Book II: Part 40

1.7K 43 0
                                    

  Maaga pa lang silang bumyahe  pabalik sa mansyon tahimik lamang sya buong habang panaka-naka syang binabalingan ng tingin ng binata. isinandal nya ang ulo sa gilid ng bintana habang tahimik na nakatanaw sa labas inaaliw nya ang sarili upang hinde nya maisip ang nasaksihang kremen na ginawa ni apollo sa lalaking waiter na kausap nya kagabi.kitang kita ng dalawang mata nya kong paano dukutin ni apollo ang puso ng lalaki.hinde nya akalain na kaya nitong gawin ang pumatay ng tao.halos manginig ang buong katawan nya dahil sa takot mabuti na lamang hinde ako nito napansing nakasilip sa maliit ng butas.

nang makita nyang bumagsak sa sahig ang nangingisay at walang buhay na katawan ng lalaki ay mabilis syang umalis pabalik ng solid ng masagi nya ang isang bote ng alak.halos tumigil ang mundo nya ng makitang babagsak ito mabuti na lamang at maagap nya itong nasalo kaya hinde ito nahulog.nanginginig ang kamay nyang ibinalik ang bote doon lamang sya nakahinga ng maluwag na kanina nya pa pinipigilan at dumiritso pabalik ng kanilang silid.

napaluha sya dahil sa sobrang takot hinde sya mapakali sa kinauupuan nya dahil sa panginginig ng katawan nya. pilit nyang kinakalma ang sarili kahit na ang hirap gawin.ngunit dahil ayaw nyang makahalata ang binata ay kailangan nyang pilitin ang sarili nya kumilos ng normal sa harap nito upang hinde ito makahalata.

nabaling sa pinto ang tingin nya ng bumukas ito at pumasok ang nakangiting mukha ng binata.kong titignan ay parang napaka-inosente nitong tignan dahil sa malamig anghel na mukha nito.ngunit sa gitna ng mala anghel nitong mukha ay nakatago ang isang demonyo.ngumiti sya rito ng pilit ng lumapit ito sa kanya.

" gising kana pala,dinalhan kita ng mainit na gatas at sandwich" ang sabi nito tinanggap nya ito at nagpasalamat.

" s-salamat po,hinde na po dapat kayo nag-abala pa senyor-"

" apollo maya, simula ngayon ay tatawagin mo na ako sa aking pangalan. naiintindihan mo ba?" ani nito kaya tumango sya at ngumiti.
" nag pahanda ako ng agahan natin,kumain muna tayo bago umalis" ani nito.

tahimik lamang syang nakatayo sa harap ng bintana habang nakatanaw sa harap ng bintana ng may dalawang kamay na pumulupot sa kanyang maliit na bewang.nakadikit ang mukha nito sa kanyang leeg mula sa likuran ng dalaga.at inayos ang mga tumabing buhok sa mukha nya at inipit sa kanyang tenga.

" anong iniisip mo? tanong nito kaya umiling sya.nasa ganoong posesyon sila ng may kumatok sa pinto.binuksan nito ang pinto at kinuha ang isang tray na naglalaman ng pagkain bago isara ang pinto. isa-isa nyang nilapag ang mga pagkain sa sa bilogang lamesa.pinaghila nya ako ng upuan katabi nang kanya nilagyan nya ng kanin at ulam ang platong nasa harap nya.ngumiti sya rito at nagpasalamat.

napabalik sa reyalidad nang hawakan ng binata ang balikat nya mahinang piniga. " ayos ka lang ba maya, may masakit ba sayo? nag-aalalang tanong nito.ngumiti sya rito at umiling.
" ayos lang ako,wag kang mag-alala.pagod lang siguro ako" tugon nya na kinatango ng binata.

" ganon ba,don't worry malapit na tayo magpahinga ka muna upang makabawi ka ng lakas.kong gusto mo maaari kang magpahinga sa silid ko para maging kumportable ka.total ay papasok ako ng opesina ngayon kaya pwede ka doon"

" naku senyo- ah apollo wag na ayos lang ako,maayos lang naman ako doon sa silid ko at isa pa ay may trabaho pa ako.nakakahiya naman kong iba ang gagawa ng trabaho ko"

" hinde maya,gusto ko magpahinga ka kalimutan mo muna ang mga gawain mo sa mansyon dahil naman kita inuobligang mag trabaho"

" pero nakakahiya po kasi kon-"

" maya makinig ka na lang.ayoko ng paulit-ulit" inis na usal nito.kaya wala na syang ibang nagawa kundi ang sundin ito.

pagdating ng mansyon ay sinalubong sila ng mga tagasilbi at mga bantay ng mansyon. sabay-sabay nilang binati ang binata ngunit hinde ito umimik deritso lang ang lakad nito sa loob ng mansyon habang hawak ang kamay ng dalaga.

agad din naman syang tumungo sa kanyang silid upang maglinis ng katawan at makapagbihis na rin dahil kanina pa sya nangangati sa damit na suot nya.halos dalawang oras rin syang nanatili sa silid nya bago lumabas. tumungo sya sa kusena at naabutan nya ang mga kasamahan nyang kumain.

" oh Maya,halika kumain ka" ang sabi ni solidad ngunit tumanggi sya dahil busog pa naman sya.

" bakit ka lumabas maya,akala ko ay nagpapahinga ka.sya nga pala bilin ng senyorito na wag ka munang magtatrabaho dahil kailangan mong magpahinga." ang sabi ni Lena.

" sya nga pala kamusta nga pala ang lakad nyo ng senyorito. magkwento ka naman" muling wika nito.

" wala namang special,katulad lang din ng pangkaraniwan.kabaliktaran pa nga ang nangyari" saad nya rito.

" hinde kita maintindihan,ayusin mo nga" bumuntong hininga sya at walang ganang tumingin rito.

" wala naman kundi maupo"

" yon lang? tanong nito na kinatango nya. " hinde ka man lang niyayang sumayaw o uminom ng wine" umiling sya rito na kinanguso nito. " ang pangit naman ng parteng iyon" sambit nito na kinangiti nya.

habang naglalakad lakad sya sa paligid ng mansyon ng makita nya si solidad na abalang nagwawalis.

" solidad" hiyaw nya na dahilan upang magawi ang paningin nito sa kanya.

" o maya,bakit nandito ka,akala ko'y nagpapahinga ka ngayon"?

" hinde kasi ako makatulog e,solidad may itatanong sana ako".

" ha? ano ba yon?

" nagtataka lang kasi kong bakit hinde pa bumabalik si manang carlota. may balita ka ba sa kanya kong nasaan sya?" napakunot noo ito sa sinabi nya.parang nagtatanong ang paraan ng pagtitig nito sa kanya na ikinata ka nya.

" s-seryoso ka ba sa tanong mo maya,hinde ka ba nagbibiro? wala ka ba talagang alam" sunod-sunod na tanong nito sa kanya.

" syempre naman magtatanong ba ako kong hinde.at anong wala akong slam,bakit?may dapat ba akong malaman" naguguluhang tanong nya.

" mag dadalawang linggo ng patay ang si manang carlota maya,natagpuan ang katawan nya sa talahiban.nakalabas ang puso nya ng matagpuan ang katawan nya" nagulantang sya sa na rinig mula sa kaibigan kaya na bigla na lang itong nawala.tama nga ang hinala may nangyari nga dito. ngunit paano nangyari iyon.sinong pumatay sa kanya?

" paano nangyari iyon kausap ko pa noon sa telepono.alam nyo ba kong sinong may gawa? bumuntong hininga ito at ng akmang magsasalita ng marinig nya ang bose's ni Lena sa likuran nya.

" ang senyorito, ang senyorito ang pumatay kay manang carlota maya.narinig nya ang naging pag-uusap ninyong dalawa ni carlota sa telepono.galit na galit ang senyorito ng malaman nya ang ginawang pagtakas ng lolo at lola mo kaya nya ito napatay" nagulantang ang buong sestema nya sa nalaman naitakip nya ang dalawang palad sa kanyang bibig dahil sa nagbabadyang pag-iyak nya.halos hinde sya makapag-isip ng tama dahil sa pagkabigla.bakit ni alam ang napag-usapan namin ni manang carlota.

" bago pa man isinagawa ni carlota ang plano nya.ay sinabi nya na ito sa amin ibinilin ka nya sa amin ni solidad.siguro dahil alam nyang papatayin sya ng senyorito sa gagawin nya" pagpapatuloy ng mapansin nitong naguguluhan sya.

" kaya kailangan mong dumistansya sa kanya maya o di kaya'y lumayo.bago pa sya tuluyang mahumaling sayo na magiging sanhi ng kapahamakan mo katulad ng ginawa nya noon.hinde mo pa sya kilala maya".

" mali ka solidad kilala ko na kong anong klaseng halimaw sya.isa syang halimaw at nasaksihan iyon ng dalawang mata ko ng patayin nya ang lalaking kausap ko kagabi" napakunot noo ang dalawa sa tinuran nya.

" m-may pinatay s-sya?" nagkatinginan ang dalawa kita nya sa mga mata ng dalawa ang matinding takot at may pag-aalalang bumaling sa kanya.

Merman Lover-( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon