Shan's PoV
Tanghali na ng dumating si Star dito sa bahay galing sa hospital. Aminin ko man o hindi, masaya ako dahil nakalabas na daw si Hanz. Hindi dahil mabibigyan na ako ng oras at attention ni Star kundi dahil para maalagaan at maprotektahan ko siya.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit parang kinakabahan ako kapag alam ko na magkasama si Hanz at si Star. Siguro naprapraning lang ako.
It turns out na si Hanz pala at ang nakabangga sa akin sa grocery store noon ay iisa. It is indeed a small world.
"So how's your patient? I mean Hanz?" Tanong ko kay Star habang sabay kaming kumakain.
"The doctor said, she's getting better." Nang makita ko kung gaano siya kasaya nang masambit niya ang mga salitang iyon, parang may kung anong tumusok sa puso ko.
"You're happy."
"Yes I am. Kawawa kasi siya." Nagkibit-balikat nalang ako sa sagot niya at itinuloy kumain ng tahimik.
Haay Star. I think I am falling in love with you deepeer. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa karisma niya? She's my own type of ecstasy.
Pagkatapos namin kumain, nag-aya si Star na humiga muna kami dahil maaga pa naman at nakaempake na kami ng gamit.
"Shan." Tawag niya sa pangalan ko.
"Hmm?"
"What are you going to do if you found out your partner's secret that can really hurt you?"
Humarap ako sa kanya at nag-unan sa kanyang braso habang nakayakap sa kanyang beywang.
"Kakausapin ko siya kung bakit siya naglihim. Everybody has their own secrets but we need to respect their privacy and decisions as well." Sagot ko at parang sinasabi ko na din iyon sa sarili ko mismo.
"Thanks Shan."
"For what?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"For being there. For trusting and taking good care of me. For not leaving me behind." Tinignan ko siya sa mata at unti-unting inilapit ang mukha ko sa kanya.
She closed the gap between us and kissed me passionately. We devour each other's lips as if there's no tomorrow. Ramdam ko ang pagngiti at pagmamahal niya sa halik na ibinibigay niya sa akin.
Pinutol ko ang halik at pinagdikit ang aming mga noo. "You will always be my Star. My only Star."
She gave me a quick kiss on the lips before closing our eyes hoping that this will not be the last time that we can be this close to each other.
Triiiiingggggggggg
nagising kami pareho ni Star sa tunog ng alarm clock senyales na alas singko na ng hapon.
Dali-dali namang bumangon si Star at kinuha ang cellphone niya.
"Are you going to send a message to someone?" Tanong ko habang nakaupo parin sa kama.
"Yeah. Baka kasi iwan tayo nila Hanz." Nagpantig ang tainga ko ng narinig ko ang pangalan na iyon.
Lumapit ako sa kanya at ikinawit ang aking mga kamay sa kanyang batok habang nakatingin sa kanya.
"Star, just please tell her that you and me will travel together. Huwag na tayong sumabay sa kanila okay? I have a car."
Tumango siya at mgumiti naman ako sa kanya at humiwalay habang may pinipindot siya sa cellphone niya.
Tahimik lang ang naging biyahe naming dalawa. Tulog kasi siya buong byahe. Hindi ko na ginising dahil nagpumilit ako na ako nalang ang magmamaneho.
Pagdating namin sa Batangas, dumiretso ako sa room na na-assign sa amin ni Star. Siyempre hindi ako pumayag na hindi ko siya makasama sa kwarto. Mamaya mapunta pa siya kay Hanz.
"Shan, puntahan ko lang yung mga kaibigan ko ha. Rest well." Paalam niya ng makapag-ayos na kami sa kwarto pero hinalikan niya muna ako sa noo bago lumabas. She's really the Sweetest.
Buong araw akong nagkulong sa kwarto at buong araw din na wala si Star sa tabi ko. Siguro nag-eenjoy na yun.
"Shan?" Tawag ni Star sa pangalan ko habang nasa banyo ako.
"Bathroom." Sigaw ko naman.
"Okay. Kanina ka pa ba diyan? Pakibilisan naman. Maliligo na din kasi ako para makatulog na tayo." Matutulog nanaman e halos kagigising ko lang.
"Why don't you join me here para sabay na tayo?" I playfully smirked dahil sa kalokohan na naisip ko.
"Uhm. I.. I will just wait until you're done." Nauutal na sabi niya.
Pagkatapos kong maligo, tanging tuwalya lang ang bumabalot sa hubad kong katawan nang lumabas ako.
"Star, paki-abot naman yung undies ko please?" Nang-aakit na sabi ko. Parang nataranta naman siya at halatang kinakabahan.
"Ah. E-eto ba?" Nahihiyang sabi niya habang inaabot ang red underwear ko.
Dahan-dahan ko itong isinuot sa harap niya habang sinusundan naman niya ng tingin ang balat kong nadadaanan ng pulang telang isinusuot ko.
"Oops. Sorry. Nahuhulog." Itinigil ko ang pag-suot ng underwear ko at itinaas ng kaunti ang tuwalya pero ipinakita ko pa sa kanya ang cleavage ko.
Itutuloy ko na sana ang pagsuot ko ng undies pero titig na titig parin siya sa hawak ko.
"Akala ko ba maliligo ka na?"
Umupo ako sa kama at nag cross-legs at sinandyang ihulog ang underwear ko hanggang nasa paanan ko na ito.
Dali-dali naman niyang kinuha ang damit niya at patakbong pumunta sa banyo at tumawa ako ng malakas nang nakapasok na siya.
Sa pinapakita niya, parang hindi pa siya sanay na makita ang kabuuan ko kahit ilang beses niya ng nahaplos ang bawat parte ng katawan ko.
I really love teasing her. Hinding-hindi ako magsasawang asarin siya habang kasama ko pa siya.
Pagkatapos kong magbihis, sumalampak ako sa kama at kinuha ang cell phone ko para maglaro baka sakaling dalawin ulit ako ng antok.
Tomorrow will be the wedding. Ano kayang mangyayari? Alam kaya nila na nagbalik na ako dito sa Batangas? Ano kayang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila na may nagugustuhan akong babae?
Ang daming katanungan sa isip ko ngayon pero isa lang ang gusto kong mangyari.
I'll make sure that Star and I will stay on each other's side no matter what will happen tomorrow or the days after that.
-----
(Unedited)Thanks if you are reading this story. ;)
IcePhantomhive000
![](https://img.wattpad.com/cover/150784620-288-k381744.jpg)