Gray's PoV
Itinigil ko ang motor ko sa di kalayuan ng bodega na sinabi ni Sterbern. Naglakad kami ni Mr. Sarmiento hanggang sa makarating kami sa likod ng bodega.
"Bakit ba dito sa likod pa tayo dumaan Gray?" Bulong ni Mr. Sarmiento.
"Kung gusto po ninyo Mr. Sarmiento, pwede po tayong bumalik tapos daan tayo sa harap ng salubungin tayo ng bala ng baril ni Sterbern. Ayos lang po ba sa inyo?" Hindi nakasagot si Mr. Sarmiento at pinagsalubong na lamang ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa akin.
Parang naririnig ko ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Maingat kaming dumaan sa bintana para makapasok ng hindi gumagawa ng ingay. Nagtago kami sa isang poste na hindi inaabot ng ilaw.
"Mr. Sarmiento, I am not underestimating your capabilities but I need you to stay here and hide. I can't risk another life sir." Pakiusap ko sa kanya.
"Paano kung mapahamak ka?" Nag-aalalang tanong niya.
"Isipin nalang po natin na hindi iyon mangyayari. Oras po na mapakawalan ko sina Hanz at Shan, itakas niyo po sila." Bilin ko kay Mr. Sarmiento at tumango na lamang siya na parang bata.
Maingat akong naglakad at nagtago sa posteng nadadaanan ko para hanapin si Hanz at Shan.
Dumoble ang lakas ng tibok ng puso ko nang may makita akong babaeng nakatalikod at nakagapos. Kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko na si Shan iyon.
Nagulat ako sa lakas ng sampal kay Shan pero mas nagulat ako nang malaman kung sino ang nanakit sa kanya.
Dahan-dahan akong naglakad para makapunta sa tapat nila. Nang malapit na akong makarating sa poste na pagtataguan ko, isang malakas na tunog ng cellphone ang narinig ko.
"Dame to cosita. Dame to cosita. Mmm cosita. Mmm cosita. Ah!" Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Kalalaking tao ganun ang ringtone! Napatingin ako sa isang poste kung nasaan si Mr. Sarmiento at sinamaan ko siya ng tingin.
"I didn't know you love the Alien song Gray." Kinabahan ako lalo ng marinig ko ang malakas na boses ni Sterbern. "Show yourself baby." She let out an evil laugh.
Bago pa siya makalapit kay Mr. Sarmiento, nagpakita na ako sa kanya.
"Oh. You're there. Sinunod mo ako. Does that mean I can hypnotize you too?" Bakas sa mukha niya ang pagkasuklam ng makita niya ako.
"Hanz."
"Hello Gray. You still remember me. It's so nice to see you. Miss me?" Tumawa siya ng malakas. Hindi ko akalain na magagawa niya ang bagay na ito.
"So ikaw si Sterbern. Alam kong mali ang nagawa ko pero sana pag-usapan natin ito Hanz." Sinusubukan kong pakalmahin siya dahil natatakot ako sa pwede niyang gawin.
"Are you nuts? Pag-usapan? Wala ng dapat pag-usapan! Niloko mo ako at gagawin ko ang lahat para pagsisihan mo ang ginawa mo!"
"Take me instead. Huwag ka ng mandamay ng ibang tao. Ako nalang ang parusahan mo." Sasagot na sana siya pero nagpumiglas si Shan sa tabi niya. Tumingin ako sa direksyon niya at parang gumuho ang mundo ko pagkakita ko sa kanya.
Magulo ang buhok niya at may dugo sa gilid ng manipis niyang bibig. Parang nagmamakaawa ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
"You fucking crazy! What did you do to her!" Singhal ko kay Hanz.
"Chill tiger. I didn't do anything to her. The question is, what can I do to her." She grin like an evil.
Susugurin ko na sana siya pero tinutukan niya ng baril si Shan. "One wrong move and your loving ex-girlfriend will die."
"Star, love, don't listen to her. Umalis ka na. Please save yourself. You know I love you. Right?" Umiiyak na sabi ni Shan.
"How sweet. Pagkatapos mo siyang iwan sasabihan mo siya ng ganyan? Tapos na kayo! Nakaraan ka lang niya!" Sinampal ni Hanz ang nakagapos na si Shan pero hindi siya nagpatinag sa ginawa ni Hanz.
"I may be her past but I can be her present and future. AGAIN" Matapang na sagot ni Shan dahilan upang sampalin ulit siya ni Hanz.
Kahit alam ko na iniwan niya ako noon at ilang beses na masaktan dahil sa kanya, hindi ko parin kayang magalit kay Shan. After seeing her like this, I've realized one thing. Hanggang ngayon, mahal ko parin talaga siya.
"Please stop hurting her. Wala siyang kasalanan sayo." Pagmamakaawa ko.
Tumingin si Hanz sa akin at naluluha. "Sayo lang ako nagkaganito. Sa sandaling panahon na nakasama kita, ikaw yung taong inisip ko na makakasama ko hanggang dulo pero nagdadalawang isip na ako kung gusto ko pa bang makasama ka. Hindi dahil sa hindi na ako masaya pero dahil wala na akong tiwala."
Nakokonsensya ako. Maybe if I didn't hypnotize her, she will not become like this.
"I'm so sorry Hanz." Yun lang ang lumabas sa bibig ko.
Tumawa siya ng mapait saka bumaling ulit sa akin. "I treated you as mine but you never treated me as yours. You hypnotized me Gray. You made me look like a fool. What have I done to you? I loved you. Genuinely." Naiiyak na sabi niya.
Paano niya nalaman? Hindi kaya may ibang naghipnotismo sakanya dahilan kung bakit nagkakaganito siya? Pero sino?
"Please believe me that I treasured the moments that we had together Hanz. Now, please calm down and give me the gun honey." Pagpapakalma ko sa babaeng nasa harap ko. Nang tumingin ako sa direksyon ni Shan, halatang kinakabahan siya ng inaabot na sa akin ni Hanz ang baril.
"You're doing great Hanz." Nang malapit ko ng maabot ang baril na ibinibigay niya, tumunog nanaman ang cellphone ni Mr. Sarmiento na nakapagdistract kay Hanz.
Lumingon ako sa likod ko at nakita si Mr. Sarmiento na nakatayo hawak-hawak ang kanyang cellphone. Nagulat ako ng may narinig akong putok ng baril at pigil-hiningang pinapanood kung paano bumagsak si Mr. Sarmiento sa sahig.
"Oh my God Hanz! What have you done?" Nataranta ako sa kanyang ginawa at hindi malaman ang gagawin.
Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ni Mr. Sarmiento at pinaunan siya sa hita ko.
"Gray, huwag mong kalimutan ang lahat ng sinabi at tinuro ko sayo. And please don't underestimate what she can do. She was my first apprentice."
Hanz was his first apprentice?
Bago mawalan ng malay si Mr. Sarmiento, ngumiti siya sa akin kasabay ng isa pang putok ng baril.
Pagtingin ko sa likod ko, nakita ko si Shan na nanghihina at duguan ang kaniyang tiyan.
Maingat kong ipinahiga si Mr. Sarmiento at tumakbo sa kinaroroonan ni Shan at lumuhod sa harap niya.
"Shan, no! Please love don't leave me." Umiiyak na sabi ko at hinalikan ang noo ng taong unang nagpatibok ng puso ko.
"You don't need to do anything so that I can forget this special feelings for you because right now, I can easily do that for you." Rinig kong sabi ni Hanz. Nang lumingon ako sa kinaroroonan niya, itinutok niya ang baril sa kanyang sentido at agad pinaputok ito.
Hindi ako nakagalaw dahil sa mga nangyayari. Parang umiikot ng napakabilis ang mundo. Nakakahilo.
"Star, I heard that you mentioned the word Sterbern." Parang wala sa sariling tumingin ako kay Shan. "Do you know what it means?"
Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lang sa kanya. "In German, it means..."
Pilit kong inimumulat ang aking mga mata dahil pakiramdam ko, may kung anong pwersang humihila sa akin papunta sa kadiliman.
Hinawakan niya ako sa mukha at ipinagpatuloy ang pagsasalita. "To die."
Pagkarinig ko ng mga salitang iyon, hindi ko na kinaya ang hilong nararamdaman ko. Bumagsak ako sa sahig habang nakatingin lang kay Shan.
Bago ko maipikit ang aking mga mata, may narinig akong pamilyar na boses at sinabing...
"Forgive me."
-----
(Unedited)
Thanks if you're reading this story. ;)
IcePhantomhive000
