CHAPTER 32

1K 26 0
                                        

Gray's PoV

It's been a week since Shan and I last saw and talked to each other. I spent my time at Batangas. May importante kasi akong ginawa doon para pagdating ng tamang oras, magiging maayos ang lahat.

Nang nasa Batangas pa ako, tinatawagan ako minsan ni Hanz para kumustahin. Nagkwekwento din siya sa akin pero hindi ko sinabi na nasa Batangas ako dahil baka bigla nalang niyang maisipang sumunod doon.

Pag-uwi ko sa Baguio galing Batangas, pumunta ako sa Blood and Sweat para bumawi sa absents ko. Naitanong ko din kung anong oras ang shift ni Shan ngayon pero sabi nila, naka sick leave daw. Bigla tuloy akong naawa at nakonsensya sa pag-iwan ko sa kanya. Walang mag-aalaga kay Shan kasi mag-isa lang siya sa bahay niya.

Pupuntahan ko na siya pag uwi ko galing trabaho.

Madaling araw na nang matapos ang shift ko. Nang nasa Session Road na ako, nakasalubong ko si Amielle at Sky. Nginitian ko nalang sila at nilampasan.

"Palagi nalang natin siyang nakikita." Rinig kong sabi ni Sky.

"Maybe there's a reason why. And, she's Hanz's friend." Sagot naman ni Amielle.

Mabuti naman at alam na nila. Baka iniisip nila na sinusundan ko sila.

Nasa madilim na parte ako ng daan ng may lalaking lumapit sa akin at tinutukan ako ng kutsilyo sa tagiliran.

"Hold up to. Nangangailangan lang." Ramdam ko pa ang panginginig ni kuya. Siguro first time niyang gumawa ng ganto.

Pero aminin ko man o hindi, natatakot ako na baka biglang maisaksak niya sa akin ang hawak niya.

Hindi ito ang tamang oras para kabahan Gray! Pagpapalakas ko ng loob ko.

"Hindi ako makagalaw ng maayos kuya. Luwagan mo pagsakal mo sakin para maibigay ko pera ko sayo."

Niluwagan naman ni kuya ang pagkakasakal niya sa akin at humarap ako sa kanya pero nakatutok parin ang kutsilyo sa akin.

"Bilis na miss. Kailangan na ako ng misis ko." Minamadali pa talaga ako.

Pinapanood ni kuya ang pagkuha ko sa wallet ko. Pero bago pa niya iyon makuha, mabilis ko siyang hinawakan at tumingin sa kanyang mga mata. Mabilis na naging blanko ang kanyang ekspresyon habang nakatingin din sa akin.

"Simula ngayon, maghahanap ka ng matinong trabaho para mabigyan mo ng maayos na buhay ang iyong pamilya sa malinis na paraan."

Tumango siya at tumalikod na. Pero bago pa siya makaalis, inabutan ko siya ng pera at pinaalis na.

Good thing. I still know how to hypnotize and the best thing is, I am using this ability in a good way.

Napangiti ako sa sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad. Habang papalapit na ako sa bahay ni Shan, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Hindi naging maganda ang huling pagkikita namin kaya umaasa ako na magkakaayos na kami.

I miss her. I really do.

Minsan, kailangan mo talagang umalis sa tabi ng taong mahalaga sayo para malaman mo kung totoo ang pagmamahal na nararamdaman mo.

Nang nasa tapat na ako ng bahay ni Shan, pinihit ko ang doorknob. Napakunot ang noo ko dahil dito. Paano nalang kung ibang tao ang nagtangkang pumasok dito? Baka may nakapasok nga! Baka napahamak na siya!

"Shan!" Dahil sa naisip ko, naisigaw ko ang kanyang pangalan at binilisan kong pumasok sa loob ng kanyang bahay dahil alam ko na mag-isa siya.

Pero akala ko lang pala.
------------------------------------------------------
Shan's PoV

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon