CHAPTER 36

2.2K 24 1
                                    

WARNING!! SPG AHEAD!!

Gray's PoV

Nagising ako kinaumagahan dahil sa mabangong niluluto ni Shan. Paglabas ko ng tent, naabutan ko siyang nag-iihaw ng karne.

"Morning." Bati ko habang papalapit sa kanya para halikan sana siya pero pinigilan niya ako.

"Hep hep hep. Toothbrush muna." Sabay abot ng tubig at toothbrush sa akin.

Pagkatapos kong magsipilyo, nilapitan ko siya at ninakawan ng halik sa labi. Nginitian nalang niya ako habang umiiling.

"Here's our food. Pork and of course, marsh mallows." Masayang sabi niya habang naghahain.

"Wife material huh." Nakangiting sabi ko.

"Huwag mo nga akong paasahin Bituin! Kumain ka nalang jan!." Hinampas niya ako sa braso para itago ang kilig na nararamdaman niya.

"Ang suplada naman ng future misis ko." Sabay sundot sa kanyang tagiliran.

Napapitlag naman siya dahil may kiliti siya doon banda. "Isa Star huh. Kapag di ka tumigil iiwan kita dito."

Pagbabanta niya. Hindi ko na inulit pa ang ginawa ko dahil baka totohanin niya ang sinabi niya.

Pagkatapos namin kumain at magpatunaw, nag jogging kami pababa at pataas ng bundok. Nadapa pa ako minsan pero tinawanan lang niya ako. She's so sweet right?

Nang pauwi na kami, bigla niyang ikinawit ang kanyang mga kamay sa braso ko at hinila ako.

"Where are we going?" Tanong ko dahil hindi ang tamang daan ang tinatahak namin para makabalik.

"Swimming. May nakita akong batis kaninang nag-ikot ako."

Napakunot ako sa sinabi niya. Naglakad siya mag-isa? Paano kung may nangyaring masama aa kanya?

"As you can see, walang nangyaring masama sa akin. Nakabalik ako ng buo."

"Are you a mind reader Shantalle?" Tinignan ko siya habang naglalakad kami.

"Haha. Yes? I am a fortune teller as well." Hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso ba siya.

"Can you tell me my future then?" Tumigil siya at humarap sa akin.

Kinuha niya ang kamay ko. She traced little circles on my palm and said---

"In your future, I can see YOU and... ME watching the rising of the sun together while holding each other's hand." Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Then I don't need to worry. Maganda ang magiging future ko dahil kasama kita."

"Oo na Bituin. Sweet ka na. Tara na nga." Inakbayan ko siya at hinawakan niya naman ako sa beywang habang naglalakad kami.

Sana, hindi na magkalayo ang landas naming dalawa. Sana, hindi ito isang panaginip lang. NANAMAN.

Pagdating namin sa destinasyon namin, namangha ako sa gandang nakikita ko. Napakalinis ng tubig at parang kumikislap ang mga bato dahil nasisinagan ng araw.

Habang pinagmamasdan ko ang batis sa harap ko, bigla kong naramdaman ang lamig kasabay ng pagbagsak ko sa tubig dahil itinulak ako ni Shan.

"Ganun pala huh." Hinabol ko siya at binuhat ng bridal style. Lumusong ako sa tubig habang buhat-buhat ko ang babaeng pangarap ko.

Wala na kaming ginawa kundi magsabuyan ng tubig na parang mga bata at nagkakarerahan sa paglangoy.

Nang makaramdam kami ng gutom dahil malapit na ang tanghalian, umahon na kami para bumalik sa tent.

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon