CHAPTER 26

1.1K 25 2
                                        

Gray's PoV

Ilang linggo na ang lumipas pagkatapos ang nangyari sa bahay ng mga Sarmiento.

Ilang linggo na din ang nakakaraan at ilang beses na akong lumalabas ng bahay pero hindi ko parin nakikita ang hinahanap ko. Nakauwi na din ako ng Baguio.

Pakiramdam ko, unti-unti na akong pinanghihinaan ng loob para makita lang siya.

Sumalampak  agad ako sa aking kama ng makarating ako sa apartment na inuupahan ko dito sa Baguio pagkatapos kong maligo.

Araw-araw akong pumupunta sa gym para mag workout at namamasyal. At araw-araw din akong umuuwi pero walang taong nadadatnan. I can't deny the fact that I was happier when I was dreaming.

Sa panaginip ko, madaming nagmamahal sa akin. Madaming tao na anjan palagi sa tabi ko. May mga tao akong nakakasama. Pero in reality, mag-isa lang ako.

Napabuntong-hininga nalang ako. Nagbabakasakaling mabawasan ang kalungkutan na nararamdaman ko.

Tumingin ako sa orasan. 11:00 pm palang. Napaisip ako kung anong pwedeng gawin dahil hindi ako makatulog. Wala din akong ganang kumain dahil mag-isa lang ako. Mas masaya kasi kumain kapag may kaharap o kasabay.

'Blood and Sweat' Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang pangalan ng bar na iyon. Yun yung bar na pinagtrabahuan ko as a DJ nang nanaginip ako.

I reached my phone and check if Blood and Sweat Bar is real.

"Okay. There you go." Nakangiti akong nakatingin sa screen ng cell phone ko. Mejo may kalayuan ang bar na iyon sa apartment na tinutuluyan ko kaya nagpalit na ako ng simpleng white shirt at ripped jeans.

Pagdating ko sa bar, hindi magkamayaw ang mga tao dahil na din sa kasiyahan. Dahil siguro sa mga inumin at malakas na music ng DJ.

Naglakad ako papunta sa bar counter para mag order ng inumin.

"People of Baguio, are you reaaaaaaaadyyyyy?" Malakas na tanong ng DJ at lalong nagwala ang mga tao sa loob ng bar.

"I am going to date the hottest DJ here in Baguio." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa harap.

"Jack Daniels please." Nakangiting sabi ko sa bartender.

"At your service." Kinindatan niya ako bago ibinigay ang order ko.

Tsk. Girls.

Hindi ko namalayan ang oras at hindi ko na din nabilang kung nakailang shots na ako. Nakatingin lang ako sa DJ at napapansin niya siguro na may nakatitig sa kanya kaya tumingin din siya sa direksyon ko.

Agad akong umiwas ng tingin dahil bigla akong kinabahan. Even in reality, she still has this effect on me.

Nang mejo ramdam ko na ang epekto ng alak sa sistema ko, nagbayad na ako at pumunta sa dance floor at baka sakaling mabawasan ang hilo ko.

While I am dancing, someone grab me and she's grinning sexily. Napangisi nalang ako at hinawakan ko siya sa beywang. Sinasayawan niya ako habang sumasabay sa musika. Tumalikod siya sa akin at idinikit ang kanyang likuran sa harap ko pero huli na noong mapansin ko na nasa harap na pala kami ng DJ.

Tumingin sa akin ang DJ at kinindatan ko siya. Parang nakikipag-usap ang kanyang mga mata sa akin habang sinasalubong ang mga titig ko. Damn. Hindi ako magsasawang titigan ang mga matang iyon.

After staring intently into her eyes, nag excuse ako sa kasayaw ko at pumunta sa bar counter.

Nag order nalang ulit ako ng inumin at hindi na muling sumayaw dahil nawalan na ako ng gana. Habang umiinom ako, hindi ko maiwasang isipin yung DJ. The way she perform, the way she do her job. The way she smile at me. She has a skin that is as white as a snow, captivating eyes, pointed nose and plump red lips.

"Jack Daniel's for your thoughts?" Nagulat ako at muntik ko ng maibuga ang iniinom ko ng marinig ko ang boses na iyon.

Napatingin ako sa babaeng nakaupo ngayon sa harap ko. Sa babaeng minsan ay inakala kong akin. Yung babaeng akala ko hindi ko na makikita. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magsasaya ngayong nakita ko na ulit siya.

"Alam mo, mas masarap inumin yan habang malamig pa." Nakangiting sabi niya sa akin.

"If I am dreaming again, please don't wake me up." Tulala paring sabi ko sakanya.

"This is reality. You silly." Ngumiti nanaman siya at hinawakan ako sa braso.

How can she melt the block of ice inside me by just showing her beautiful smile?

"I already dreamed about you." Naluluhang sabi ko.

"Oh yeah? Tell me about it." Nakangiti parin na sabi niya. She's literally smiling every second.

"In my dream, you were my past but I never stopped loving you."

Parang nagulat siya sa sinabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Then, can you still do that? I mean, will you please love me the way you love me when you were dreaming about us?"

I don't know if she's just joking but I will be more than happy to take her joke seriously.

"Yes. I'm always yours. Whether in my dream or in reality, I will always love you...

Shantalle Joy Javier."

-----
(Unedited)

Pakitignan po yung chapter 27 pagkatapos neto. Thanks :)

Thank you if you're reading this story. ;)

Shan at the top.

IcePhantomhive000

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon