Gray's PoV
Sky is wearing black V-neck shirt paired with black pants and black combat shoes. Blue Sky is her name but she loves black. Yes. SHE is my sister.
After my shift and since it's only 2am, nag stay muna kami dito dahil ayaw pa umuwi ni Amielle. 3am naman daw magsasara itong bar.
She said she's still enjoying pero halatang lasing na. Pumunta muna kami sa VIP area kung saan ko iniwan si Amielle kanina.
"Explain." Malamig kong sabi kay Sky nang makaupo na kami. Eto namang si Jessie, nakahawak sa braso ko tracing my tattoos. Hindi ko namalayan na sinundan pala ako neto.
"Look Gray." Panimula niya. Hindi niya talaga ako tinatawag ng 'ate' dahil ayoko. "Dapat sasabihin ko sayo na pupunta ako dito sa Baguio pero nakalimutan ko. But since I am already here, SURPRISE!!!"
Tumayo siya para sana yakapin ako pero hinarang ko ang palad ko para hindi niya maituloy ang gagawin niya.
I closed my eyes when I felt that anger is eating my soul again.
I have learned to control the demons inside me but since I am not perfect, I tend to lose it sometimes.
'Inhale. Exhale. Learn to control your anger Star.'
I remember her saying those words again.
Still eyes closed, kinausap ko si Sky. "Sky nagpaalam ka ba kay mama o kila tita man lang? Damn. Jessie stop it." Paano naman kasi, I can already feel her hot breath on my neck.
Pagtingin ko kay Sky, para siyang nagpipigil ng tawa. Inirapan ko lang siya.
Paglingon ko naman Kay Amielle, kung nakakamatay lang sana ang masamang tingin, kanina pa sana kami nakabulagta ni Jessie dito. Aalisin ko na sana yung kamay ni Jessie na nakakawit sa braso ko pero ayaw niya kaya hinayaan ko nalang.
"Still waiting for your answer Sky."
"Nagpaalam ako kay mama ok? In fact, they even told me na alagaan daw kita. Pinapasabi din ni mama na kahit ano daw ang mangyari, sa Batangas ka umuwi after everything." Napakunot naman ako sa huling sinabi niya.
"What are you saying na sa Batangas ako uuwi after everything?"
She just shrugged and took a shot of Bacardi (gold) na ikinangiwi niya.
"Sinong kasama mong pumunta dito? Don't tell me mag-isa ka? Baka nagsama ka nanaman ng babae mo?"
Parang nataranta naman siya sa sinabi ko at biglang tumayo.
"O! Shoot! Nakalimutan ko. Wait. Babalikan ko lang siya." Umiling ako sa sinabi niya pagkatapos nagmadali siyang umalis sa harap namin.
Ang awkward tuloy ng atmosphere dito. Kaming tatlo lang ang naiwan.
"Hoy babae! Kita mong naiinitan si babe o! Kalas-kalas din girl! Halatang ayaw sayo!" Humalukipkip si Amielle at nag cross-legs pa.
Sasabog na si Amielle. 'Huwag mo ng sagutin Jessie'
"Okay." Nakahinga ako ng maluwag. Napa smirk naman si Amielle. Mabuti nalang hindi na kumontra si Jessie. Kung nagkataon man na sinumbatan pa niya si Amielle, baka maging referee na ako dito.
May pagka possessive kasi si Amielle. Kung ayaw ni Amielle sa babaeng lalapit sa akin, susungitan talaga niya ito.
She has this 'bestfriend radar' daw kasi.
Akala ko aalis na si Jessie dahil tumayo na siya pero laking gulat ko ng umupo siya sa hita ko in a stride position. Hindi pa siya nakuntento kasi kinuha niya yung kamay ko at ipinatong sa exposed legs niya.
Yung mukha ni Amielle? PRICELESS. Namumula na siya dahil sa alak at dahil na din sa inis niya.
Gusto ko sanang tumawa pero baka ako pa pag-initan ng bestfriend ko.
Pagkasubsob ni Jessie ng mukha niya sa leeg ko, hindi ako nakagalaw kasi naramdaman ko yung bibig niyang nakadikit sa balat ko. Geez. That's my weak spot.
Kinuha ni Amielle yung isang bote ng Smirnoff tapos ibabato na sana niya kay Jessie pero dumating si Sky at yung kasama niya.
Naabutan tuloy nila ang ganitong posisyon namin.
"Uh. What are you guys doing?" Tanong ng kasama ni Sky pero walang nagtangkang sumagot dahil sa gulat.
Shit. Nakakahiya.
-----
(Unedited)Salamat sa nagbabasa. ;)
IcePhantomhive000
