahinga sya ngayon " malumanay na saad nito.

" nakikiusap po ako tita hinde po ako manggugulo gusto ko lang po syang makita" ang sabi nito.halata sa mga mata nito labis na kalasingan.

" hinde mo ba maintindihan ang sinabi ng asawa ko,pagog si jessica ngayon at nagpapahinga sya.kaya hinde mo sya maaaring makita"

" maawa na po ako tito,pqkiusap po"

" hinde ka ba talaga nakakaintindi.umalis kana bago pa ako tumawag ng pulis para ipadampot ka" galit na sigaw nito.

" pakiusap iho,pakinggan mo naman kamo.igalang mo naman ang desisyon ng anak nami.igalang mo naman kaming mga magulang nya,umalis kana"

" pero tita,nakikiusap po ako" umiiyak na sambit nito.

" sinabing umalis kana,alis " sigaw ng nanggagalaiting ama.

samatala naalimpungatan naman si jessica sa kaguluhang nangyayari sa labas ng kanila ng bahay.narinig nya ang bose's ng ama at ina maging si leon.

hinawi nya ng kaunti ang kurtina at sumilip sa labas.at doon ay nakita nya ama nyang pinapaalis si leon. halata sa mukha nito na lasing ito.naiyak sya ng makita ang mga luha nito ng sigawan ito at paalisin ng kanyang ama.narinig nya ang pakiuasap nito na nais sya nitong makita.napatakip sya ng bibig at humagulhol ng iyak.sinubukan nyang buksan ang pinto ng mahawakan nya ang seradura.ngunit bigla na lamang sumagi sa isip nya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.kaya binitawan nya ito at umupo sa kama.ilang sandali pa ay bigla na lang tumahik at kasunod non ang pag alis ng kotse.doon na lamang sya lumabas at tumakbo palabas ng bahay.

" leon,sorry " mahinang bulong nya.

" bakit ka pa lumabas,bumalik kana sa silid mo" inis na sabi ng ama.at pumasok ng bahay.naiwan naman sya sa labas habang lumuluhang pinagmamasdan ang langit.

" jessica anak,halika na pumasok na sya loob,mahamog dito sa labas"

" mauna na po kayo ma,susunod po ako" tugon nya kaya tumango ito.saglit sya nitong niyakap at bumalik sa loob ng bahay.

" leon patawarin mo ako naging mahina ako,pero ito na lamang naisip kong solusyon.patawarin mo ako, I'm sorry mahal kita mahal na mahal kita" bulong nya habang walang tigil ang pagdaloy ng luha sa pisngi.muli syang tumingala sa langit.napakadilim ng buong kalangitan at nagbabadya ang malakas ng buhos ng ulan.maging ang langit ay nagdadalhati sa kanilang maghihiwalay.

umupo sya upuang gawa sa bakal,umaasa syang bumalik ito upang makita sya.inaamin nyang mis na mis na nya ito.pinipigilan lamang nya ang sarili.at ngayon ay umaasa syang babalik ito.at sana lang ay hinde pa huli ang lahat dahil makikipag balikan na sya dito.hinde nya na kanyang hinde ito makita.sa bawat araw na hinde nya ito na sisilayan ay mas lalong lamang tumitindi ang kagustuhan nyang kausapin ito at ayusin ang nasira nilang relasyon.

" bumalik kana pakiusap,bumalik kana" bulong nya sa sarili.

napahawak sya sa kanyang dibdib ng makaramdam ng matinding kaba at kasabay non ay pag buhos ng malakas na ulan.tumakbo sya papasok sa bahay.at naglakad patungo sa kanyang silid ng maisipan nyang tawagan ito.ngunit nakailang dial na sya ay hinde ito sumasagot.at lalo lamang tumindi ang kaba.

lumipas ang dalawang oras ay hinde pa rin ito bumabalik.hinde nya na rin makontak ang cellphone nito.nababahala sya at baka kong may masama ng nangyari dito.hinde na rin sya nakabalik sa pagtulog dahil nag aalala sya sa binata.tatlong oras pa ang lumipas ay wala pa rin syang natatanggap na tawag o text galing dito.humuhupa na rin ang ulan sa labas.matagal nawala ang ulan kaya medyo baha sa labas ng kanilang bahay.

hanggang sa ilang minuto pa ang lumipas ay may tumawag sa kanyang unknown number. napakunot noo sya kong sino ang tumatawag.

" hello"

" hello si jessica po ba ito? tanong ng hinde pamilyar na tinig ng isang lalaki.

" opo bakit po?

" ah may kilala po ba kayong leon suarez,?

" oho bakit nyo po natanong?

" wag po kayong mabibigla,naaksidente po ang sasakya nya,nasa hospital po sya ngayon at nag aagaw buhay, number nyo pi kasi ang huli nya dinaial bago sya naaksidente kaya kayo po ang tinawagan namin "

nagulantang sya sa narinig kaya hinde sya nakapagsalita agad.hinde nya alam kong anong gagawin at sasabihin sa gulat.hanggang sa daloy na lamang ang luha nya ng hinde nya nalalaman.

dali dali syang lumabas ng silid.naabutan nya ang mama nyang kakagising lang.

" anak bakit ka umiiyak? saan ka pupunta"?

" pupuntahan ko po si leon sa hospital ma,naaksidente sya kaya kailangan ko syang puntaha"

" a-ano?sandali sasamahan na kita" ang sabi nito.

hinde malaman ni jessica ang gagawin habang nakasakay sila ng jeep patungo sa hospital na kinalalagyan ng binata.halos tulala sya bulong byahe.ng makarating sila sa hospital ay dumuritso sila sa ikatalong palapag ng hospital. pagkalabas nila ng elevator ay rinig nya na ang iyak ng mommy nito.habang yakap ng lumuluhang din asawa nito.

tumakbo sya palapit sa mga ito.kita nya ang galit na sya mga mata ng ina ni leon.tinanggal nito ang kamay ng asawa at lumapit sa kanya.nang akmang yayakapin nya ito ng salubungin nya ang palad nito.pinigil naman sya ng asawa nang sasampalin pa sya nito.pumagitna ang mama nya sa kanilang dalawa at galit nakatingin sa ina ni leon.

nabigla sya pagsampal nito sa kanya.tumingin sya dito habang puno ng luha ang mga mata at mukha nitong nakatingin sa kanya.

" saktan mo pa ang anak ko at makakatim ka sa akin" banta ng ina nya dito ngunit hinde nito iyon pinansin.

" ikaw ang may kasalanan,kong bakit namatay ang anak ko.hayop ka kong alam ko lang na aabot sa ganito ako ma sana ang pumigil sa anak ko" umiiyak na sambit nito.nanlaki ang mata nya sa sinabi nito kaya napaluha sya.pakiramdam nya ay hinde na sya makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman nya.

" umalis kana dito,wala kang karapatang pumunta dito.umalis na kayo dito" sigaw nito.nagwawala ito habang hawak ng asawa.

" umalis kana,umalis na kayo" saad ng ama ni leon.agad naman syang hinawakan ng mama nya sa kamay at naglakad palayo sa mga ito.habang sya ay walang tigil sa pag-iyak.



Merman Lover-( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon