CHAPTER 10

1.7K 43 0
                                        

Gray's PoV

I hate Mondays. Ibig sabihin, simula nanaman ng mga gabing palaging puyat. Sana ipinanganak nalang akong mayaman para hindi na ako magtrabaho.

Pagkatapos ko maligo, naghanda na ako para makapunta sa trabaho. Nagsuot lang ako ng white fitted polo shirt na pinatungan ko ng white long sleeves na tinupi ko hanggang siko paired with black tattered pants at isinukbit ko na din ang headphone ko sa leeg ko.

A DJ's life is never easy. Hindi lang dapat mag-enjoy ang mga tao kapag nagsimula ka ng tumugtog. Dapat makagawa ka din ng sarili mong musika na hindi pa nagagawa ng iba.

Paglabas ko ng apartment, may nakaparadang Lamborghini Veneno sa labas.

'Damn sexy'. Nasabi ko sa isip ko ng makita kung sinong nakasakay sa magarbong sasakyan na iyon.

She's wearing a shining black fitted v-neck dress na hanggang kalahati lang ng hita niya. Paired with black stiletto na bumagay sa suot niya. Hinayaan lang niyang nakalugay ang kanyang mahabang buhok. I don't wanna say it but, I can see her cleavage that any man could die for by just having a single touch of it.

"Done checking me out babe?" Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko siyang nagsalita. Kunwari tumawa nalang ako para pagtakpan ang ginawa ko.

"You wish babe. Akala ko sa bar mo na ako pupuntahan? Sinundo mo pa ako. Di mo ako matiis no?" Pag-iiba ko ng topic.

"Tara na nga." Sabi niya at dali-daling sumakay sa loob ng sasakyan.

"You look stunning tonight." I say it out loud while I am driving and gave her a single glance. And once again, I saw her blushed that made her cute.

Nang nasa harap na kami ng bar, pinagtitinginan kami or should I say, pinagtitinginan itong katabi ko.

Bukod sa magara niyang kotse, maganda at sexy pa may ari neto. Sino ba naman ang hindi mapapasulyap sa kanya?

"Hey babe. Baka ano. Gusto mong umuwi at magpalit ng damit? Baka kasi makatusok ako ng mata ng hindi ko sinasadya." Para kasing wala siyang pakealam sa mga tingin na natatanggap niya.

"Bituin, andito na tayo tapos pauuwiin mo ako? Seriously? Sayang gas." Sabay tawa niya.

"Don't worry. Nothing's wrong with my outfit. Walang makakalapit sa akin. I have you. Kaya tara na ok?" Hinila na niya ako papasok sa bar.

"Alam ba ng parents mo na andito ka?"

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. "Yup. I told them that you're working here and you will take good care of me."

Flattered. May tiwala kasi sa akin ang parents niya.

Nang nasa loob na kami, naiwan si Amielle sa may VIP. Pinuntahan ko naman yung co-DJ  ko. Si Jessie na parang linta nanaman kung makakapit. I know that she likes me but I have no time for love.

"Jessie, enjoy yourself. Ako na dito. Pahinga ka muna. Amielle's there." Tinuro ko kung nasaan si Amielle na umiinom na. "Pakisamahan mo muna."

"Sure baby. Thanks for your concern." Bulong niya sa akin pero hinalikan muna ako sa leeg bago umalis.

Habang patagal ng patagal, parami na din ng parami ang mga tao dito. I can see in their faces that they are enjoying the music that I create.

Nilakasan ko pa yung music at lalo pang nagwala ang mga tao dahil sa kasiyahan at dahil na din siguro sa kalasingan.

Nang maramdaman ko ang pagod, napatingin ako sa relo ko. 30 minutes nalang out ko na.

Because of the loud music, flickering disco lights, and of course, liquor I bet may mga nakikipagsayaw na sa mga hindi nila kilala. Mabuti nalang at walang nag-aaway kundi bibitbitin sila ng mga naglalakihang bouncer palabas.

Nakikisabay lang din ako sa saliw ng musika. Hindi ko namalayan na may nag-aabot na pala sa akin ng drinks. Pagtingin ko, si Amielle pala. Kinuha ko nalang sa kanya yung isang baso ng inumin at kinindatan siya.

Wala din naman silbi kung kakausapin ko siya dahil hindi kami magkakarinigan.

Sinundan ko siya ng tingin habang palayo na siya sa harap ko. Alam ko na mejo lasing na siya dahil hindi na niya madiretso ang paglalakad.

Napapailing nalang ako habang tinitignan siya. Akala ko, babalik na siya sa upuan niya pero hindi!

May pinaharap siyang sumasayaw sa dance floor at nakipagsayaw siya dito. Hindi ko maaninag kung sino ang kasayaw niya pero parang pamilyar ito.

Nang mapansin ni Amielle na hindi alam ng taong kasayaw niya ang gagawin niya, kinuha ni Amielle yung kamay ng kaharap niya tapos nilagay niya ito sa kanyang beywang.

Wala ng nagawa yung kasayaw ni Amielle kundi gantihan nalang din si Amielle ng sayaw. Siyempre dyosa na lumapit sayo. Aayawan mo pa ba?

Habang sumasayaw sila, hinihila ni Amielle yung partner niya papunta sa harap ko. Parang ayaw naman ng kasayaw niya pero wala siyang nagawa kundi magpahila nalang kay Amielle.

Nang makalapit na sila, nakilala ko ang taong kasayaw ni Amielle.  Nakatingin lang siya sa akin at ngumiti na parang kinakabahan.

Nilakasan ko ang boses ko para marinig niya ang sasabihin ko.
"What the hell are you doing here Sky?!"

Great! My sister is here dancing with my bestfriend!

-----
(Unedited)

DJ Gray at the top.

Thank you if you're reading this story. ;)

IcePhantomhive000

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon