CHAPTER 40

892 23 0
                                        

Gray's PoV

Gabi na noong napagpasyahan kong magpaalam sa pamilya Sarmiento. Inalok pa nila ako na sabayan sila sa hapunan pero tumanggi ako at sinabing sa bahay nalang muna ako kakain.

Pagdating ko sa bahay ni Shan, naabutan ko siyang nagluluto ng hapunan at nakatalikod sa akin kaya hindi niya ako napansin

"Wow. Ang bango naman niyan." Niyakap ko siya at isinubsob ang aking mukha sa leeg niya.

"Ako o yung niluluto ko?" Natatawang tanong niya.

"Uhm. Both?" Humarap siya sa akin at sumandal sa lababo habang nakapulupot ang kanyang mga kamay sa batok ko.

"How's your day?"

"Tiring but..." I paused and kissed her on her lips. "Now, it's a very good day."

She playfully slap me. Natigilan naman siya ng may nakita siya sa leeg ko.

"You have a new tattoo."

"Oh. That's. Uhm.. Hanz's work." Tinaasan niya ako ng kilay. Damn. I find her hot everytime she raise her eyebrows.

"So may pa-tattoo-tattoo na kayo ngayon?"

"Nagle-level up na nga ata kami e." Pang aasar ko sa kanya. Bumitaw siya sa akin at tinalikuran ako. "I'm just joking Shan. Don't be jealous."

"I'm not jealous."

"Yeah? You're not jealous." Humarap siya sa akin at inirapan ako.

"Isa pa Star huh. Tatadyakan na kita palabas ng bahay ko."

"Chill love. Maliligo lang ako. Baka gusto mo sumabay?" Natatawang nag paalam ako sa kanya. She's so cute when she is mad.

"Maligo ka mag-isa mo. Bilisan mo para makakain na tayo."

Naglakad na ako papunta sa banyo at binilisan ang pagligo dahil nagugutom na din ako.

Habang kumakain kami ni Shan, hindi ko maiwasang pagmasdan ang maamo niyang mukha.

"Baka maubos ako kasabay ng pagkain mo Star." Ngumiti ako at pinunasan ang aking labi bago magsalita.

"Hindi ko hahayaang mangyari yun. Papakasalan mo muna ako bago kita ubusin."

Binato niya ako ng table napkin at nasalo ko naman ito. "Huwag kang paasa jan. Linisan mo na din yang utak mo. Berde na."

"I am not green minded love. I told you. I have a sexy mind."

She just rolled her eyes and continue eating. "Whatever. Speaking of wedding, kailan yung kasal ng kaibigan mo?"

"Sa linggo na yon. It's already Thursday. Luluwas na tayo bukas ng gabi para makapagpahinga tayo ng sabado. Buti nalang pinaalala mo. Sasama ka diba?"

Kunwaring nag-isip siya bago sagutin ang tanong ko. "Pag-iisipan ko."

"It's okay kung hindi ka makakasama. Lalabas na din naman si Hanz sa hospital so siya nalang ang kasama ko." Tignan natin kung makakatanggi ka.

Hindi pwedeng hindi ka sumama Shan. Naihanda ko na ang lahat.

"Sige. Tapos pagbalik mo nasa labas na lahat ng gamit mo." Nanghahamon na sabi niya.

"Ayos lang. Sa bahay nila Hanz ako matutulog."

Tinaasan niya nanaman ako ng kilay at masungit na tinignan.

"You're really cute when you get jealous Shan." Tumayo na ako para ayusin ang pinagkainan namin.

"Who said I'm jealous?" Humalukipkip siya at sumandal sa lamesa.

Humarap ako sa kanya at tinukod ang kamay ko sa mesa. "Your actions said so." I whispered sexily and playfully licked her earlobe.

Iniwan ko siyang tulala habang papunta sa kwarto. "Maligo ka na. Bibili tayo ng gagamitin natin. Magdala ka na din ng swimsuit mo. Beach wedding pa naman iyon. Siguradong magpapasexy ng todo si Hanz para sa akin."

"Walang hiya ka Star!" Sigaw niya nang makapasok na ako sa kwarto.

