CHAPTER 9

1.7K 38 0
                                    

Gray's PoV

Naguguluhan man ako sa sinabi ni Mr. Sarmiento, sinundan ko parin siya sa sala dala-dala ang orange na hawak ko.

Let me try to hypnotize this wise man.

"Are you ready sir?" Tanong ko sa kanya na parang nanghahamon. Ang lakas naman ng loob ko para itanong ito sa kanya.

"That's not the right question dear one." Tapos tinignan niya ako na parang sinasabi niyang hindi ko kakayanin ang i-hypnotize siya at tumabi sa akin. "Are YOU ready."

He emphasized the word 'YOU' while looking straight into my eyes. Lalo ata akong kinabahan sa kanya.

Sinimulan ko ng i-hypnotize si Mr. Sarmiento. I tried numerous times but I failed many times as well.

Meron pa nga yung time na akala ko ok na pero tinawanan ba naman ako. Para daw kasi akong natatae sa itsura ko. E sa nahihirapan talaga ako i-hypnotize siya e.

"Ok Gray. Let's have a lunch first. Alam ko gutom na tayo pareho. Baka sakaling ma hypnotize mo na ako kapag nagkalaman na tiyan mo." Tatayo na sana siya pero nahawakan ko yung braso niya.

"Sir, can you please sit first and try to peel this orange for me?" Mabilis na nagbago ang expresyon niya. Nakatingin lang siya sa akin at sinalubong ko naman ang kanyang mga matang walang emosyon na nakatingin sa akin.

Finally.

Kukunin na sana niya yung orange na hawak ko kaso kusa siyang pumalakpak ng dalawang beses at nagbalik sa dati. What the hell.

"I did that to distract myself from you Gray. You almost controlled me. However, since I am already skilled, hindi ka nagtagumpay."

I rolled my eyes. "Conceited."

"But if your subject is an ordinary person, I mean a person who doesn't have the skill or ability to hypnotize others, there's a high chance that you could have hypnotize her. Very good. Not bad for a beginner. " nginitian niya ako pagkatapos kausapin.

I can't help myself to smile. His words are overwhelming.

"This is the first time you gave me a genuine smile by the way. You should do that often." Iniwan niya ako sa sala para pumunta sa kusina.

Doon na din ako kumain ng lunch. Mapilit kasi si Mr. Sarmiento.

Pagkatapos naming kumain, pinilit ko siyang ako nalang ang maghugas ng mga ginamit namin.

Magpapaalam na sana ako para umuwi pero pinakiusapan niya ako na kung pwede daw bang huwag muna akong umalis.

Pumunta kami sa kanyang garden dahil may sasabihin daw siya sa akin.

"Do you still remember when I said that you are my second apprentice?" Tumingin ako sa kanya at tumango pagkatapos tumingin naman siya sa malayo.

"Hindi ko kasi nakontrol yung unang apprentice ko e. Hindi ko siya maintindihan. That person wants to use hypnotism in a way that can benefit herself only. She can control a group people without touching them one by one. Kaya niyang kontrolin ang madaming tao sa pamamagitan ng pakikipag usap lamang. Yung tipong kapag narinig ng madaming tao yung boses niya, gagawin nila agad ang iuutos niya." Nawala ang kislap sa mata ni Mr. Sarmiento at napalitan ito ng lungkot.

"I witnessed how she controlled a group of people." Tumingin siya sa akin na parang natatakot. "Because I was one of the people who was hypnotized by her."

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Nakakatakot naman siya. This person is so powerful then. "Nasaan na siya ngayon?"

"I don't know. I was about to shut down a part of her brain para hindi na siya makapag hypnotize pero after that incident, hindi na siya nagpakita sa akin." Huminga siya ng malalim tapos naglakad na kami pabalik sa loob ng kanyang bahay.

"Gray, promise me that you will only use your skill if needed and you will never take advantage of those people by means of hypnotism." I know what he needs right now. He needs an assurance from me.

"I promise."

Nagpaalam na ako kay Mr. Sarmiento pagkatapos namin makapag usap. Sana, mabawasan ang takot na nararamdaman niya.

Nang nasa tapat na ako ng apartment ko, nakita ko yung isang babae na umuupa din sa kagabi ng apartment ko.

"Hey Nicole." Napalingon naman siya sa akin tapos nilapitan ko.

Makapag practice nga.

"Oh Gray. Uhm. Ka..kamusta?" Parang nahihiya pa si Nicole nang nasa harap na niya ako dahil nakayuko pa siya.

"Ayos lang naman ako." Lumapit ako sa kanya pagkatapos, hinawakan ko ang pisngi niya na siya namang dahilan ng pagtingin niya sa aking mga mata. "Baka naman pwedeng kunin mo itong susi ko pagkatapos pakibuksan ang apartment ko?"

Pagkasabi ko ng mga salitang iyon, walang emosyon si Nicole na kinuha ang susi ko pagkatapos buksan ang apartment ko.

I snapped my fingers that made her back to reality.

"Hala. Anong ginagawa ko dito sa loob ng apartment mo? Bakit ko hawak itong susi Gray?" Natatarantang tanong niya.

I smiled at her and held her hand. "Go back to your apartment and you will never remember any of this Nicole. Okay?" Tumango siya sa akin at naglakad na papunta sa apartment niya.

Pagpasok ko sa bahay, may nakita akong note na nakadikit sa TV.

'I cooked something for you and don't forget. May trabaho ka later. Pupuntahan kita. I love you babe.'

Napangiti ako pagkatapos dumeretso sa kusina at binuksan ang refrigerator ko.

'Pancakes with love'

Umiiling ako habang nakangiti ng nakita ko ang inihanda ni Amielle para sa akin.

She's sweet.

Kinain ko na yung pancakes na niluto ni Amielle para sa akin. Hindi man niya nakuha yung tamang lasa, with love naman kaya ok lang.

Pagkatapos kumain ay napagdesisyunan kong matulog muna dahil magpupuyat nanaman ako mamaya.

"A tough and tiring day for me."
-----
(Unedited)

Thanks if you are reading this story. ;)

IcePhantomhive000

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon