Gray's PoV
Nagpalipas kami ng isang lingo ni Hanz sa bahay. Pagkatapos ng pag-aaway namin, napansin kong mas naging sweet lalo si Hanz sa akin. I can't deny the fact that I like what's happening. But I know it's wrong. I feel guilty yet I enjoy the moment.
May mga pagkakataon na nanakawan niya ako ng halik kapag may ginagawa ako. Yayakapin ako kapag natutulog kami, magsusungit kapag nagiging wala sa kanya ang atensyon ko at kapag pinapansin ko ang ibang babae.
She's cute when she's jealous.
"Anak, tulala ka nanaman." Nagkakape ako ng lapitan ako ni mama. Iniwan kong natutulog si Hanz sa kwarto at siguradong magtatampo nanaman iyon kapag nagising na wala ako sa tabi niya. Don't get the wrong idea. Nothing happened between us since then. Can't bring myself doing it tho and I don't know why.
"Ma naniniwala ka ba sa hipnotismo?" Tanong ko kay mama.
"Ano bang klaseng tanong yan anak?" Kunot-noong sabi ni mama.
Niyakap ko si mama bago nagsalita. "Mali ba ang i-hyonotize yung taong mahalaga sayo para mahalin at tanggapin ka niya ma?"
"Hindi mali ang magmahal pero yung pilitin mo yung isang tao na mahalin ka sa pamamagitan ng hipnotismo? Maling-mali yun. Kung talagang mahal ka niya at kayo talaga para sa isa't-isa, hindi kailangan ang hipnotismo para magmahalan kayong dalawa." Sincere na sabi ni mama at pinaharap niya ako sa kanya.
"Ligawan mo siya hindi para maging pansamantala. Ligawan at mahalin mo siya dahil gusto mo na hanggang huli, kayo parin talaga." Hinalikan ako ni mama sa noo pagkatapos ngumiti siya sa akin.
"I love you mom. I really do."
Naglakad ako papuntang kwarto para itama ang maling ginawa ko. Magalit man siya o hindi, gagawin ko ang lahat mapatawad lang niya ako para manatili siya sa tabi ko.
Pagpasok ko sa kwarto, wala akong Hanz na naabutan. Iniwan ko lang siyang natutulog dito kanina!
"Ma napansin mo ba kung may dumaang tao dito kanina? O napansin niyo po ba kung bumaba na si Hanz?" Natatarantang tanong ko kay mama.
"Wala naman akong napansin na may pumuntang tao o dumaan dito kanina. Ang alam ko natutulog pa si Hanz. Bakit?"
"Nawawala po si Hanz ma." Mabilis kong tinahak ang daan palabas ng bahay baka sakaling nagpunta lang si Hanz sa banyo o baka sakaling nagpunta lang siya sa tindahan.
'Baka iniwan na niya ako?' Bigla kong naisip. Parang nanghina ako bigla sa ideyang iyon kaya naglakad ako pabalik at napakapit ako sa pintuan.
Wala akong nakitang Hanz sa loob o labas ng bahay kundi isang note na nakadikit sa labas ng pinto.
"You enjoy yourself too much. Pwede ako naman?--- Sterbern"
Lumingon ulit ako sa paligid. Siguradong hindi pa nakakaalis ang taong nagtatangka ng masama sa buhay namin.
Pagtalikod ko, nakita ko ang isang pamilyar na taong may hawak na baril at nakatutok ito kay mama.
"Huwag kang magkakamaling sumigaw kundi pasasabugin ko ang bungo ng nanay mo Gray!" Galit na sabi niya.
"Creigan? Anong ibig sabihin neto?" Magkabarkada kami ni Creigan noong nasa college palang kami. Nagkagusto din siya kay Shan pero dahil naging kami ni Shan, dumistansya siya akin. Sa tingin ko, hindi niya matanggap iyon.
"Inagaw mo sa akin si Shan! Alam mo ba na siya lang ang babaeng minahal ko tapos inilayo mo pa siya sa akin! Ngayon, yung sayo naman ang aagawin ko! Mabuti nalang at nagkita kami ng mahal mo!" Naguguluhan ako sa huling sinabi niya. Ni minsan hindi lumabas si Hanz ng hindi ako kasama kaya imposibleng nagkita sila.
"Wait. What are you saying? Kailan kayo nagkita ni Hanz?!"
"Hahaha!" Tumawa siya na parang nawawala sa sarili habang hawak parin si mama. "Ang bilis mo namang makalimot Arevalo! Hindi si Hanz ang tinutukoy ko!"
Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Wait. Hindi kaya si ...
Nang hindi ako nakapagsalita, biglang nagpaputok ng baril si Creigan. Bigla naman akong nakaramdam ng matinding kaba. Pagtingin ko sa direksyon nila ni mama, parang nabunutan ako ng tinik ng nakita kong safe si mama.
"Ano bang kailangan mo? Pakawalan mo na si mama." Pagmamakaawa ko sa kanya dahil baka iputok niya ulit ang baril at makatama pa siya.
"Huwag na huwag mo ng hahanapin si Hanz! Akin na siya!"
"San mo siya dinala? Kahit anong gawin mo Creigan, ako ang mamahalin niya kaya tumigil ka na. Parang awa mo na."
Tumawa siya ng mapait at tumingin sa akin. "Hindi ka naman talaga niya mahal di ba? You only hypnotized her! Mabuti nalang at tinulungan niya ako."
"Ginawa ko lang yun dahil takot akong iwan niya ako." Guilty na sagot ko. "Kaya please. Pakawalan mo na si mama at sabihin mo na sa akin kung nasaan si Hanz."
"Sabi ng hayaan mo na si Hanz!" Galit na sabi niya.
Nagulat nalang ako ng makarinig ako ng malakas na putok ng baril kasabay ng pagkamanhid ng katawan ko.
Bago pa ako mawalan ng malay, narinig ko si mama na isinisigaw ang pangalan ko. "Gray!"
Thanks God. My mother is safe.
I am hoping that Hanz is safe too.
-----
(Unedited)Sana nag-eenjoy po kayo sa pagbabasa.
Thanks if you're reading this story. ;)
IcePhantomhive000
![](https://img.wattpad.com/cover/150784620-288-k381744.jpg)