CHAPTER 24

1K 30 3
                                        

Doctor's PoV

This is not the first time having a patient like Gray. As a hypnotherapist, I need to help my patient to overcome emotional and psychological problems by the use of hypnosis.

In Gray's case, I know what is real and what is not but i need to make sure of it. I know as well that she's suffering.

Nakahiga parin siya sa harap ko. Dapat kong pag-isipan ng mabuti ang mga itatanong ko sa kanya para hindi ako magkamali.

"Gray, may natatandaan ka ba pagkatapos mong mapalo sa ulo?"

Hindi siya agad nakasagot. Magkasalubong ang kanyang kilay na parang pinipilit alalahanin ang mga nangyari.

"No. I don't. Pero bago iyon nangyari, sinabi sa akin ni Amielle na pupunta daw kami sa police station para maireport ang nangyari at para na din malaman ang totoo."

"Anong katotohanan Gray?"

Gray frowned. Sa tingin ko, hindi niya parin alam kung anong nangyari sa kanya. Dahil sa kagustuhan kong kumpirmahin ang nasa isipan ko, kailangan kong gawin ito.

Kakausapin ko ang mga nakilala ni Gray.

"After I clap my hands, you will become Sky." Bumangon si Gray na ngayon ay nasa katauhan ni Sky.

"Hi Sky. How are you?" Ngumiti muna siya sa akin bago nagsalita.

"Hello there. I'm fine. How can I be of any help?" Masiglang tanong niya.

"What is your role in Gray's life and do you know anything about the truth that she's saying?" Tumingin muna siya sa akin ng diretso at hinawakan ang aking kamay.

"Gusto kong maramdaman niya kung paano magkaroon ng isang kapatid. And about the truth, I'm sorry. I can't tell you."

Hindi ko na pinahaba ang usapan dahil alam ko na hindi niya sasabihin sa akin. "After I clap my hands, you will be Gray's mother."

"Kay gwapong binata naman neto. Kamusta ka anak?" Naging maamo ang mukha ni Gray pati na din ang kanyang boses.

"Maayos naman po nay. May itatanong po sana ako sa inyo. Ano po ang role niyo sa buhay ni Gray? May alam po ba kayo kung ano ang totoo?"

"Gusto ko lang na iparamdam sa kanya ang pagmamahal ng isang ina." Nakayukong sabi niya at halatang naiiyak na siya. "Pasensya na pero hindi ko kayang sabihin sayo ang totoo."

Napabuntong-hininga na lamang ako. "In the count of three, you will become Amielle." Bumilang ako ng tatlo at mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Gray.

"Am I talking to Amielle?" Humalukipkip siya sa harap ko bago nagsalita.

"Yes you are talking to Amielle. And I know what you're going to ask. I guide and protect Gray. I tell her what to do and she obeys me. And if you want me to tell you the truth? I'm sorry. That's not gonna happen." Dire-diretsong sagot niya.

"After I snap my fingers, you will become Jessie."

I snapped my fingers in front of her. Lumapit siya sa akin at ikinawit ang kanyang kamay sa leeg ko.

"You're not Gray so if you think I like you, you're wrong. How can I be of any help?"

"Ano ka sa buhay ni Gray? Pwede bang tulungan mo akong malaman kung ano ang totoo?"

"I gave her hint when I talked to Hanz. And about the truth? Wala kang makukuha sa akin." Ngumisi siya habang nakatingin sa akin.

"After I snap my fingers, you will become Hanz."

Nagulat naman ang katauhan na nasa isip ni Gray at agad siyang lumayo para umupo.

"Hanz, is that you?"

Tumingin siya sa akin at hindi na ako nagtaka nang makita ko ang galit sa kanyang mga mata. "You're right."

"Who are you in Gray's life?"

"I distract her. Pinaniwalaan ko na makakalimutan niya si Shan para ako ang mahalin niya. Pero nagkamali ako! It became one-sided-love dahil niloko niya ako!"

