Magkahawak kamay naming tinungo ang kinalalagyan ng dalawa na kasulukuyang nakaupo sa mahabang sofa.tumayo ang dalawa ng makita na papalapit kami.pansin ng dalaga ang matalim na tingin ni marko sa magkasugpong kamay nila ni apollo habang nakikipag kamayan ito sa kaibigan.tumango naman sya at bahagyang ngumiti ng batiin sya ng dalawa.nang akmang aabutin ang kamay ng dalawa sa akin ng pigilan ako ni apollo at isa-isang tinapik ang kamay nilang nakalahad.
" hinde nyo sya kailangang hawakan" inis na sambit nya sa dalawa.
" possessive mo naman masyado pare,babatiin lang naman namin si maya" maktol ni bryan na inasikan lamang ni apollo samantalang si marko ay tahimik lang na nakamasid sa amin.
hinila ako paupo sa sofa kaharap ang dalawa na pinagigitnaan ng bilogang mesa.
" ano bang ginagawa nyo rito? wala akong naaalala na pinapunta ko kayo rito" walang ganang tanong nito sa dalawa.
" ang sakit mo naman magsalita pare" ani ni marko habang umaaktong nasasaktan habang nakahawak sa dibdib nito.
Tsk,tigilan nyo akong dalawa" asik nito.
" ah apollo sa kusena lang ako,tulungan ko lang silang maghanda ng meryenda" paalam nya na kinatango nito.
" excuse me" ani nya bago tuluyang umalis at tumungo sa kusena. abala ang ibang tagasilbi sa kanya kanyang gawain.lumapit sya kay solidad na abalang naghihiwa ng mga rekados.
" tulungan na kita"
" huwag na maya,kami na rito baka hanapin ka ng senyorito"
" ayos lang solidad wala din naman akong gagawin doon.hinde din naman ako nakakarelate sa mga pinag-uusapan nila don"
" e baka hanapin ka ng senyorito"
" hinde yon,alam naman nya na narito ako.tulungan na kita jan ako na ang magdadala nito" ani ko at kinuha ang tray na naglalaman ng malamig na inumin at sandwich na pinainit sa oven.
" sigurado ka? tanong nito na kinangiti ko.
nangunot ang noo nya ng makita si elizabeth na nakalingkis na parang tuko sa kaliwang balikat ni apollo at halos idikit na ang dibdib sa balikat ng binata.hinde na lamang nya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa kanila.
napaasik si elizabeth ng pwersahang tanggalin ng binata ang kamay nito sa braso nya at lumapit kay maya.kinuha nito ang bitbit na tray sa dalaga at nilapag sa lamesa.
hinila nya ang dalaga sa bewang palapit sa kanya.
" sya nga pala,nasabi ko na ba na babalik na ng bansa si ayesha.ang balita ko ikaw ang una nyang pupuntahan pagdating nya" ani ng kaibigan nitong si bryan.
si ayesha ang kababata ni apollo halos sabay na nang lumaki ang dalawa.para silang kambal tuko na hinde mapaghiwalay.naghiwalay lamang ang dalawa ng magdaga at mag binata na sila at alis ni ayesha patungong ibang bansa.dahil tulad nya ay nais din nitong mamuhay ng bilang normal na tao malayo sa kinalakihan nilang mundo.
" alam ko tinawagan nya ako,nagkausap kami kahapon.hinde na ako dadalo sa meeting conference ng kompanya kailangan kong sunduin si ayesha mamayang hapon sa airport" usal nito habang umiinom ng kape na gawa mismo ng dalaga para sa kanya.
ilang oras ang lumipas nag paalam na ang mag ka kaibigan sa isa't isa dahil kanya-kanya pa ang mga itong lalakarin.samantalang ang nag dalaga ay kasalukuyang nagpapalit ng damit upang sunduin ang kababata ng binata sa airport. isasama sya nito sa pag-alis nito ayaw nya sana dahil ngayong araw ang plano nilang tumakas.ngunit hinde na sya tumanggi pa at baka makahalata pa ito sa balak nilang pagtakas.
