CHAPTER 34

947 22 0
                                        

Shan's PoV

Lumipas pa ang mga araw na palagi kaming magkasama ni Star.

Hindi ko alam kung anong status namin. Gusto ko sanang tanungin si Star pero inuunahan ako ng kaba. Baka sabihin nanaman niya 'commitment and being in a relationship is not my thing'.

Gagawa na din sana ako ng paraan para maging kami pero naduduwag at natatakot ako na mareject. Siguro, dapat makuntento nalang ako kung anong meron kami ngayon. At least, nababantayan at naalagaan ko siya. Yun lang naman ang mahalaga sa akin.

Pagkatapos kong maligo after workout, may narinig akong kumakatok sa labas kaya nagmadali akong buksan ito.

"Hi. Good morning. How can I be of any help?" Magalang na tanong ko sa mga taong nasa labas.

"Uhm. Dito ba nakatira si Gray Star Arevalo?" Tanong ng babaeng parang modelo.

"Yeah. Dito nga. Why?"

"Great! My name is Amielle and this beautiful handsome right here is MY girlfriend, Sky." Pagpapakilala niya.

Nakipagshake hands naman ako sa kanila at ipinakilala ang sarili as a sign of respect. "I'm Shantalle. Star's...uhm friend."

"Ow. I see. Nice to meet you. By the way, we came here to give this to Gray. It's a wedding invitation from my cousin and her fiance. Magkakaibigan kasi sila. You can come as well if you want." Magiliw na pag-imbita ni Amielle sa akin.

Hindi ko alam na may mga kaibigan na pala si Star na hindi ko kilala. Lahat naman kasi ng nagiging kaibigan niya sa bar pinapakilala niya.

"Ok. I'll think about it and don't worry. Makakarating to kay Star."

"Thank you so much. And we should get going. May mga inaasikaso pa kasi. Bye!" Nakangiting paalam nilang dalawa.

Pagpasok ko sa kwarto, sakto namang palabas si Sky sa banyo habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya na hawak niya.

She's wearing an oversized white sleeveless shirt. Kaya kitang-kita ang mga tattoo niya sa braso. As if those tattoos are inviting me to touch them. I unknowingly and accidentally bit my lips.

"You're drooling Shan." Napahawak naman ako sa gilid ng labi ko at inirapan si Star ng mapansin na pinagtritripan niya lang ako.

"A girl named Amielle and Sky came here and wants me to give you this." Sabay abot ng invitation sa kanya.

"You are cordially invited to witness the matrimony of Creigan Frost and Jessie. Fuerte-Gabrielle. Oh. They're getting married." Tumatango na sabi ni Star.

"San daw gaganapin?"

"It'll be a beach wedding at Laiya, San Juan, Batangas. Wedding day will be on a Sunday." Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya. Ayoko ng bumalik doon. Hindi pwede.

"You should come. I'll introduce you to my friends." Nakangiting sabi niya habang nakahawak sa aking mga kamay.

"I'll...I will think about it. For now, kumain muna tayo. Gutom na ako." Nauna na akong naglakad pero mabilis niya akong sinundan at inakbayan.

Tahimik lang kami ni Star habang kumakain. Nang natapos ako, nauna na akong tumayo pero pinigilan niya ako.

"Is there something wrong? Hindi ka nagsasalita." Nag-aalalang tanong niya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. May 6th sense ata to.

"Wala. Ano ka ba. Hindi ba pwedeng nasarapan lang sa luto mo kaya hindi ako nagsasalita? Pasalamat ka nga hindi kita binungangaan eh."

Natawa naman siya at parang naniwala sa sinabi ko. Or ayaw lang talaga niyang magtanong pa?

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon