Gray's PoV
Sabi nila kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat mapasaya lang siya at para hindi kayo malayo sa isa't-isa.
At heto ako ngayon. Handang gawin at itaya ang lahat para sa taong mahal ko.
Nung mga oras na umalis ako sa bahay ni Shan ng isang linggo, nagpunta ako dito sa Batangas para sabihin sa mga magulang niya ang tungkol sa amin. Nahirapan man ako noong una, ayos lang dahil kahit papaano, natanggap ako ng mama niya.
Nakakatawa dahil yung kinilala kong ina at ama sa panaginip ko ay mga magulang pala ni Shan. At yung tatay kong kontrabida sa panaginip ay kontrabida parin hanggang sa realidad.
Hindi niya daw ako kayang tanggapin para sa anak niya. Wala daw pupuntahan ang relasyon namin ni Shan pero kahit ganoon, hindi ko magawang magalit sa mga taong naging dahilan kung bakit nakita ko si Shan sa mundong ito. Umaasa parin ako na sana, dumating yung araw na kaya niya akong tanggapin.
Iwinaksi ko ang aking iniisip ng makita ko ang papalapit na Shantalle sa direksyon ko.
Nakapagpalit na din siya ng simpleng jeans at T-shirt pero litaw na litaw parin ang kagandahan niya.
Nginitian ko siya at sinalubong ng halik sa noo bago paupuin at pagmasdan ang mga bituin.
"How was it?" Sana naging maganda ang pag-uusap nilang mag-ina.
Sumandal siya sa balikat ko dahilan para mapangiti ako. Ngunit sa likod ng mga ngiting iyon ay nagtatago ang kabang nararamdaman ko.
"I think, the best things happen here in Batangas. Thanks to you."
I intertwined our fingers. It seems like the spaces between our fingers is perfectly made for each other. "Why did you bring me here Star?"
Hinalikan ko ang ulo niya at tumingin ulit sa mga bituin.
"For us to see the brightness of the moon and stars. And aside from that, I brought you here because I want them to witness what will happen next."
I snapped my fingers in mid air as a signal. May lumapit sa akin na cute na batang lalaki para ibigay ang gitara.
"Thank you little one." Ngumiti siya ng napakatamis at biglang hinalikan si Shan sa pisngi bago tumakbo.
Wala yun sa script a.
"Pagpasensyahan mo na boses ko. Huwag mo akong tatawanan huh." Lumayo ng kaunti si Shan ng masabi ko iyon.
"Bakit naman kita tatawanan? Ngayon mo nga lang ako kakantahan siyempre papakinggan ko yang magandang boses mo habang nakangiti noh." I pinched her nose but she rolled her eyes. She's so cute.
"When the visions around you
Bring tears to your eyes.
And all that surrounds you
Are secrets and lies."Sinimulan kong tumugtog at nagsimula na din ang mga batang lumapit para mag-abot ng pulang rosas kay Shan.
"I'll give you strength
I'll give you hope
Keeping your faith when it's gone
The one you should call
Is standing here all alone."Nakatingin lang ako kay Shan habang nakangiting kumakanta at ganun din siya.
"And I will take you in my arms
And hold you right where you belong.
Till the day my life is true
This I promise you."Lumapit ako kay Shan pagkatapos kong kumanta at hinalikan ang kanyang noo.
"I love you so much Shan."
Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang kanyang kamay. Napatakip naman si Shan ng kanyang bibig nang mapagtanto kung ano ang gagawin ko.
"I hated being in a relationship and being committed to you because you don't deserve to be called 'girlfriend' Shan. You deserve more than that. I don't want you to be my girlfriend but I always wanted you to be my queen. Sa unang pagkakataon, nagkasundo ang isip at puso ko na mahalin ang taong kahit kailan hindi nagsawang intindihin ako."
Huminga ako ng malalim at napangiti ng maalala ko ang mga pagsubok na magkasama naming nalampasan.
"I saw our future together Shan. Ikaw lang ang babaeng nakikita kong kasama ko hanggang maubusan ako ng hininga. So, let's start creating our future together. Let's stop you from being a jealous friend because it's time for us to level up."
Hindi napigilan ni Shan ang isang butil ng luha na umagos papunta sa kanyang namumulang pisngi. Tahimik siyang humihikbi habang nakikinig sa bawat salitang sinasabi ko.
"I don't have enough money to buy the most expensive ring for you but I can only give you my trust, my loyalty, my love and of course, myself."
I opened the box that has a ring inside it and said---
"Shantalle Joy Javier, please accept my love and be my lifetime partner. Will you marry me?"
Nakangiting naghihintay ako sa kanyang sagot habang nakaluhod parin ako sa babaeng araw-araw kong mamahalin at pakakasalan.
-----
(Unedited)Last Chap. Maikli lang. Hindi ko na talaga pinahaba.XD
Thank you if you are still with me until the last chapter. ;)
IcePhantomhive000