CHAPTER 39

872 21 0
                                    

Gray's PoV

Pagkatapos ng gabing pag-aaway namin ni Shan, naintindihan niya na kailangan kong alagaan si Hanz para daw mabilis siyang gumaling at para na din daw masolo na niya ako. Naiiling at napapangiti nalang ako kapag naalala ko ang mga sinabi ni Shan.

"Gray, you are spacing out. Is there something wrong?" Nag-aalalang tanong ni Hanz sa akin.

"Oh. Nothing. May naalala lang ako."

"I think it's a good memory. Nakangiti ka pa nga diyan e." Mapanuksong sabi niya sa akin.

"Haha. Well. It is indeed a good memory."

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Kung oras ng pag-inom niya ng gamot, ako na mismo ang magpapainom sa kanya kasi kapag ibang tao, tinatapon daw niya ang mga gamot.

Napatigil kami sa kwentuhan at tawanan ng pumasok na magka-akbay sina Sky at Amielle kasunod si Jessie at Creig.

"You're not gonna hug my girl again. Are you?" Tanong ni Sky habang nakataas ang kilay at ibinaba ang nga dala niyang bag.

"Tsk. Possessive." Bulong ko kay Hanz na ikinatawa niya naman.

"Yeah. Proud possessive girlfriend of Amielle." Sabi niya habang nakatingin kay Amielle. Lakas naman ng pandinig niya.

"Para kayong bata. Pero parang magkapatid din kayo. Baka naman long lost sisters kayong dalawa?" Sabi ni Creig sa amin ni Sky. Nakatanggap naman siya ng suntok sa tiyan galing kay Jessie.

"She was once my sister in a dream and in the same dream, Amielle liked me so much." Napatingin silang lahat sa akin na parang nagtataka bukod kay Sky na parang kakainin na ako ng buhay. "Just kidding people."

"Tatamaan ka na talaga sa akin kung hindi ka pa titigil sa pangtritrip mo sa amin ni Sky." Sabi ni Amielle na nakahawak sa braso ni Sky para pakalmahin.

"You can't do that to her couz. I don't want to see her in pain." Pagtatanggol ni Hanz sa akin.

Amielle just rolled her eyes in defeat and we all laughed in unison.

Nagkwekwentuhan lang sila habang kumakain at tahimik naman akong nakikinig habang nakasandal si Hanz sa balikat ko.

"Malapit na ang kasal namin ni Creig. All of you MUST come. It's a command." Pag-iimbita ni Jessie.

"You should bring your friend Gray. Yung Shan." Sabi naman ni Sky.

"I think I already heard that name." Sabi naman ni Hanz sa tabi ko.

"Couz, maraming Shan sa mundo kaya malamang narinig mo na ang pangalan na yon." Pilosopong sabi ni Amielle. Hanz just shrugged her shoulder.

Pagkatapos magsawa sa kwentuhan, nagdesisyon na silang umuwi matapos naming mag lunch. Pinapakita ni Hanz na masaya siya pero alam ko na nahihirapan siya dahil sa sakit niya.

"Gray, how important I am to you?" Tanong niya ng dalawa nalang kaming andito habang inaayos ko ang kwarto. Itinigil ko naman ang ginagawa ko at umupo sa harap niya. I held her hand and squeeze it in a comforting way.

"You are important to me like how human needs air to breath in." Ngumiti siya ng matamis bago magsalita.

"Then, how important Shan to you?" Her question caught me off guard. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na siya ang pinaka nakakapagpasaya sa akin dahil mahal na mahal ko si Shan at hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa tabi ko.

"You don't need to answer that. Tinanong lang kita dahil nakita ko kung paano magningning ang mga mata mo ng narinig ang pangalan niya."

"She's a friend like you Hanz." Nginitian ko siya at hinalikan ang ilong niya.

"Can I have a favor?" Tanong ni Hanz.

"Sure. Anything." Ngumiti siya. I gave her a sweet smile as well. A genuine one.

"One of my dreams is to become a tattoo artist. At kung pwede sana, gusto ko na ako ang mag tattoo sayo kahit ngayon lang. I want to see my work on your body."

I was amazed by what she said. Hindi ko alam na gusto pala niyang maging tattoo artist. Pero marunong kaya siya?

Well, I should trust Hanz and never underestimate her or anyone.

"Uhm. Sure. Pero wala kang gamit." Pag sang-ayon ko sa request niya.

"Ow. Don't worry. I have it here. Can you please get that bag?" Turo niya sa bag na dala ni Sky kanina.

Natawa ako ng nakita kung ano ang nasa loob ng bag na iyon. Mga gamit pala sa pagta-tattoo. "You're not ready. I know."

"I'm always ready Gray." Nakasimangot na sabi niya.

"Hindi ba bawal dito? Baka palayasin ako." Baka mamaya kasi bigla akong bitbitin ng mga guwardiya palabas ng hospital.

"Hindi yan. Ako ang bahala. Halika na dito." Nang maset-up na namin lahat ang mga gagamitin namin, nagsimula na siya. The needles stings but the pain is addictive.

Parang ang awkward nga ng position namin kasi ang lapit ng mukha niya sa leeg ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas at natapos na siya. Pumunta ako sa banyo at nagsalamin para makita ang gawa niya. She perfectly made a heartbeat tattoo on my neck. Namumula pa pero ayos lang dahil maganda naman ang pagkakagawa.

"It's perfect Hanz. You can be a famous tattoo artist someday. Bakit pala heartbeat?" Tanong ko sa kanya habang nililigpit ang mga ginamit namin.

"Because I want you to know that my heart double its beat everytime I see you and it will beat continuously until we both stop breathing."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi ko kayang sabihin na hindi na dapat siya umasa dahil may mahal na akong iba. Hindi ko siya kayang saktan.

"I know you're not ready. But please don't ever forget that I will wait for you. I will not die until you say that you love me too."

Niyakap ko nalang siya at hinalikan ang tungki ng kanyang ilong.

I'm so sorry but I already love someone and unfortunately, my heart beats not because of you.

-----
(Unedited)

Gray's tattoo at the top.

Thank you if you are reading this story. ;)

IcePhantomhive000

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon