Gray's PoV
"Bakit naman pagtatangkaang patayin ni Creigan si Gray?" Nakapikit ang aking mga mata habang nakikinig sa mga boses ng mga taong nandito sa Isabela ngayon para lang bisitahin ako.
"Amielle naman, bakit sa akin mo tatanungin? Hindi naman kami palaging magkasama." Sagot ni Sky sa tanong ni Amielle.
"E baka magkapatid kayo?" Sarcastic na sabi ni Amielle.
Pagmulat ko ng aking mata, puting kisame ay nakasisilaw na liwanag ang bumungad sa paningin ko.
"Hanz." Napalingon sila sa akin ag nag-unahang lumapit. Inabutan naman ako ni Amielle ng tubig.
"As long as I know, dapat tubig ang unang hinihingi ng pasiyente pagkagising."
"Where's Hanz? How's mom?" Nagkatinginan sila at parang naghihintayan kung sinong unang sasagot sa tanong ko.
"Tatawagin ko lang yung doctor at sasabihing gising ka na." Sabi ni Sky at nagmadaling lumabas.
"Amielle. Please answer me."
"Uhm. Na...nawawala parin si Hanz Gray. Si tita, ayos lang." Nakahinga ako ng maluwag dahil safe si mama pero nakaramdam din ako ng kaba dahil hanggang ngayon, wala pa si Hanz.
"Ilang araw na ako dito?" Walang emosyon na tanong ko.
"Tatlong araw na Gray." Nakayukong sagot ni Amielle.
Napapikit ako ng mata dahil sa frustration. Ayokong mag-isip ng masama pero nag-aalala ako na baka kung ano ng ginawa ni Creigan kay Hanz.
"Bakit hindi niyo siya hinahanap?! Siya nalang sana ang inaasikaso niyo at hindi ako!" Hindi ko maiwasang mapasigaw dahil wala akong magawa para hanapin si Hanz.
"Gray, kumalma ka naman. Huwag mo naman kaming idamay sa init ng ulo mo. Magpagaling ka. Nareport na namin sa mga pulis na nawawala si Hanz."
Naguilty naman ako sa sinabi ng bestfriend ko. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.
"I'm sorry babe. Pagpasensyahan mo na ako. But I can't stay here knowing that Hanz's life is in danger because of me." Kasalanan ko kung bakit nawawala si Hanz. If I didn't hypnotize her, this will not happen.
Tatayo na sana ako pero naramdaman kong sumakit yung lower abdomen ko. "Shit."
"Gray, calm down. Please. Mas lalo kang magtatagal dito kung ganyan ka." Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Amielle kaya wala akong nagawa kundi sundin ang gusto niya.
"The doctor is here."
Lumingon ako sa pintuan at nakitang papasok ang doctor. Kasunod nito si Sky na may hawak na box.
"How are you Gray?" Tanong ng doktor.
"I want to give you a positive answer but since I am here, lying in this bed, knowing that someone's life is in danger, I will not be able to do that. NO. IM.NOT.OKAY." Napasinghap si Sky pagkarinig ng sinabi ko samantalang si Amielle naman ay natulala.
"You were shot in your lower abdomen and unfortunately, mejo malalim yung sugat mo dahil sa lakas ng impact ng tama ng baril. But, you don't need to worry because we did everything to save you." Magpapasalamat sana ako pero kinakain ako ng galit sa dibdib ko.
"How long am I gonna stay here?" Cold na tanong ko sa doktor.
"Three more days." Napabuntong hininga nanaman ako dahil pakiramdam ko, kapag hindi ko iyon ginawa, sasabog na ako.
"Is there anything else that I need to know doc?"
"None. Call me if you need anything and if something happens." Nagpasalamat si Amielle sa doktor ng hindi ako mahintay na magsalita.
"Gray, someone left this outside. It's for you." Sabay abot ni Sky sa akin ng box na kanina pa niya hawak.
Nang buksan ko ito, nakita ko ang necklace na ibinigay ko kay Shan noong first anniversary namin. The promise necklace.
Unti-unti nanamang nagbalik ang alaala naming dalawa.
"Love, I don't want to let go of your hand but can you please sing for me?" Tanong ko kay Shan habang masayang pinagmamasdan ang mga bituin.
Naisipan naming mag camping dahil first anniversary namin.
"Sure love." Ngumiti siya sa akin at tumayo para kunin ang kanyang gitara.
Nagsimula siyang mag strum ng gitara. Kinakanta niya ang 'Close To You' habang nakatingin sa aking mga mata.
Sinalubong ko ang mga titig niya. Napakaganda ng kanyang mga mata. Pakiramdam ko, habang kumakanta siya, kinukulong niya ako sa puso niya.
This girl in front of me is not just my everything. She is more important than the air that I breath in.
"How could someone give me happiness by just letting me hear her voice?" Tanong ko sa kanya pagkatapos niyang kumanta.
"It's not my voice that makes you happy love. It is what we feel for each other. You love me and you know very well that I love you too. Sa tingin ko, sapat na iyon para maging masaya tayo."
I kissed her passionately as a response habang isinusuot sa kanya ang kwintas na binili ko para lamang sa babaeng mahal ko.
Humiwalay siya sa akin at halatang naluluha na siya. Pinagdikit ko ang aming noo bago nagsalita.
"That is my promise necklace. Wear that always love. We don't need marriage to keep us together always. I give you my love, my trust and my promises. I love you so much Shan."
Pinahid ko ang mga luhang nag-uunahang nahuhulog sa kanyang magagandang mata.
"Sshh. Don't cry love." Pagpapatahan ko sa kanya.
"Masaya lang ako. I have you. That means I don't need any material things in this world anymore. I will treasure this necklace like how I treasure you my love." Umiiyak parin na sabi niya.
"I know Shan. I know." After that, she kissed me passionately and we made love under the moonlight and twinkling stars as our witnesses.
"Gray are you ok?" Bumalik ako sa kasalukuyan at pinahid ang aking luha pagkarinig ko ng boses ni Amielle.
Tumingin ako sa loob ng kahon at may nakitang note sa loob nito.
'I only remove the necklace. Pati sana yung leeg ng nagmamay-ari pero where's the fun kung gagawin ko na agad without your presence. Right?--- Sterbern
I crumpled the paper and threw it away. Pinulot naman ito ni Sky at binasa.
Nakita ko ang pagkagulat at takot sa kanyang mukha. Alam kong nag-aalala din siya dahil kaibigan niya ang nawawala.
"Ano ba namang nangyayari kay Creigan? Bakit niya ito ginagawa?" Tanong ni Sky habang pabalik-balik na naglalakad.
"Hindi si Creigan ang Sterbern." Sabay kaming napalingon kay Amielle. "Dahil kung si Creigan nga, hindi siya magpapakita kay Gray at sana, hindi na siya nagsulat pa."
Tama si Amielle. "Whoever that psychopath is, I'm gonna kill him for kidnapping Hanz and Shan."
"Calm down Gray Hahanapin natin si---"
Hindi naituloy ni Amielle ang sasabihin niya ng may marinig kaming putok ng baril sa loob ng kwarto kung nasaan kaming tatlo.
Pagtingin ko sa pintuan, may taong nagdikit ng note at nagmadaling tumakbo palayo.
Sisigaw sana ako pero naagaw ni Amielle ang atensyon ko.
"Sky!!!" Pagtingin ko sa direksyon ni Sky, napaluhod siya habang nakahawak sa tiyan niya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Please trust Amielle whatever happens."
Matutumba na sana siya pero nasalo siya ni Amielle.
Everything's blurry. Bakit kailangan may madamay pang iba? If this is karma, I would never dare to be on its bad side.
-----
(Unedited)Thanks if you're reading this story ;)
IcePhantomhive000