simple lamang ang suot nyang damit.pantalon na pinaresan nya ng puting damit hinayaan nya na lamang nakalugay ang tuwid at itim nya buhok na umabot hanggang balikat.
humarap sya sa malaking sa lamin at tinignan ang sariling replekyon.walang ibang nilagay na kahit na anong kolorite sa mukha ang dalaga maliban sa kaunting lipstick na nilagay nya.simple man ang kasuotan ngunit hinde maitatago ang maganda at balingkinitan nitong pangangatawan.konting ayos lamang sa kanya ay maihahalintulad na sa isang dyosa ang kanyang ganda na kina-iinggitan ng kababaihan at kinababaliwan ng kalalakihan.lalo lalong na nang binatang kasalukuyang nakatayo sa likod nya at may paghangang nakatitig sa replekyon nya sa salamin.
pagpasok na pagpasok pa lamang ng binata sa kanilang silid ay natigilan ito ng makita ang dalaga na kasalukuyang nakatayo sa harap ng salamin.sinuyod nya ng tingin ang kabuoan ng dalaga.
naglakad sya palapit sa dalaga habang hinde pinuputol ang tingin sa mata ng dalaga.hanggang sa tuluyan na syang makalapit at niyakap ito mula likuran at kinatilan ng halik ang dalaga.napasinghap ang dalaga ng humigpit ang pagkakayakap ng binata sa bewang ng dalaga habang marahang hinahaplos ang tiyan ng dalaga.
" napakaganda mo mahal ko, ma's lalo mo lamang akong pinababaliw" anito habang sinusuyod ng halik ang leeg nito.kinakilabutan ang dalaga ng maramdaman ang mainit na hininga ng binata sa kanyang leeg.
magkahawak kamay silang lumabas ng mansyon nasalubong nya pa ang dalawang kaibigan na may kakaibang ngiti sa kanilang dalawa habang nakatitig sa magkahawak nilang kamay.napapailing na lamang sya sa mga ito dahil alam nya kong anong tumatakbo sa isip ng dalawa.
pinagbukasan sya ng pinto ng binata ng makalapit sila sa sasakyan nito.ngumiti sya rito at nagpasalamat bago umupo nang masara ng binata ang pinto ng kotse ay dali dali umikot ang binata sa kabila.
mabilis silang nakarating sa paliparan panay ang tawag ni ayesha kay apollo dahil nakalapag na ang eroplanong sinasakyan nito.palinga-linga ng tingin ang binata habang nasa tenga nito ang cellphone kausap ang kaibigan.
ilang minuto ang lumipas nakita ang isang napakagandang babae na nakangiti at kumakaway.tumatawag nito ang pangalan ng binata nagmamadali itong lumapit sa kanila hila-hila nito ang isang malaking maleta at isang itim na bagpack na nakasabit sa balikat nito.
nabitawan sya ng bintana ng salubungin ito nang isang mahigpit na
na yakap." oh my gosh,namis kita" saad nito habang hinde bumibitaw sa pagkakayap sa binata.natawa ang binata at niyakap sya pabalik.
kumalas lamang sya pagkakayakap ng bumaling ang tingin nya kay maya.napakunot noo ang dalaga ng hilahin ng binata ang kamay ni maya at pinulupor ang braso sa maliit na bewang ng dalaga.
" sya nga pala ayesha,si maya girlfriend ko.maya sya si ayesha kaibigan ko" nakangiting pagpapakilala ng binata sa dalawa.
napansin ni maya ang biglang pag-iba ng ekspresyon ng dalaga at pagdaan ng sakit magandang mukha ng dalaga.nilingon nya si apollo hinde nya hinde nya alam kong napansin din nito iyon ngunit sa palagay nya ay hinde.dahil bumalik din sa masayang ekspresyon ang mukha ng dalaga.
.......
Please don't forget to vote and comment's :)
BINABASA MO ANG
Merman Lover-( Completed)
Misterio / Suspensomerman,arman,jessica ,mermaid,sea,love,fiction,paranormal,spg