Gray's PoV
Paggising ko, napahawak ako sa ulo ko dahil sa nararamdaman kong pagkahilo. Pagtingin ko sa paligid, nakita ko si Amielle na nagmamaneho.
Naalala ko nanaman ang mga nangyari. Sana panaginip lang ang lahat.
Tinignan ko ang aking mga kamay at puting damit ngunit hindi ako nakagalaw dahil nakita kong duguan ako kaya bigla akong natulala at napahawak sa ulo ko.
"Now is not the right time to panic Gray." Sabi ni Amielle habang nasa daan ang kanyang atensyon.
"Where's Sky?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak.
"Sky's is in a stable condition now. Please don't worry." Pinapakinggan ko lang si Amielle habang humihikbi ako sa kanyang tabi.
"Babe, last night. Tell me, it's just a nightmare right?" Naramdaman kong hinawakan ni Amielle ang aking kamay at pinisil ito.
"As much as I want to say that it is only an unpleasant dream babe, I can't because it happened already." Hindi ako nakapagsalita. "Nang nakita kita kaninang madaling araw, wala kang malay."
"Nasaan si Mr. Sarmiento? Babe si Shan! Wala na si Shan. Hanz killed them. Hanz killed herself! Oh my God. This all my fault!" Naihilamos ko ang palad ko habang umiiyak na nagkwekwento kay Amielle.
"Calm down Gray. Please calm down. Pupunta tayo sa police station para maireport ang nangyari."
"How can I calm down? Tatlo ang namatay ngayon dahil sa akin! Kailangan natin silang balikan!" Sigaw ko sa loob ng kotse ni Amielle.
"Walang mangyayari kung patuloy kang magkakaganyan. Subukan mong kumalma dahil ang una nating gagawin ay pumunta sa police station." Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi ni Amielle at subukang kalmahin ang sarili ko.
Ayoko na. Hindi ko na kaya.
Hindi ko maiwasang isipin na ako ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito.
Hindi ko kayang isipin ng paulit-ulit na tatlong mahahalagang tao ang nawala dahil sa akin at may kapatid ako na nasa hospital ngayon dahil sa kasalanang nagawa ko.
"Suit yourself. We're here." Tinapik ni Amielle ang balikat ko at hinalikan ako sa noo.
Inihinto ni Amielle ang sasakyan sa tapat ng police station at mabilis na bumaba para pagbuksan ako.
"Come on Gray. Bumaba ka na." Wala sa sariling bumaba ako sa sasakyan. Hinawakan ni Amielle ang aking kamay para alalayan ako.
"Why? Bakit ka huminto sa paglalakad? Come on Gray. Kailangan nating maireport ang nangyari bago ---"
"Don't you understand Amielle?! They're dead! Wala na! Hindi na natin maibabalik ang buhay nila!" Hindi ko pinatapos magsalita si Amielle at hindi ko na din maiwasang sigawan siya.
Sana, ako nalang ang namatay. Pakiramdam ko hindi ko na kakayaning mabuhay pa.
Sasagot pa sana si Amielle pero may nakita akong lalaking nakahawak ng kahoy at papalapit sa direksyon namin.
Niyakap ko si Amielle para maprotektahan siya ngunit hindi ko naisip na ang pagprotekta ko sa kanya ay ang magiging dahilan ng sarili kong kapahamakan.
"Gray!" Rinig kong sigaw ni Amielle kasabay ng sakit na naramdaman ko sa aking ulo dahil sa lakas ng impact ng paghampas sa akin.
Sabi nila, kung malapit na daw ang iyong katapusan, makikita mo ang mga taong importante sayo at mga magagandang ala-ala niyo.
I smiled when I remembered the times when Amielle and I were laughing together. When Sky was dancing like a stupid one. My mother when she's taking good care of me. When Mr. Sarmiento was telling funny stories. When Hanz was hugging me in a very comforting way and when Shan was showing her most beautiful smile.
May naramdaman akong mahigpit na yakap kasabay ng pagtulo ng aking luha mula sa nakapikit ko ng mga mata.
Ito na ba ang magiging katapusan ko?
END OF FLASHBACK
-----
(Unedited)Ito po yung EoF ng nasa chapter 6.
Thanks if you're reading this story. ;)
IcePhantomhive000