dumating ang araw ng death anniversary ni leon.isang taon na ang nakalipas simula ng mawala sya.kahit papano ay nakakalimot na din ako sa sakit ng pagkawala nya.nakatayo ako mag isa sa harap ng kanyang puntod.hapon na kaya nauna ng umuwi si mama at papa maging ang mga magulang ni leon.nagpa-iwan ako dahil gusto ko pa syang makasama.susulitin ko na ang oras na nandito ako at baka dumating ang araw na hinde ko na ito magawa.
" mahal na mahal kita leon,sana kong nasaan ka man ngayon ay masaya ka,lumipas man ang mahabang panahon mananatili ka sa puso't isip ko" ang sabi nya habang nakatayo sa harap ng puntod nito.
" paalam leon,mamimis kita hindeng hinde kita makakalimutan" saad nya at naglakad palayo sa malawak na sementeryo.
kinagabihan habang natutulog sya ng mahimbing ay dinalaw sya ni leon sa kanyang panaginip.nagsisigaw ito at pinapalayo sya isang lalaking hinde ko masyadong maaninag ang mukha.nagwawala ito at nakikipag buno sa lalaking unti unting nagbago ang pangangatawan naging nakakatakot na halimaw na may buntot.nanlaki ang mata nyang natatalo na si leon laban sa halimaw.
" jessica lumayo ka sa kanya,kapamakan lang ang dulot nya sayo,kilalanin mo syang mabuti dahil nililinlang ka nya,huwag mo syang bigyan nang pagkakataong makalapit sa iyo.tandaan mo itong sasabihin ko.ilalayo ka nya sa pamilya mo at hinde malayong gawin nya sayo ang ginawa nya sa akin.pinatay nya ako jessica,pinatay nya ako.mahal kita" sigaw nito sa kanya na unti unting naglalaho kasama nang halimaw.hinabol nya ito habang sinisigaw ang pangalan nito.naluha na lamang sya habang pinagmamasdan ang nawawalang pigura nito.
nagising sya habang habol-habol ang hininga nya.hinawakan nya ang basa nyang mukha at pinunasan ito.napahagulhul sya ng maalala nya ang dating nobyo.bigla nyang naalala ang mga sinabi ni leon sa panaginip nya at ang nakakatakot na halimaw na nakita nya panaginip.paano nya malalaman kong sino ang huwad at totoo sa mga taong nakakasalamuha nya.nagdadalawang isip sya kong paniniwalaan ba nya ang naging panaginip nya. paano kong bunga lamang iyon ng kanyang isipan dahil namimis nya na ito.bumuntong hininga sya bago tumayo ng kama at lumabas ng silid.mag-aalas singko na ng tignan nya orasan.nagluto sya ng kanilang umagahan bago naglinis ng sarili.
makaraan lamang ang ilang oras ay umalis na sya patungo sa trabaho.pagdating nya sa kompanya ay nagulat sya ng iba na ang arrangements ng mga table.at wala na doon ang table nya.lumapit sa kanya ang isang lalaki na isa sa mga nagbabantay ng opesina ng may-ari ng kompanya.
" magandang umaga po binibining jessica, pinalipat po ni boss ang table nyo sa opesina nya.ang sabi po ni boss pumasok daw po kayo agad ng opesina nya pagdating nyo"
" ha ano? bakit doon?" nagtatakang tanong nya na kinailing nito.
" hinde ko po alam binibini,ang mahal na har- esti si boss na lang po ang tanungin nyo"
" sige,salamat at magandang umaga din" sabi nya at naglakad palapit sa opesina ng CEO.
dahan dahan nyang binuksan ang pinto at nakita nya itong prenting nakaupo at nakataas ang dalawang paa sa mesa.umayos lamang ito ng tayo ng tuluyan na syang makapasok.
* ah sir,bakit nyo po nilagay dito ang table ko,may problema po ba sa trabaho ko"? tanong nya ngunit nanatili lamang itong tahimik at tinignan sya mula ulo hanggang paa.tumayo ito at lumapit sa kanya.hinintay nya itong magsalita ngunit bigo sya.bagkos ay hinawakan sya nito sa mukha.gusto nyang mag protesta ngunit hinde sya makagalaw.nakakahipnotismo ang paraan ng pagtitig nito sa kanya mata.para syang paralisado dahil kahit anong pilit nya hinde nya magalaw ang katawan nya.natatakot sya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.umaalon na parang dagat ang mga mata nito.
nakahinga lamang sya ng maluwag ng may pumasok sa loob doon lamang nya naigalaw ang katawan nya.mula sa likuran nya ay narinig nya ang ang tinig ni macky.
" s-sir n-narinig ko pong n-nilipat nyo dito si j-jessica,m-may p-problema po ba? kabadong tanong nya dito. hinde nagsalita nakatitig lamang ito sa kaibigan.naramdaman nyang nasa panganib ang kaibigan kaya agad syang pumasok sa opesina ng walang pasabi.at tama nga ang hinala nya.alam nyang may ginawa ito kaya parang wala sa sarili ang kaibigan.ilang sandali pa ay nakita kong kumilos si jessica.nilingon sya nito at ngumiti ganon din ang ginawa nya.
para itong naguguluhan basi na din sa ekspresyon ng mukha nito.binalingan nya ang lalaking baka upo sa gitna ng opesina.masama itong nakatingin sa kanya kaya nararamdaman sya ng matinding kaba.alam nyang galit na galit ito sa ka nya sa mga oras na ito.
binalingan sya ng tingin ni jessica nakangiti itong nakatingin sa akin.ayaw nya mang iwan ang kaibigan ngunit wala na syang nagawa pa nang bigla syang makaramdam ng pananakit ng tiyan.
wala nang nagaw si jessica ng utusan sya ng kanyang amo.gusto man nyang puntahan si macky ngunit inutusan na sya nitong magtrabaho.
lumipas ang buong araw na wala man lang syang nagawang trabaho.ayaw nito na may ginagawa ako dahil baka mapagod lang ako.kaya ang ginawa ko ay humiga ako sa mahabang sofa at natulog.ramdam nyang may mga mata ng nakatitig sa ka nya habang nahihimbing sya.kagaya ng naramdaman nya noon.
nag-unat sya ng kamay ng magising sya.nakalimutan nyang wala nga pala sya bahay at nasa opesina sya ng CEO. mabilis pa sa alas kwatro na umupo sa malambot at mahabang sofa.lumingon sya gawi ng kanyang amo.ngunit binawi din nya ang tingin dahil nakatingin lamang ito sa kanya.
" kamusta ang tulog mo,nakatulog ka ba ng maayos " tanong nito.tumayo ang balahibo nya ng mag salita ito.napakalamig ng bose's nito. kasing lamig ng yelo.
" ah mabuti naman po,pasensya na po kayo nakatulog ako,hinde ko po sinasadya" saad nya ngunit hinde na sya nito sinagot.bagkos ay muli nitong binalingan ang mga papelis na nasa harap nito.
" ah sir,wala ho ba kayong iuutos"? bagot na tanong nya dito.nilingon naman sya nito at tinitigan.
" mayroon,alam kong hinde mo kayang gawin iyon,saka na lang kapag kaya mo na"
napakagat labi sya dahil sa pagka bagot.muli syang umupo sa kanyang table at binalingan nya ng tingin ang boss nya na nakatitig lamang sa kanya.
............
BINABASA MO ANG
Merman Lover-( Completed)
Mystery / Thrillermerman,arman,jessica ,mermaid,sea,love,fiction,paranormal,spg