CHAPTER 6

2.1K 49 0
                                        

Gray's PoV

"Gray bakit ka pumayag na magpahipnotismo Kay Mr. Sarmiento?" Tanong ni doc na nagpabalik sa akin sa realidad.

"Dahil naisip ko na baka kailanganin ko in the future and maybe, out of curiosity doc." Sagot ko habang nakapikit ang aking mga mata.

"Do you think you did the right decision to trust that guy Gray?" His voice is so inviting. So warm. Nakakaantok.

"Oo naman po doc. Pinag-isipan ko ng mabuti ang decision ko." Kahit sa sandaling panahon na napapayag ako ni Mr. Sarmiento, pinag-isipan ko parin ang naging desisyon ko. I can't risk my life or someone's life because of wrong decision.

"When he told you to hypnotize someone, ginawa mo ba?"

"Yes. I hypnotized someone and the result is unexpected." Since I can't control myself from answering his questions, hinayaan ko nalang na lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko.

"Who was your subject Gray and what happened?"

FLASHBACK- SUMMER OF 2018

Pagkagaling ko sa bahay ni Mr. Sarmiento, umuwi muna ako saglit. Sumakay ako ng jeep pauwi. Nakadungaw ako sa bintana ng may nakita akong hindi ko inaasahan.

"No. It's impossible. Nasa Isabela siya. It can't be."

Nagulat ako ng may biglang kumalabit sa akin. "Ma'am hanggang dito nalang po tayo."

"Ah. Opo kuya. Pasensya na po." Paumanhin ko sa driver ng jeep. Hindi ko namalayan na ako nalang pala ang hindi nakakababa.

Pagdating ko sa apartment ko, nagtungo agad ako sa kwarto at sumalampak sa kama ko.

Naalala ko nanaman yung nakita ko kanina. Siya nga kaya yun? Could it be possible na magkita ulit kami? What is she doing here? Searching for a job?

"Impossible." Sinagot ko ang sarili Kong mga tanong ng aking isipan. Siguro magkamukha lang sila.

"Haaaay." Napabuntong hininga nalang ako at tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang aking kanang braso.

I will move on. I will forget you Shan. I will try...

Triiiiiiiiiiinggggggggggg

Nagising nalang ako sa tunog ng alarm clock ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Alas siyete na ng gabi!

"Ano nanaman kayang kakainin ko?" Tanong ko sa sarili habang papunta sa kusina ng inuupahan kong apartment.

Nagluto nalang ako ng chopsuey for dinner. Gulay lang kakainin ko ngayong gabi. Baka yung ABS ko maging A Big Stomach. Mahirap na. Sayang pinaghirapan.

Habang hinuhugasan ko yung mga ginamit ko kanina, sumagi sa isip ko yung sinabi ni Mr. Sarmiento.

Sino naman kaya ang pwede kong pakiusapan para magpahipnotismo?

'Si mama?' Hindi pwede. Nasa Isabela siya.

'Si Asul na kapatid ko kaya?' Ang layo naman niya.

'Si Jessie na DJ din kagaya ko?' Baka pagtawanan at landiin lang ako.

Parang wala namang pwedeng makumbinsi. Humiga nalang ulit ako at ginawang unan ang aking braso. Matutulog na sana ako kaso biglang tumunog yung cellphone ko.

-Babe calling....

Hulog talaga ng langit si Amielle. Nakangiting sinagot ko ang tawag niya.

"Hey babe. What's up? You're the one."

Kung sinuswerte ka nga naman. Kanina muntik na akong mawalan ng pag asa kung sinong papakiusapan ko para maging subject. Ngayon, kusa ng lumapit sa akin.

"Gray, I know you're being sweet or romantic again but sad to say, I am straight." Natawa naman ako sa sinabi ng kausap ko sa kabilang linya.

"Yeah babe. I know you're straight as a pole pero baka kalawangin ka tapos mabaliko ka rin. My charm isn't working when it comes to you. Why?" Umaarte naman akong nasasaktan kahit hindi niya nakikita.

"Uh. Because you're not my type?" Tumatawa naman na sagot niya. She really know how to make me smile.

"Not sure eh?" I'm enjoying this topic of ours. Tignan natin kung hanggang kailan siya tatagal.

"Hoy tigilan mo ako jan bituin. Buksan mo na itong pinto. Naiinip na ako." Napailing naman ako sa sinabi niya. Talo.

"Wait. What??"

"I am in front of your apartment. Open the damn door for me or else I will call someone to open this." Wow. Bossy Amielle. Cute.

"Babe, you have a spare key. Just come in okay?" Pinuntahan ko parin ang pintuan para pagbuksan sana ang prinsesa kaso hinintay ko pa siyang makasagot.

"Gray, tell me. Am I gonna ask you to open the door if I have the extra key with me? Gosh. Seriously?" Ibinaba ko na ang tawag at pinagbuksan siya.

Nag e evolve nanaman kasi para maging tigress.

"Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? Are you having PMS?" Or Premenstrual Syndrome.

Inirapan lang niya ako. This girl.

"Welcome to my apartment my princess." Sabay hawak ko sa siko niya para papasukin.

"Nakikipagbalikan siya Gray. Anong gagawin ko?" Walang ganang sabi niya at sumalampak sa upuan.

"Ang dami mong katulong sa inyo. Sa akin ka pa talaga nagpunta." I'm just kidding of course.

Bago pa siya makatayo, hinila ko na siya. Sakto namang napaupo siya pero sa lap ko siya bumagsak. I hugged her.

"Just joking babe. So what did you tell him?" Tanong ko habang inaamoy ang mabangong buhok niya.

"Sabi ko tapos na kami." Muntik ko na siyang itulak dahil sa sinabi niya.

"What? Why? I thought you still love him at babalikan mo siya kapag nakipagbalikan siya sayo?" Tumayo siya at naglakad papunta sa kusina na sinundan ko naman.

"Well that's what I thought as well but things have changed Gray." Hindi ako sumagot. Still waiting for her to speak.

"I'm confused." Tinaasan ko siya ng kilay.

"The great heiress Amielle Jean Maldova is confused. Why?" Kahit kailan ata hindi naguluhan to eh. Ngayon palang.

Hindi niya sinagot ang tanong ko. She hugged me instead. I know she's not yet ready to tell her story kaya hinayaan ko nalang at hinaplos ang kanyang nakalugay na buhok.

"Take your time to think babe. Love is really confusing but all you have to do is to use your mind in decision making and use your heart in determining what you really feel. Okay?" Tumango nalang siya bilang sagot.

"Anyways babe. Uhm. I have something to tell you."

Kumalas siya ng yakap at tinignan niya ako. Hinawakan ko naman ang kanyang kamay at pumunta sa sala.

Naikwento ko lahat ng mga nangyari simula noong nagkita kami Mr. Sarmiento hanggang sa nagpaturo ako sa kanya kung paano mag hypnotize.

Nakatingin lang siya sa akin na parang nagpipigil ng tawa.

"I know you're thinking that something's wrong with me babe and believe it or not, that's what I am thinking as well." She's biting her lower lip to suppress her laughter.

"Uh. Hey. I'm serious. Anyways, be my subject. Let's just try. Will it be ok?"

Matagal siyang hindi sumagot. Napabuntong hininga muna siya bago sumagot.

"Okay. Pumapayag na ako."

-----
(Unedited)

Salamat po kung may nagbabasa. ;)

IcePhantomhive000

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon