Gray's PoV
Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Kung sana, walang pumalo sa akin ng kahoy sa ulo, sana hindi ako nakakaramdam ng sakit. Ano bang naging kasalanan ko kung bakit niya iyon ginawa?
Ilang araw kong inisip yung mga bagay na ang alam ko ay totoo. Ilang araw din akong naghinagpis ng malaman ko na namatay ang aking ina dahil sa paghahanap-buhay mabayaran lamang ang hospital bill.
Hindi ko matanggap na wala na akong pamilya. Bukod pa rito, hindi ko matanggap na nagmahal ako ng mga taong nakita at nakasama ko sa panaginip lamang.
But this is the reality already. I don't have any other choice to accept the whole truth even though it hurts too much.
Hindi pwedeng mangyari ito. Hindi pwedeng wala akong gawin. Maybe there's a reason why Mr. Sarmiento taught me how to hypnotize.
Pinagtugma-tugma ko ang mga nangyari sa panaginip ko. Sinimulan ko sa mga taong una kong nakilala at mga lugar na nabanggit nila.
"Amielle! That's it!" Nagmadali akong nagbihis para pumunta sa police station dahil doon dapat kami pupunta.
Paglabas ko ng bahay, nagulat ako sa aking nakita. May dalawang taong naglalakad habang magkahawak ang kamay.
"Alam mo sa tatlong magkakapatid na Poseidon, Zeus, at Hades, si Hades ang pinakagusto ko sa kanila." Sabi ng babaeng blonde ang buhok.
"Bakit naman aber?" Tanong ng kasama niyang mala-modelo ang ganda.
"Kasi pareho kaming pogi at mahilig sa black?" Nagtatawanan ang dalawa ng lapitan ko sila.
"You're Amielle and you're Sky. Right?" Nakangiting tanong ko sa kanila.
"Do we know each other?" Pagsusungit ni Amielle.
"You don't know me yet but I know you." Nagulat sila pareho. Siguro ay iniisip nila na stalker ako.
"Stalker ka ba?" Tanong ni Sky at napansin ko din na mahigpit siyang nakahawak sa kamay ni Amielle.
"No. Huwag kayong mag-alala. Wala akong masamang balak. Itatanong ko lang sana kung saan ang police station dito."
"Sa centro pa yon. Dumeretso ka lang tapos kumanan ka." Pagpapaliwanag ni Amielle. Niyakap ko si Amielle at tinapik sa braso si Sky bago tumakbo.
"Not my girl man! Maghanap ka ng sayo!" Pahabol na sigaw ni Sky.
Humarap ako sa kanila at patalikod na naglalakad-takbo. "Take good care of her man!"
Ngumiti ako sa kanila at tumalikod ulit.
Pagdating ko sa police station, nagmadali akong pumasok sa loob ng hindi nakatingin sa dinadaanan nang makabangga ako.
"Mr. Sarmiento?" Gulat na tanong ko ng nakita ko kung sino ang nakabangga ko.
"Ako nga. Anong maipaglilingkod ko?" Napangiti ako dahil nakikita ko na ang mga taong nasa panaginip ko.
"May kailangan po tayong puntahan at sa tingin ko, dapat po tayong magmadali." Hinila ko si Mr. Sarmiento at mabilis na pumara ng taxi.
"Kuya, City Camp Proper." Sabi ko sa driver at mabilis na umandar palayo.
Pagbaba namin ng taxi, hinanap ko ang bahay na #001.
"Ayun!" Turo ko nang nakita ko ang bahay. Pumunta ako sa tapat ng pintuan. Bago pa man ako makapasok, pinigilan na ako ni Mr. Sarmiento.
"Anong ginagawa natin dito at paano mo nalaman ang bahay ko?" Kunot-noong tanong ni Mr. Sarmiento.
"Mamaya nalang po ako magpapaliwanag."
Maingat akong pumasok sa loob at ganun din si Mr. Sarmiento. Pagpasok palang namin, may naririnig na akong nag-aaway. Kilalang-kilala ko ang mga boses na iyon. Magkakilala sila? Anong koneksyon nila sa isa't-isa?
"Inagaw mo siya sa akin! Walang hiya ka!" Sigaw ng isang babae.
"Nagkakamali ka Hanz. Ako ang pinili niya. Pakiusap itigil mo na to." That's Jessie's voice!
Pagpasok namin sa kwarto, tinututukan ni Hanz ng baril si Jessie.
'Ito ba ang plano na sinabi ni Hanz sa panaginip ko?' Tanong ko sa sarili.
"Hanz, huwag! Anong ginagawa mo sa kapatid mo?" Nag-aalalang tanong ni Mr. Sarmiento.
"Inagaw niya si Creigan dad!" Sigaw ni Hanz.
So in reality, magkapatid si Hanz at Jessie tapos si Mr. Sarmiento ang kanilang ama?
Nagulat kami ng biglang may pumasok sa bahay. Naghahabol pa siya ng hininga habang nakatingin sa magkapatid.
"Hanz, please. Pakawalan mo na si Jessie." Pagmamakaawa ni Creigan.
So si Creigan at Jessie pala talaga ang para sa isa't-isa?
"No! Sabihin mo muna sa akin na hindi mo siya pakakasalan!" Sigaw ni Hanz.
"Sorry Hanz. Mahal na mahal ko ang kapatid mo. Please. Tanggapin mo nalang na tapos na tayo."
Dahil doon, lalong nagalit si Hanz at lumapit kay Jessie. Itinutok niya ang baril na hawak niya sa sentido ni Jessie habang ang kanyang hintuturo ay nasa gatilyo na ng baril.
"Kung hindi mo ako kayang balikan, sana agad kong nalaman na iba ang makakasama mo hanggang dulo para noon pa hindi na kita ipinaglaban."
Pigil hininga kaming nakatingin kay Hanz habang sinasabi niya iyon. Bago pa man niya maituloy ang kanyang binabalak, nagsalita na ako.
"Hanz, please calm down and look at me." Naagaw ko ang atensyon ni Hanz at agad akong tumingin sa kanyang mga mata.
"Now, please give me the gun and let Jessie go." Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Hanz sa kapatid. Katahimikan ang bumabalot sa paligid habang nasa amin ni Hanz ang kanilang atensyon.
"You're doing great Hanz. Now, give me the gun honey." Deja vu.
Sana lang walang tumunog na cellphone kundi baka mapahamak kaming lahat dito.Malapit na..... Kaunting distansya na lang.....
Lumapit ako lalo kay Hanz para abutin ang baril na ibinibigay niya. Nakatingin lang siya sa akin habang blangko ang ekspresyon niya.
Nang maibigay na niya sa akin ang baril, hinawakan ko siya. "You did great Hanz. Now, go to your dad and sister. Apologize for what you've done. Okay?"
Tumango siya at lumapit sa kanyang ama at kapatid.
Pagkatapos kong gawin ang tungkulin ko, nagpaalam na ako para umalis.
"Hey. Wait." Bago pa man ako makalabas, narinig kong tinawag ako ni Hanz. Lumingon ako sa kanya at bigla niya akong niyakap.
Aaminin ko na parang dumoble ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. "Thank you so much for what you've done. Thank you for saving their lives."
Kumalas siya sa yakap at nakita ko siyang umiiyak. Pinahid ko ang kanyang luha at hinaplos ko ang kanyang buhok.
"It was you who saved their lives. I should be the one to thank you. If ever that we see each other again by accident, I will never get tired of saying how thankful I am for meeting you."
Hinalikan ko siya sa noo at naglakad na paalis habang pinapahid ko ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
"I guess it is a happy goodbye after all." Bumuntong-hininga ako at tumingin sa langit.
"Kailan kita makikita Shan?"
-----
(Unedited)Thank you if you're reading this story. ;)
IcePhantomhive000