Book II: Part 49

1.5K 44 3
                                    


Kasalukuyan syang nakaupo sa upuang kahoy na nasa likod ng mansyon kong nasaan nakatanim ang sari-saring bulaklak.kakatapos nya lang mag dilig ng mga halaman kaya napag-isipan nyang magpahinga.nakapikit ang mga mata nya habang dinaramdam ang sariwang simoy ng hangin na humahaplos sa balat nya haba nililipad nito ang mahaba nyang buhok.

naimulat nya ang mga mata nya ng may maramdaman syang presensya sa harap nya.at ganon na lamang ay ngiti nya ng mabungaran ang gwapong mukha ng binata.nakaluhod itong nakangiti sa harap nya kita sa mga mata ng nito ang labis na pagmamahal ng binata para sa dalaga.

hinawi nito ang buhok nyang nakatabing sa mukha nya sa likod ng kanyang pagkatapos ay nilagay nito ang bulaklak na pinitas nito sa likod ng tenga nya.hinawakan nya iyon at nagpasalamat sa binata na isang matamis na ngiti ang naging tugon sa kanya.umusog sya ng kaunti upang makaupo ang binata sa tabi nya isinandal nya ang ulo sa malapad na dibdib ng binata habang nakapalibot sa bewang nya ang dalawang braso nito.muli syang pumikit habang hinde nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang yakap sya ng binata.

sana ay ganito na lang sila palagi yong walang problemang iniisip payapa at palaging na lang masaya.ngunit alam nyang imposibleng mangyari yon hangga't may mga nilalang na nais silang pasakitan at patayin ay hinde sila matatahimik kong kaya't hinde pa nila ng ama nya natutukoy kong sino ang kalaban ay poprotektahan nya ang mga taong mahalaga sa kanya at ang babaeng minamahal nya.ani ng binata sa kanyang isipan nito habang inaamoy at hinahalikan ang buhok nito.

" mahal na mahal kita, mahal ko" mahinang bulong nya sa puno ng tenga ng dalaga dahilan para mapamulat ito at mapangiti.

" hindeng hinde ako magsasawa na sabihin at iparamdam sa araw araw kong gaano kita kamahal" dagdag pa ng binata at tinanaw ang magagandang bulaklak na nasa harap nila.

napaluha naman ang dalaga sa mga sinabi ng binata sa kanya sapagkat ramdam nya na totoo ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya. ramdam nya ang labis na pagmamahal nito sa kanya.hinde nya mapigilang hinde maiyak sapagkat hanggang ngayon ay hinde pa rin sya makapaniwala na mamahalin sya ng binata higit pa sa sarili nito.

umalis sya sa pagkakasandal sa dibdib nito at humarap dito.nag-aalala naman itong nakatingin sa kanya habang pinapahiran nito ng daliri nito ang luha sa mukha nya.

" mahal bakit ka umiiyak, masama ba ang pakiramdam mo? pakiusap sabihin mo sa akin,nag-aalala ako" tanong nito ngunit iling lang ang naging tugon nya rito at hinawakan ang magkabilang kamay ng binata sa mukha nya.

" wala, masaya lang ako. hinde lang kasi ako makapaniwala na may magmamahal sa akin at pahahalagahan ako,salamat apollo" sumisinok na saad nya na kinangiti ng binata.

" akala ko naman kong ano na" natatawang usal nito. " tahan na mahal ko ayaw kong nakikita kang umiiyak nasasaktan ako" ani nito na kinatango nya at tumigil sa pagluha.
" mahal na mahal kita Maya at patuloy kitang mamahalin hanggang sa huling hininga ko,ikaw lang ang lahat sa akin,mawala na ang lahat wag lang ikaw dahil hinde ko kakayanin. walang silbi ang lahat ng mayroon ako kong wala ka sa tabi ko, I love you so much,mahal na mah- " nahinto ito sa pagsasalita ng halikan sya ng dalaga na kinabigla nya ngunit ilang sandali pa ay napangiti ito at tinugunan ng isang malalim na halik ang dalaga. kapya silang hingal matapos ang maiinit na halikan at pinagdikit ang kanilang noo habang may ngiti sa kanilang mga labi.bahagya nyang nilayo mukha sa binata at hinaplos ng magkabilang nyang palad ang gwapong mukha nito.

" mahal din kita apollo " nakangiting sambit nya.

" huh? ani ng binata na tila nabingi sa sinabi nya.

" sabi ko mahal din kita,mahal na mahal" matagal bago tuluyang naproseso sa utak ng binata ang sinabi ng dalaga.

" t-talaga m-mahal mo ako, t-totoo mahal ko? mahal mo rin ako h-hinde ka nagbibiro? hinde makapaniwalang tanong nito sa kanya na kinatango nya. matagal itong tumitig sa kanya na tila binabasa sya nito kong hinde ba sya nagbibiro.

nang bigla na lamang ito tumayo at nagtatalon sa harap nya habang nasisigaw.

" wooowww mahal nya ako,mahal ako ng mahal ko" paulit ulit na sigaw nito na kinatawa nya.

napasigaw sya ng malakas ng bigla syang buhatin nito at inikot.pagkatapos ay binaba sya nito at niyakap ng mahipit at ganoon din ang ginawa nya.

" salamat mahal ko,pangako hinde ka magsisi mamahalin kita higit pa sa buhay ko.salamat mahal na mahal kita" walang paglagyan ang saya ng binata ng malamang mahal din sya ng dalaga na matagal nyang inaasam asam na maramdaman mula sa dalaga.

napangiti ang dalaga ng paghahalikan ng binata ang buong mukha nya at paulit ulit na sinasambit na " mahal kita" . walang paglagyan ang saya ng dalawang puso ng nagmamahalan saksi ang lahat ng mga taong kasama nila sa mansyon maging ng hari at reyna na lihim na sinusubaybayan at pinapanood ang dalawa sa salaming yari sa tubig.

" tingnan mo mahal,napakasaya ng ating anak.ngayon ko lamang sya nakitang ganyan kasaya" naluluhang sambit ni jessica sa kanyang asawa.

" tama ka mahal ko" ani nito at hinagkan sa noo ang asawang labis na tinatangi ng kanyang puso.

ngunit sa kabilang banda ay lihim na nanggagalaiti sa galit si ayesha na kasalukuyang nakakubli sa malaking puno ng kahoy na lihim na nagmamasid sa dalawa nakakuyom ang mga kamao nito sa labis na galit.puno ng inggit at galit ang kanyang puso para sa dalagang yakap ng binata.gustong gusto nya itong paslangin lalo na ng makita nya ang labis na pagmamahal ng lalaking lihim nyang minamahal para kay Maya.

hinde sya makakapayag na agawin nito ang binata sa kanya.kailangan na nitong mawala sa landas nila upang mabaling sa kanya ang atensyon ng binata.kapag nawala ito ay may pagkakataon na sya na mahalin ng binata.nagagalit sya dahil kong hinde ito dumating sa buhay ng binata ay may mamahalin na sana sya ng binata lalo pa at may nangyari na sa kanila.

" humanda ka mang-aagaw babalikan kita,magpakasaya ka na ngayon dahil hinde magtatagal ay nawawala ka na sa landas namin ni apollo.sa pagbalik ko ay sisiguraduhin kong mapapatay na kita" nakangising usal nito bago tuluyang lumisan.

.........

ito na guy'z sana magustuhan nyo.

Don't forget to vote and comments:)

Love you all muahh :) Thank you

Merman Lover-( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon