Gray's PoV
FLASHBACK-SUMMER OF 2018
Paggising ko kinabukasan, mahimbing pa ang tulog ni Amielle. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang maganda niyang mukha.
Mula sa medyo makapal niyang kilay, mahabang pilikmata, matangos niyang ilong ay mapupulang manipis na labi. Hindi ako magsasawang tignan siya. Mabuti nalang dumating siya sa buhay ko.
"Staring is rude Gray Star Arevalo." Sabi niya habang nakapikit pa. Hindi ba uso ang bad breath sa babaeng to? She smells like strawberry. Too girly.
"Babe, kailan mo gustong magising na ako ang nasa tabi mo?" Tanong ko habang nakatingin parin sa nakapikit na Amielle sa tabi ko habang nilalaro ang malambot at mahaba niyang buhok.
"Everyday." She said. One word but full of sincerity. Ngiting-ngiti naman ako sa sagot niya. Malas naman ng Hades na yon. Pinakawalan pa si Penelope.
"Hindi ka ba naiiliang o nandidiri sa akin babe dahil sa sexuality ko?" Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob para itanong ito sa kanya.
She opened her eyes and I saw a pair of hazel brown eyes staring at me intently. "Why should I? Whoever or whatever you are, I will always be at your side and you will always see me if you're going to find me. No one has the right to judge you and other people like you just because you're not straight."
Yun ang sagot na hinahanap ko. Sinalubong ko ang mga titig niya at lalo akong naging masaya sa aking nakita.
Sincerity.
Sasagot pa sana ako pero nagsalita nanaman siya.
"Tuwing umuuwi nga ako dito tumatabi ako sayo para lang masiguradong safe ka at hindi maalala si Shan---"
Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya, I cut her off.
"Don't say bad words babe. Umagang umaga. Bumangon ka na jan. Nakapagluto na ako ng agahan. " tumalikod na ako at tinahak ang daan palabas ng kwarto.
"But seriously babe. Try to give yourself a chance to love again. It's more than 2 years when the two of you broke up for Pete's sake!"
Humarap ako sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata. "I just don't like the idea of being in love. I hate relationship and commitment. Alam mo yan."
Nakitaan ko naman ng sakit ang kanyang mga mata pero mabilis niyang naitago iyon. "Fine. Fine. Ang laki mong bloke ng yelo. Mauna ka na sa baba. Susunod ako."
"Don't forget to wear some decent clothes. Don't wanna see you walking around with your lingerie." Sabay bato ko sa kanya ng damit ko. I'll walk around with my sports bra on. Sounds fair right?
Pagkatapos namin kumain, nagpaalam na ako para umuwi. I kissed her cheeks and bid her goodbye.
Nang pauwi na ako, nakasalubong ko nanaman yung itim na aso na parang lalapain ako. Inaabangan pa ata ako araw-araw.
"Ok. Hindi na bago sa atin to." Sabay kamot sa kaliwang kilay ko. Para akong tanga na nakikipag-usap sa aso. I know.
"You know, I really don't understand you. I am not doing anything to harm you pero bakit ang sungit mo sa akin? Straight ka ba?" Lalo pa ata nagalit sa sinabi ko. Babae kasi itong aso.
"Ok beautiful. If you can just calm down and please go away so that I can go home already, that will be great." Pagkasabi ko ng mga salitang iyon, parang kumalma nga yung aso. Himala! Parang naging maamong tuta sa bait at umalis na.
Pasipol-sipol pa ako habang naglalakad at laking gulat ko ng may biglang humawak sa balikat ko. Pagtingin ko sa likod ko, isang pares ng nakalulunod na mata ang nakatingin ng diretso sa akin.
"Go to City Camp Proper tomorrow. #001 at 10:00 am sharp. Okay?"
Without having any second thoughts, I nodded my head as a response. Ngitian ako ng lalaki na kumausap sa akin tapos umalis na.
Damn. Who was that??
-----
(Unedited)Sana po hindi kayo malito sa mga flashbacks. Thanks ;)
IcePhantomhive000