Tahimik lang kami ni Shan habang nasa kotse kami hangangg makarating kami sa mall.

"Hey are you still mad at me? I'm sorry. Don't worry hindi na kita bibitinin mamaya." Narinig ko naman na napahagikgik ang mga sales lady kaya nakatanggap sila ng irap galing kay Shan.

"Kapal ng mukha mo."

"Cute." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hindi ako aso." Nakahalukipkip na sabi niya habang naglalakad kami.

"Ay hindi ba?" She playfully punched my stomach and walked away.

Hinabol ko siya at inakbayan ulit. Nagpunta kami sa iba't-ibang boutique bago makapili ng isusuot.

Pagkatapos namin mamili, kumain muna kami sa isang Korean restaurant at umuwi na.

"Sure kang isusuot mo yang binili mo?" Natatawang tanong ni Shan.

"Oo naman. Kasal yon ng mga kaibigan ko kaya kailangan maganda suot ko."

Nag-empake si Shan ng mga gamit niya at ganun din ako. "Tatlong araw lang tayo doon Shan. Huwag masiyadong madami dalhin mong damit."

Kinagabihan, nagpumilit si Shan na pumasok sa trabaho kahit pinigilan ko. Maaga din naman daw siya uuwi kaya hihintayin ko nalang. Hindi na din ako nakapunta sa hospital dahil sa pagod. Bukas nalang ako pupunta dahil makakalabas na si Hanz.

"Hey Star. Wake up. Sa kwarto na tayo matulog." Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa habang naghihintay kay Shan.

Inaantok parin na nilakbay ko ang daan papunta sa kwarto at pasalampak na humiga ulit. Naramdaman ko naman ang paglubog ng kama senyales na nakahiga na si Shan sa tabi ko.

"Goodnight Shan." Niyakap ko siya at hinalikan ang kanyang noo.

"Goodnight too Star."


Paggising ko kinabukasan, hindi ko na ginising si Shan dahil alam ko na pagod siya sa trabaho. Ipinagluto ko siya ng agahan at hinalikan sa noo bago umalis ng bahay.

Pagdating ko sa hospital, nakahanda ng lumabas si Hanz.

Mabuti nalang may progress ang pagpapagaling niya.

"Gray!" Masayang banggit ni Hanz sa pangalan ko at sinalubong ako ng yakap.

"Hey." Niyakap ko din siya pabalik at hinagod ang likod niya.

"Ehem." Kumalas ako sa yakap dahil sa pagtikhim ni Mr. Sarmiento sa likod ni Hanz.

"Magandang umaga po Mr. Sarmiento."

"Magandang umaga din Gray. Sabi ng doctor sa akin, maganda daw ang epekto ng mga gamot at proseso para mapabilis ang paggaling niya. Maraming salamat." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Naku. Wala po iyon. Good girl po kasi itong si Hanz." Tumingin ako kay Hanz at nginitian siya.

"Maayos naman na ang lahat. Let's go?" Pag-aya ni Mr. Sarmiento. Buti nalang makakalabas na sa hospital si Hanz. Sana lang magtuloy-tuloy ang paggaling niya.

Tinulungan ko si Mr. Sarmiento na ilagay ang mga gamit ni Hanz sa sasakyan. Masaya ding nagpaalam ang mag ama sa doctor at nurses na nag-alaga kay Hanz.

Habang nasa biyahe kami, sumandal si Hanz sa balikat ko. "Gray, I am so happy. Thank you so much for your efforts."

I intertwined our fingers and let out a single sigh. "Wala iyon. Hanz, can you promise me one thing?"

Humarap siya sa akin at tumingin naman ako sa kanyang mga mata. I'm sorry. I need to use hypnotism again.

"Please let others take good care of you even when I am not at your side. Magpapagaling ka kahit anong mangyari. Ipangako mo na magpapagaling ka Hanz." Blanko ang ekspresyon niyang tumango sa akin bago ko isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

I can't promise to give you back the love you're giving me. I can only be with you always and forever as a friend. I'm sorry.

-----
(Unedited)

Thanks if you're reading this story. ;)

IcePhantomhive000

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon