CHAPTER 35

988 23 0
                                        

Gray's PoV

It's already 3:30 in the afternoon when I decided to wake up Shan. Nakapaglinis na din ako ng bahay at nakapack na ang mga damit namin for 2 days. Natawagan ko na din yung manager namin na hindi muna kami makakapasok. Buti nalang at mabait siya kaya pumayag kaagad.

"Hey. Wake up." Imbes na bumangon, niyakap niya ako sa beywang at ginawang unan ang tiyan ko.

"10 minutes Star." Inaantok pa na hirit niya.

"You told me to wake you up at 3:30 right? Aakyat pa tayo ng bundok."

She groaned in annoyance and hurriedly went to the bathroom.

Pagkatapos niyang makapagbihis, umalis na kami sa bahay at siniguradong naka lock ang lahat ng pinto.

Mag aalas sais na noong makarating kami sa bundok. Dumaan pa kasi kami sa grocery store para bumili ng mga pagkain namin. Nag presinta ako na ako nalang ang magbabayad ng mga binili namin kasi palagi nalang siya ang gumagastos pero ayaw niya. Nakipagpilitan ako sa kanya pero nagtampo siya kaya hinayaan ko nalang na gawin ang gusto niya.

Pagkatapos naming ipatayo ang tent na gagamitin namin, nagpahinga muna kami at pinagmasdan ang magandang view ng Baguio mula sa itaas ng bundok kahit malapit ng mabalot ng hamog.

"Uwi na tayo. Nilalamig ka na." Ibinalot ko kay Shan ang isang kumot na dala namin dahil nanginginig na siya sa lamig.

"Ang hirap umakyat dito tapos uuwi tayo kaagad. Hindi pwede." Mas lalo pa niyang binalot ang kumot sa kanyang sarili.

Gumawa nalang ako ng apoy para kahit papano, mabawasan ang lamig at para na din makapag-ihaw na kami ng kakainin namin.

Sa una, nahirapan pa akong gumawa ng apoy kaya pinapagalitan ako ni Shan. Eh mejo basa na yung mga kahoy na nakuha ko.

Habang nag-iihaw ako ng isda, tumayo si Shan at pagbalik niya, may bitbit siyang isang supot ng malalaking marsh mallows pagkatapos, tinuhog niya ito.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang pinapanood ang ginagawa niyang nag-iihaw ng mallows.

Pwede pala yun?

"Oh. Sayo to." Sabay abot ng inihaw na marsh mallows.

"Subuan mo ako." Paglalambing ko. Hindi naman siya kumontra at inilapit ang marsh mallow sa bibig ko.

"Anong lasa?" Nakangiti na tanong niya.

"It tastes... Good." Lalong lumapad ang ngiti niya ng marinig ang positive comment ko sa ginawa niya.

Nang mabusog kami sa inihaw na isda at marsh mallows, nahiga kami at pinaunan ko siya sa aking braso habang pinagmamasdan ang nagniningning na mga bituin sa langit.

"Shan, do you believe me if I say you already appeared in my dreams?"

"Uhm. Yes? But I hope it's not a nightmare." Sabi niya ng hindi lumilingon sa akin.

"It was actually a nightmare but I am going to do everything I can so that I can change that nightmare into a dream."

"After having a nightmare, what  happened when you woke up and what did you do when you realized that it was only a bad dream?" Tanong niya habang nakatingin parin sa langit.

"When I woke up, I was thankful because it was only a nightmare but at the same time, I was devastated. Na coma ako before and when I opened my eyes, I lost everything. I lost my mom. Sabi ng tita ko, nawala daw si mama dahil sa pagtratrabaho para mabayaran ang mga gastusin sa pagpapahospital sa akin."

Naluluha ako dahil naalala ko nanaman iyon. Sana ako nalang ang nawala at hindi si mama.

"I'm so sorry to hear that Star." Pinahid niya ang ilang butil ng luha na nagmula sa aking mga mata. "Kung ayos lang sayo na magtanong ako, anong nangyari bakit ka na coma? Natatandaan mo ba?"

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon