Shan's PoV
Lumipas ang mga araw at malimit na kaming magkita ni Star. Pagdating ko galing sa trabaho ay siya namang pag-alis niya sa bahay ko.
Hindi pa din kami nagkakaayos hanggang ngayon. Nag-iiwan siya ng lutong pagkain pero hindi niya binabawasan kaya ako nalang ang umuubos ng niluluto niya.
"Take good care Shan." Paalam niya at umalis na.
That was the first time that she talked to me after 4 lonely days!
Pag-alis niya sa bahay, naisipan kong sundan siya. Nakita ko pa siya ng bumili ng pagkain at bulaklak bago siya pumasok sa hospital.
"Good morning ma'am." Bati sa akin ng guwardiya. Binati ko din siya pabalik at pumasok na. Nang tumingin ako sa paligid, hindi ko na mahanapan si Star. Agad akong pumunta sa nurse station at agad tinanong kung anong room ang pinupuntahan ni Star.
Sigurado naman ako na kilala na siya dito dahil alam ko na dito siya palaging pumupunta kapag umaalis siya.
"Room 111 po. Second floor." Nagpasalamat ako sa nurse at nginitian bago hanapin ang sinabi niyang kwarto.
Hindi ko maiwasang hindi kabahan habang papalapit sa nasabing room.
"I'm here. Oh gosh." Bulong ko sa sarili ko. Parang dumoble ang kaba ko ng nasa tapat na ako ng pintuan.
May naririnig akong nagtatawan sa sa loob dahil hindi masiyadong nakasara ang pinto.
"That picture is so funny Gray." Sabi ng tinig ng isang babae. Her voice is so familiar. I already heard it somewhere.
"It's true. That photo was taken when I was a kid. Babaeng-babae ba?" Rinig kong sabi ni Star bago sila tumawa ulit. Hindi ko alam kung selos o inggit nga ba ang nararamdaman ko ngayon. Kahit kailan, hindi pa pinapakita ni Star ang childhood photos niya sa akin.
"Time to take your meds princess." Wow. She called the girl 'princess'. Ganun na ba kaimportante ang babae na iyon para sa kanya?
"Thank you for taking good care of me Gray. I know you're too busy but you still have time for me. Hindi ba nagagalit ang girlfriend mo?"
Mejo natahimik si Star sa loob. Parang mas bumilis pa ang pintig ng puso ko habang hinihintay ang sagot niya.
"I will always have a lot of free time when it comes to taking good care of you. And... I don't have a girlfriend. Not my thing."
Habang nakasandal ako sa pader katabi ng pintuan, naramdaman ko na may isang butil ng luha na kumawala sa aking mga mata.
Ano ba ako sa kanya? Bakit ang sweet niya? Bakit sobra niya akong ingatan? Bakit lagi siyang nanjan para sakin? Naaawa ba siya dahil mag isa ako? Ano ako? Flirt? Fling? Babae niya? Or past time?
Saglit silang natahimik sa loob. Kaya naman, parang may nagtutulak sa akin na buksan ang pinto para makita kung anong nangyayari.
Maingat kong binuksan ang pinto at laking gulat ko nang masaksihan ko ang nangyayari.
Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang ingay ng aking paghikbi.
Star and the girl is kissing passionately. Nakatalikod si Star sa akin at nakapikit naman ang babae na parang sinusulit ang oras na naghahalikan sila. Nakaupo si Star sa hospital bed habang nakahawak ang babae sa kanyang batok.
Nang maghiwalay sila, hinawakan ni Star ang kamay ng babae at kinausap siya. "You're special to me Hanz."
Yun ang mga huling salitang narinig ko galing kay Star bago ako tumakbo palabas ng hospital habang pinapahid ang aking mga luha.
