Hinde mawala wala ngiti sa labi ng dalaga matapos nyang umamin sa tunay na nararamdaman nya para sa binata.panay naman ang nakaw tingin ng mga kaibigan nya sa kanya masaya ang mga ito para sa kanilang senyorito at kaibigan nilang si Maya.
nasa kusena ngayon ang dalaga tumutulong ito sa paghihiwa ng mga rekados na gagamitin sa pagluluto ng hapunan.ayaw sana syang payagan ng dalawa ngunit nagpumilit sya wala din naman syang ginagawa dahil wala ngayon ang binata.nagpaalam ito sa kanya na pupunta lang ito saglit sa kompanya dahil nagkaroon ng emergercy at kailangan ito ngayon doon. nangako naman ito sa kanya na sandali lang ito at babalik kaagad." Maya, congrats mga pala sa inyo ng senyorito masaya kami ni solidad para inyo ng dalawa" wika ni lenna.
" Oo nga Maya, masaya kami at sa wakas ay nagkaaminan na kayong dalawa.akala ko ay magpapakipot ka pa e" usal ni solidad.ngumiti sya sa dalawa at nagpasalamat.
" Salamat,sana lang talaga ay magtuloy-tuloy na laging ganito.yong wala gulo at masaya lang,sa totoo lang ay natatakot ako" saad nya na ipinagtaka ng dalawa.
" saan ka naman natatakot Maya at bakit ka naman natatakot? takang tanong ni lenna sa kanya.
bumuntong hininga sya bago nagsalita." natatakot ako sa magiging kapalit ng lahat na ito,iba kasi ang pakiramdam ko e.pakiramdam ko may mangyayaring hinde maganda" tugon nya sa tanong ng mga kaibigan.
" hay naku maya, wala pa man pinuproblema mo na,dapat ay hinde ka nag-iisip ng mga ganyan wala ka bang tiwala sa senyorito" wika ni solidad kaya napanguso sya.
" meron" tugon nya.
" oh,yan naman pala e" ani nito
" nakakas-stress naman to si Maya oh,alam mo kesa nag-iisip ka ng mga walang kwentang bagay mabuti pa isipin mo na lang yong nakakakilig na napangyayari sa inyo kanina" nagtitiling sambit ni lenna na sinabayan pa ni solidad.napapailing na lamang sya sa dalawa.
magdidilim na ngunit wala pa rin ang binata hihintayin nya sana ito dahil gusto nya itong kasabay sa hapunan ngunit ang sabi ni lenna ay baka mamaya pa ito makakauwi kaya nauna na syang kumain at pumanhik na sa kanilang solid.doon na lamang nya hihintayin ang binata.
Samantala ày nagpupuyos ng galit ang binatang si apollo nang malaman kong sino ang nasa likod ng mga pagpatay nang ilang ng kanilang nasasakupan at ilan sa kanyang mga kawal maging ang pagkawala ng katiwala nilang si carlota.malakas ang pakiramdam nya na buhay pa ito sa pagkat ibang katawan ng nasusunog na babaeng kataw ang nakita nila malapit sa mansyon kong saan sya nanatili.
at nasisiguro nyang hawak ito ng kaaway ang anak ni helandrouis.nagpupulong sila kong paano makikila ang pagkakakilanlan nito dahil ni minsan ay hinde pa nila ito nakikita.ni hinde nga nila alam na nagkaroon ito ng anak na lalaki.
" ayon sa mga nakalap na impormasyon ng aking mga hukbo kasalukuyang itong nananatili sa mundo ng mga tao,mahirap itong tukuyin sapagkat namumuhay ito na isang normal na tao" wika ni heneral Andrio na nakabantay sa kanlurang bahagi ng kaharian kasama ng kanyang mga hukbo.
" kong ganoong nasa mundo ng mga tao ang anak ni helandrouis ay delikado ang iyong kalagayan mahal na prensipe.sa tingin ko ay hinde na magiging ligtas na bumalik kayo pa sa mundong iyon kamahalan" ani ni heneral Gardo na bantay sa bahaging kanluran.
" sa tingin ko ay tama Gardo anak,huwag ka ng bumalik doon at baka mapahamak ka pa" nag-aalalang sambit ng kanyang ina na nasa harap nya katabi ang ama nyang hari.
" patawad mama ngunit hinde maaari, ma's lalo lamang na kailangan kong bumalik sa mundong iyon maraming inosenting taong madadamay hinde ako makakapayag mama,lalo pa at naroon si Maya kailangan ko syang protektahan dahil sigurado akong gagamitin sya laban sa akin,hinde ko hahayaang masaktan ang babaeng mahal ko" saad nya sa kanyang ina na labis na nag-aalala sa kaligtasan nya.
" naiitindihan ka namin anak,nasisiguro kong alam ng kaaway natin kong sino ang kahinaan mo kaya dapat ay hinde nya makuha si Maya.nasisiguro kong iyan ang dahilan kong bakit sya naroon" saad ng kanyang kanyang ama.
nakaramdam ng pangamba ang binata para sa kaligtasan ng dalaga.nanganganib ang buhay nito dahil sa kanya hinde sya makakapayag na magkaroon ni kahit kunting galos ang dalaga.hinde nya kayang nakikitang nasasaktan ang dalaga dahil higit syang nasasaktan.iniisip pa lang nyang nasasaktan ang dalaga nagngi-ngitngit na sya galit.kailangan ay matukoy nya na ang tunay na pagkakakilanlan ng kaaway nya sa lalong madaling panahon.nang sa ganon ay madaling na lamang itong puksain.
" alam ba ng dalagang iyon ang tunay mong katauhan aking anak" nagulat sya sa tanong kanyang ama sa kanya.iyon pa ang isa sa iniisip nya kong papaano sasabihin sa mahal nya ang totoong pagkatao nya.natatakot syang layuan sya nito kapag nalaman nito ang totoong sya.
" hinde pa po papa,wala pa syang nalalaman" tugon nya rito.
" kong ganon ay kailangan mo nang sabihin sa kanya hangga't maaga pa aking anak,batid kong nangangamba ka sa maaaring maramdaman nya sa oras na malaman nya ang totoo.ngunit kong tunay ang pagmamahal nya sayo ay tatanggapin ka nya,ano man ang tunay mong pag-katao"
tama ang ama nya labis ang pangangamba nya na mag bago ang tingin sa kanya ng dalaga. natatakot syang hinde sya nito kayang tanggapin.ayaw man nya ngunit kailangan ng malaman ng dalaga ang too at sasabihin nya ito pagbalik nya.tumayo sya at nagpaalam sa mga ito kailangan nya ng bumalik sa mundo ng mga tao at baka kanina pa sya hinihintay ng dalaga nararamdaman nya ang pananabik nito sa kanya.
" mag-iingat ka sa mga taong pagkakatiwalaan mo apollo kahit pa sa mga taong matagal mo ng kakilala,mahirap na at baka mapasok ka nya ng hinde mo nalalaman" habilin ng kanyang ama bago dila tuluyang umalis ng kaharian.
binati sya ng ilan sa mga kawal nyang nakabantay sa paligid ng mansyon ng makabalik sya.ngunit bago pa man sya pumasok ng mansyon upang makita ang dalaga ay pinakiramdaman nya ang buong paligid kong may kahina-hinalang nakapasok o nagmamanman.nang wala syang kahit anong panganib na naramdaman ay nagpag-desisyunan nya pumasok sa loob ng mansyon.
" pag-igihan nyo ang pagbabantay at baka mapasok tayo ng kaaway" utos nya sa mga kawal na nakapalibot sa buong mansyon.
napakunot noo sya nang mabungaran nya ang kaibigan nyang si Marko sa harap ng pinto palabas na ito ng bahay ng makasulubong nya.
" oh,hi man,mabuti nandito ka na kanina ka pa hinihintay ni Maya" masayang bungad nito sa kanya.
" anong ginagawa mo dito" nagtataka ng tanong nya rito.
" wag mo naman akong tignan ng ganyan pare,para namang hinde ka sanay sa biglang pagsulpot ko sa bahay mo" ani nito sa kanya ngunit patuloy lamang masamang tingin nya rito.
" sanay na ako sa pabigla-biglang pagsulpot mo sa bahay ko marko,pero sa ganitong dis oras na ng gabi- hinde, inuulit ko anong ginagawa mo rito? muling nyang tanong.
" ano pa ba e di,dinadalaw ka" pabalang na sagot nito.
" nang ganitong oras? natatawa itong tumingin sa kanya ngunit sa kanya ngunit sya ay nanatiling masama ang tingin rito.
" ano masama don,kaibigan mo naman ako. sya nga pala nasabi sa akin ni Maya na nagka-emergency ka sa kompanya mo,kamusta maayos na ba" tanong nito sa kanya.
" hinde mo na problema yon,wala kang pakialam " tugon nya. pansin nya ang masamang tingin nito sa kanya ngunit sandali lamang iyon at agad ding napalitan ng isang ngiti.
" ayaw ko na ulit makita ang pagmumukha sa pamamahay ko Marko, hinde na katulad ng dati na maaari kang sumulpot kong kailan mo gusto,ayaw ko ng pumupunta ka dito ng wala ang pahintulot ko,umalis ka na at magpapahinga na ako" malamig na wika nya sa kaibigan.
" okay kalma,masyado na namang high blood,sige aalis na ako" ang sabi nito.hinde nya na ito pinansin pa iniwan nya ito at naglakad papasok ng mansyon.
................................
Hi guy'z kamusta po kayo? Maraming thank you po sa patuloy na pagbabasa at paghihintay ng ud ko kahit minsan natatagalan at hinde na maganda ang dating ng story nagiging OA na,he he pero....
THANK YOU pa din..
mga ilang chapter na lang ay tatapusin ko na ang kwento ni apollo at Maya.tapos focus na ako sa tragedy of love"matagal tagal din bago ko yon ulit ma update..
Love you guy'z,Please don't forget to vote and comment:)
Muahhh :)
BINABASA MO ANG
Merman Lover-( Completed)
Misterio / Suspensomerman,arman,jessica ,mermaid,sea,love,fiction,paranormal,spg