"Please calm down. How about the truth? Do you know the truth?" Tumayo siya at mabilis na pumunta sa harap ko.

"Calm down?! No I can't!" She paused and I saw her grin. "And about the truth, yes. I know what's real. Pero hindi ko sasabihin sayo dahil hindi ako magtatagumpay sa plano ko kapag nalaman mo!"

Sasampalin na sana niya ako pero nailagan ko. I snapped my fingers in front of her at binanggit ang pangalan ni Shan.

Mabilis siyang naging kalmado sa harap ko at umupo.

"Shantalle. Right?" Nakayuko lang siya at tumango.

"Gray said, you were her ex-girlfriend. Is that true? Bakit ka nagpakita ulit sa kanya?"

"Yes. I was her ex because she's thinking that way. Nagpakita ako sa kanya dahil gusto ko na maramdaman niyang may totoong magmamahal at mag-aalaga sa kanya. I never disappeared. I am always in her mind and heart." Hindi ako nagkamali sa naiisip ko.

"About the truth, can you tell me?"

Ngumiti muna siya sa akin. Ginantihan ko naman siya ng ngiti para maramdaman niya na mapagkakatiwalaan niya ako sa lahat ng sasabihin niya.

"Yes. I know the truth. We are all part of Gray's i---"

Hindi naituloy ni Shan ang sasabihin niya dahil pumalakpak siya ng dalawang beses at mabilis na nagbago ang aura niya.

"Mr. Sarmiento."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at bigla siyang nagsalita. "Gray, alam ko na naririnig mo ako. Magtiwala ka sa sarili mo at gamitin mo ang hipnotismo sa tamang paraan." Pagkatapos niyang magsalita, pumalakpak ulit siya ng dalawang beses dahilan para matulala si Gray.

"Anong nangyari?" Halatang blangko ang kanyang isipan dahil hindi niya maalala ang mga nangyari.

"Madaming nangyari Gray. I hypnotized you in order to help you cope up with what's happening in reality." Nakatingin lang siya sa akin. Nanlaki ang kanyang mga mata na parang may naalala.

"Where's Amielle doc? How about Sky? Nakalabas na ba siya ng hospital? My mom? Where's she? Si Mr. Sarmiento! Doc wala na siya. Pati na din si Hanz and...and.. Shan. Oh my God! Please tulungan mo sila!" Hysterical na sabi ni Gray ng maalala niya ang mga taong nakilala niya.

"Gray, please calm down and listen to me. I already figured out what's real and what's not."

Pati ako ay kinakabahan sa kung anong pwedeng gawin ni Gray kapag nalaman niya ang katotohanan.

"Gray, hindi nahospital si Sky." Panimula ko. Halatang naguguluhan siya dahil nakakunot ang kanyang noo.

"Walang namatay na Mr. Sarmiento at Hanz. Pati na din si Shan. Walang namatay kahit isa sa kanila Gray. I am really sorry to say this Gray but they never existed." Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang mga dapat sabihin pero kailangan niya itong malaman.

"You were in a coma for two months. Ang sabi ng nga nakakita, naglalakad ka daw MAG-ISA dahil sa kalasingan and unfortunately, may lalaki na tumakbo papunta sa direksyon mo at pinalo ka ng kahoy. That was last summer. Therefore, sa loob ng dalawang buwan na iyon, unconscious ang iyong katawan at hindi organize ang isip mo. Yung mga taong sinabi mong nakita at nakilala mo noong summer ay mga kathang isip lamang. They are all part of a dream or imaginations Gray. I am really sorry."

Iyak lang siya ng iyak habang nagsasalita ako.

Hinawakan ko siya sa balikat pero nagpumiglas siya.

"No! Hindi totoo yang sinabi mo! Nagsisinungaling ka!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon, itinulak niya ako dahilan para mabitawan ko siya at nagmadaling tumakbo palabas.

"I wish all of these are lies. But all you can do is to accept the painful truth."

-----
(Unedited)

Thank you if you are reading this story. ;)

IcePhantomhive000

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon