Gray's PoV
"My name is Dr. Kaizer and I just want to let you know that everything is under control. You need to trust me Gray. Is that clear?" Pagpapakilala ng doctor na kasama ko.
Tumango lang ako sa kanya bilang sagot habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin niya. Siguro naman, hindi ako dapat mag-alala.
"Gray, I want you to know that you are in the state of hypnosis. Tatanungin kita ng mga bagay-bagay para matulungan kita." Karagdagang sabi ni Dr. Kaizer.
I can't explain what I feel right now. Parang lumulutang ako sa gaan ng pakiramdam ko. However, this feeling is not new to me.
"Gray, have you ever hypnotized by someone before?" Tanong ng doctor na kasama ko.
"Yes." Simpleng sagot ko habang nakangiti ng hindi ko malaman ang dahilan.
"Kailan mo unang naranasan ang mahipnotismo?"
"That was last month I think. Maybe summer of 2018." Hindi ako sigurado. Simula noong may pumalo sa akin na lalaki gamit ang kahoy, naging malilimutin na ako.
"Natatandaan mo ba kung sinong naghypnotize sayo?"
"Opo. Natatandaan ko. Si Mr. Chris." Yeah. I knew it. His face is crystal clear in my mind.
Si Mr. Chris Sarmiento na palaging nakangiti pero parang pasan ang mundo.
"Matagal mo na bang kilala ang taong ito?"
"No. I just met him last summer. And that was the time when I met the important people in my life." Nakangiting kwento ko Kay doc habang inaalala ang nga nangyari noong bakasyon.
"Who's this stranger who hypnotized you Gray and who are these people that you're talking about? What exactly happened Gray? Can you please tell me more?"
I just nodded my head and smiled as a response.
Ito ang unang pagkakataon na may pagsasabihan ako sa mga nangyari.
"It all started last summer of 2018"
FLASHBACK-SUMMER OF 2018
"Hey Babe!" Palinga-linga ako sa paligid ng narinig ko ang boses na yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun. Yung taong kahit kailan, hindi ako iiwan. Yung taong kahit kailan, andito palagi sa tabi ko.
My one and only bestfriend. Amielle.
"Excuse me but who are you miss? By any chance, do we know each other?" I said in a cold voice. It's almost a year when I last saw her. Sa manila kasi siya nag-aral tapos ako naman, dito sa Baguio.
"Hoy Bituin, huwag mo akong ma-english English jan kung ayaw mong ipatapon kita sa underworld nang magsama kayo ni Hades!"
Napataas ako ng kilay. I know she's pertaining to her ex-boyfriend. Yan ang problema sa mga straight e. Limited lang sa iisang gender ang choice nila.
"If you don't mind me asking, who's Hades?"
Walang emosyon na tanong ko. She's good at literature.
"Babe..." Sabay ayos niya sa collar ng shirt ko. Don't get us wrong. Malambing lang talaga kami sa isa't-isa. She's seductive but we know that we only treat each other as best friends.
"Hades is the king of the underworld. His kingdom is the home of the dead in Greek Mythology. In other words, it i s the underground abode of the dead in Greek Myth." Sabay flip ng buhok niya at kumindat pa.
"That was too much exposition. I want to have a conversation with you until dawn. However darling, I need to go. Kailangan ko pa kasing sunduin yung pangit kong bestfriend. Contact me if you want." Kunwaring may inabot ako sa kanyang calling card.
"Isa nalang talaga Bituin tatamaan ka na sa akin." Tumalikod siya sa akin at humalukipkip.
"Sorry na babe." Niyakap ko siya para suyuin. "It's just my way of welcoming you and saying 'I miss you'."
Hindi parin siya nagsalita kaya naman nag-isip ako ng ibang paraan para kausapin niya ako at siyempre para maasar siya lalo.
"Bwiset ka talaga Bituin! Bumalik ka dito! Humanda ka sa akin kapag nagkita ulit tayo!" Kung pwede lang sanang may lumabas na usok sa ilong niya, kanina ko pa sana siguro nakita.
Kinagat ko lang naman kasi yung tainga niya at tumakbo palayo. Mahirap na. Baka maging tigre siya habang malapit ako sa kanya.
"Welcome home babe! Mas gumanda ka lalo! See you later! Matutulog ako sa bahay mo!" Sigaw ko habang patalikod na tumatakbo.
"Maganda na ako dati pa!" Nakangiting sigaw naman niya.
"Oo kaya mahal na mahal kita eh!" I winked at her. Natulala naman siya bigla.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang may napansin akong kakaiba sa mga kinikilos niya.
Namumula siya?
Well. She's cute.
-----
(Unedited)
Nawala yung ibang parts ng Chapter 1 :(
IcePhantomhive000
