Shan's PoV
Tumingin ako sa aking tabi at pinagmasdan ang natutulog na Star sa tabi ko.
"Star, wake up. I miss you already. We're going somewhere." Hindi siya gumalaw pero hinihintay ko parin ang sagot niya.
"Hey. Say something. Aren't you happy? Today is our wedding day." Napangiti naman ako dahil naramdaman ko ang paggalaw niya at tumingin sa aking mga mata.
"Of course I am. Because finally, susuotan mo na din ako ng singsing." I chuckled at the sweet thought.
"Shan." Banggit ni Star sa pangalan ko habang nakaupo sa kama at nakaharap sa akin. "I just want you to know that I never hated you. I love you and trust you even more."
I'm about to kiss her but I heard someone calling my name outside. Nginitian niya lang ako at ako nama'y bumaba na sa kama at nagmadaling tignan kung sino iyon.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Sky at Amielle na naghihintay sa akin.
"Let's go. Someone's waiting for you." Napangiti ako sa sinabi ni Sky.
"Wait. I'll just check on Star. Kagigising niya lang kasi." Tatalikod na sana ako pero pinigilan ako ni Amielle.
"She's already there. Waiting for you."
Tahimik lang ako sa biyahe at parang wala sa sarili. Pagdating namin sa aming destinasyon, hindi ko mabilang ang mga taong nakaputi.
Hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan ng makalapit ako sa tinitignan ng mga tao sa di kalayuan.
So what happened a while ago was just a part of my hallucinations again.
I saw her lying inside a golden coffin. Eyes closed, lips are shut. Not moving. Lifeless...
Parang hindi ako makahinga sa sakit na nararamdaman ko dahil sa kanyang pagkawala. Napahawak ako sa dibdib ko at napaluhod.
"Star, I'm sorry. I'm so sorry. Please. Please take me with you." Everyone in this place cries with me for hearing my grief.
"Kung hindi dahil sa akin...hindi...ka sana...nawala." Nagsisising sabi ko sa pagitan ng aking paghikbi.
(FLASHBACK- THE DAY THAT GRAY PROPOSED TO SHANTALLE.)
"Shantalle, please accept my love and be my lifetime partner. Will you marry me?"
Nakaluhod lang siya at nakangiti habang hinihintay ang sagot ko. Pinahid ko ang aking luha habang nakapikit ang matang huminga ng malalim.
Pagmulat ko ng aking mga mata, isang matang umaasa ang sumalubong sa akin.
"I'm sorry Star. I... I can't marry you." Napabitaw siya sa akin at biglang tumayo.
"Why?" Naiiyak na tanong niya. "Is there something wrong? May nagawa ba akong mali? I'm so sorry love. I'm so sorry." Pinagdikit niya ang aming noo pero lumayo ako at umiling.
"Wala kang kasalanan." Nakayukong sabi ko sa kanya.
"Then tell me why. Come on. Iintindihin kita Shan. Just...just please don't go away." And there's the pain I see in her eyes again. It's killing me as well.
Tumingin ako sa ibang direksyon dahil hindi ko kayang salubungin ng tingin ang taong nasasaktan dahil sa akin.
"I feel so guilty Star. I'm sorry."
"Please stop saying sorry love. Just tell me your reasons and let's try to continue what we already have okay?" Pinahid niya ang luha ko at hinalikan niya pa ang mga mata ko pero pilit akong lumayo sa kanya.
