Hanz's PoV
A good girl with bad habits.
THAT.IS.ME.
Nakilala ko si Sky sa Batangas. Pareho kami ng university na pinapasukan. Graduating na din kami pareho.
Akala ng ibang tao, girlfriend ako ni Sky dahil sa sweetness namin at dahil na din sa pakikitungo namin sa isa't isa. May mga naiinis sa akin sa school dahil sa attention na ibinibigay niya sa akin pero wala akong pakealam.
Alam ko naman kung anong totoo.
We decided to have a summer vacation here in Baguio. I will never get tired of inhaling the fresh air of Philippine's summer capital.
After how many hours of sleep, pumunta kami dito sa Blood and Sweat bar. Ito daw kasi yung pinakamagandang bar dito.
Perfect drinks, good quality of music and of course, the handsome DJ.
I laid my eyes on the DJ since I entered this bar. I planned to approach him after his shift. Uminom muna ako dahil wala naman ako sa mood sumayaw ngayon. Hindi din naman ako madaling malasing kasi mataas ang alcohol tolerance ko.
"Hi. Alone?" May lumapit sa akin na lalaki at hindi ko maipagkakaila na gwapo siya pero wala akong interes sa kanya.
Ininom ko muna yung hawak ko bago sagutin ang tanong niya. "Yes. And I am not looking for a company." Ngumiti ako na parang ikinainis niya tapos umalis na.
Tsk. Alam ko na kung anong iniisip nila. Kunwari tatanungin kung may kasama ako, kunwari tatanungin kung anong drinks ang gusto ko at higit sa lahat, tatanungin kung may boyfriend na ako.
Gasgas na yung mga ganong galawan. I am not the typical type of a lady as well. Gusto ko yung machachallenge ako sa isang tao. Yung tipong hindi tatablahan ng charms ko.
"Goodness. Hanz. Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Said by no other than Blue Sky Arevalo.
"Why baby? Wala ka bang nakitang kasing ganda ko kaya mo ako hinahanap?" Mejo nang aakit na tanong ko. Wala namang malisya sa amin kasi straight ako.
"You're hopeless Hanz." Tinawanan lang niya ako. "Alam mo namang hindi kita type. Nagpapatawa ka ba?" Tuloy parin siya sa pagtawa.
I rolled my eyes. "At alam mo din na hindi kita type dahil straight ako."
"Oh yeah? I will try to believe that bestfriend." May pagdududang sabi niya.
Umupo siya sa tabi ko at sinamahan akong uminom. "Alam mo ba, may humila sa akin kanina. She danced sexily. And fortunately hindi ko siya type."
Tinignan ko siya sa mata pero iba ang nakita ko. "Your eyes tell me that you're not telling the truth."
Natulala siya sa sinabi ko at hindi nakasagot. "By the way, bakit mo ako hinahanap?" Pag-iiba ko para hindi siya mahiya. Hindi kasi siya nagsasabi kung in love ba siya o hindi.
"My sister just saw me because of the girl. Hindi pa sana ako magpapakita pero yun kasing babaeng yun, dinala ako sa harap ng kapatid ko." Kakamot-kamot ng batok na sabi niya.
Uminom muna ako ng margarita bago ako sumagot. "So? Anong connect ng sinabi mo sa tanong ko?"
"Tinanong niya kasi kung may kasama ba akong pumunta dito and I suddenly remember you."
At talagang nakalimutan talaga niya ako.
"Wow! Buti naman naalala mong may kasama ka pala?" Kunwari nagsusungit na sabi ko.
"Sorry ok? Eto na nga o. Sinusundo na kita mahal na prinsesa." Sabay lahad ng kamay niya.
"Pakilatag ang red carpet." Sakay ko naman sa biro niya.
Hinawakan niya ako sa likod na parang inaalalayan.
"Hindi ako lasing Sky." Sabi ko sa kanya dahil naka-on nanaman ang pagiging protective niya.
"Alam ko. I am just letting them think that you are not available. Tsaka hinuhubaran ka na nila sa isip nila." Parang batang nagsusumbong na sabi niya.
Hinayaan ko nalang si Sky na gawin ang gusto niya at lalo pa niya akong hinapit sa beywang nang simulan na namin ang paglalakad.
Pagdating namin sa isang VIP area, may naabutan kaming babae na nasa ere ang kamay habang may hawak na bote at nakaharap sa babaeng nagpakandong sa lalake.
Bago pa maibato ng babae ang hawak niya, nagsalita na ako.
"Uh. What are you guys doing?" Lumingon silang tatlo sa akin. Shock is written all over their faces but someone caught me off guard.
Hindi ako nagkakamali at hindi dala ng kalasingan ang nakikita ko ngayon.
"You're name is?" Tanong ko sa taong nakaagaw ng pansin ko.
The DJ!
-----
(Unedited)
So ayun. Nagkita na sila. XD.
Hanz at the top.
Thanks so much for your patience in reading this story. ;)
IcePhantomhive000
