CHAPTER 30

1K 26 0
                                        

Gray's PoV

Mag-iisang linggo na simula noong pinalipat ako ni Shan sa bahay niya. We never felt loneliness when we are on each  other's side.

Gigising sa umaga, sabay mag workout, ipagluluto ko siya, sasamahan ko siya sa trabaho at sabay matulog. Sana, habang-buhay na kaming palaging magkasama.

Pakiramdam ko, unti-unti na akong nakakabangon sa mga nangyari pagkatapos kong makalabas sa hospital.

"May lakad ka ba mamaya?" Napatingin ako sa gawi niya nang magsalita siya galing kusina.

"Uhm. None. Why?"

"Samahan mo ako sa bar mamaya. May trabaho nanaman eh." Sabay puppy eyes sa harap ko. She's being cute again but most of the time, she's mad.

"Makaka-hindi ba ako sayo? Tsaka palagi naman kitang sinasamahan sa trabaho a." I tapped my side gesturing her to sit and she intertwined our fingers.

"Eh baka lang kasi nagbago na yung mga gusto mong gawin." Nakangusong sabi niya.

"Hey. Don't say that. Kahit kailan hindi ako aalis sa tabi mo kahit ipagtabuyan mo pa ako."

"Ang OA mo. Hindi kita ipagtatabuyan. Pwera nalang kung mambababae ka habang nasa pamamahay pa kita." Tinaasan niya ako ng kilay indication na malapit nanaman siyang magsungit.

"Tsk. Yan ang hinding-hindi ko gagawin. Oo nga pala. Mag-aapply ako mamaya as a DJ."

"Marunong ka ba?" Nakangising sabi niya.

"Hey. Don't underestimate me. Gumawa nga ng musika habang nasa kama kaya ko, sa bar pa kaya?" Kinindatan ko siya pero pinalo ako sa braso.

"Bastos! Alam mo ikaw? Nilulumot na yang utak mo. Kulay berde na e. Bat di ka nalang sa tubig tumira?" Nakahalukipkip na sabi niya.

"Sure. Pwede sa beach? Marami akong makikitang sexy doon." Hahampasin pa sana niya ako pero mabilis kong nasalo ang kamay niya at pinahiga siya sa sofa. "Just kidding. Ikaw lang ang sexy sa paningin ko. You're the reason why I have a sexy mind."

Hindi siya nakapagsalita kaya binitawan ko na siya. Bubulong-bulong pa siya na pumunta sa kusina kaya sinundan ko na.

"Whatever. Kain na tayo. Gutom na ako."

Pagkatapos namin kumain, naghanda na kami para pumunta sa bar. Nagsuot lang ako ng itim na T-shirt na tinernuhan ko ng simpleng jeans. Nauna na akong pumunta sa sala at nagpasyang doon nalang hihintayin si Shan.

"Let's go?"

Paglingon ko sa likod ko, I saw a lady wearing tank top paired with denim ripped jeans and white rubber shoes. She's so simple yet stunning.

"Ano? Tititigan mo lang ba ako o aalis na tayo?" Nakapamewang na sabi niya.

"Eto na nga. Aalis na tayo. Masiyadong mainipin." Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Nakataas ng kilay na sabi niya.

"Wala po. Sakay na po kayo mahal na prinsesa." Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse at isinara ito nang makapasok na siya.

Pagdating namin sa bar, wala pang tao dahil maaga pa para magbukas ito. Nag apply ako bilang DJ at swerte namang nahire ako kaagad. Nagtaka nga sila dahil wala akong work experience sa pagiging DJ pero ngumiti nalang ako. Alam ko ang ginawa ko dahil isa akong DJ sa panaginip ko. I did make money in my dreams man.

Hating-gabi na noong magsimulang magdatingan ang mga tao. Pumunta na din si Shan sa harap para gawin ang kanyang trabaho.

I occupied a table and ordered some drinks.

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon