Gray's PoV
Kinaumagahan ng Linggo, maaga kaming nagising ni Shan para makapag-ayos. I am wearing a silk see-through long gown na may hati sa hita at mejo backless kaya naman kitang-kita ang mga tattoo ko. Siyempre, hindi naman ako magpapahuli sa hubog ng katawan.
"Ang daring ng suot mo. Sana hindi ka nalang nagdamit. Nahiya naman yung tela sayo." I chuckled when Shan uttered those words.
"Eh nahiya din naman ako sa damit mong mas mahigpit pa yumakap kesa sakin. Pati butt cheeks mo hinapit ng sobra." Siya naman ang natawa sa sinabi ko habang umiiling.
"Walang hiya ka. Tara na nga."
She's wearing a white long gown that hugged her perfect sexy body. Backless din ang suot niya at bakat na bakat ang butt niya.
Hawak kamay kaming pumunta sa reception area ni Shan. Ramdam ko ang dami ng matang nakatingin sa amin ngayon. Hindi ko alam kung dahil sa pagkamangha o dahil sa kung paano kami ka-sweet tignan ng kasama ko.
"Wow. You look... Alluring." Hanz complimented me while looking at me.
Nakasuot siya ng cream na gown pero ang natatakpan lang ay ang kanyang dibdib, puson pababa.
"You look stunning Hanz. And oh. By the way, this is Shan. Shan, this is Hanz."
"Hi. Pleased to meet you." Inilahad ni Hanz ang kanyang kamay at inabot naman ito ni Shan.
"It's so nice to finally meet you...again. Huwag mo na akong tatapunan ng kape ha." Pabirong sagot naman ni Shan.
"Don't worry. We will not serve coffee. We'll serve red wine." They smiled to each other pero halatang hindi totoo ang mga ngiti na iginawad nila sa isa't-isa.
"So...let's go?" Pukaw ko sa atensyon nila bago pa man sila magkainitan.
"Come on. Nandoon sila daddy, Sky at Amielle. You should greet them too." Hinila ako ni Hanz at kusa ng bumitaw si Shan sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin at nag 'peace' sign nalang ako sa kanya.
"Oh! They're here." Lumingon sila Mr. Sarmiento, Sky at Amielle sa direction namin nang makita nila kami.
Amielle is wearing a silk golden long sleeve v-neck gown na kita ang cleavage at may slit simula sa legs pababa kaya kita ang long legs niya.
"Ehem." Napatikhim si Sky nang mapansin niya na nakatitig ako sa mahal niya. Gwapong-gwapo naman siya sa suot niyang black tuxedo.
"I'm so glad that you made it." Niyakap ako ni Mr. Sarmiento at napangiti naman ako.
"Bumata kayo sa suot at ayos niyo Sir." I complimented him.
"Siyempre naman. Kasal ng anak ko. Pero pakiramdam ko mas magiging bata pa ako kapag kinasal kayo ng anak kong si Hanz." Sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.
"Dad!" Suway ni Hanz at napakamot naman ako sa batok.
"Ipakilala mo naman kami sa magandang dilag na kasama mo." Nguso ni Mr. Sarmiento kay Shan.
"Ow. I'm sorry. Shan, this is Mr. Sarmiento, Amielle and Sky. Guys, this is Shantalle Joy Javier." Shan suddenly became uneasy beside me.
Siguro kinakabahan lang.
"I think I already saw you." Pilit na ngumiti si Shan kay Mr. Sarmiento.
"Where uncle? In your dreams?" Sabay kaming nagtawanan sa sinabing iyon ni Amielle kaya naman hindi na muling nagsalita pa si Mr. Sarmiento.
Umupo muna kami habang hinihintay si Jessie. Nakita na din namin si Creig na hindi mapakali at parang kinakabahan.
"Kumalma ka nga jan Creig. Huwag kang mag-alala tinakbuhan ka na nun." Nanlaki ang mga mata ni Creig nang narinig niya ang sinabi ni Sky. "Just kidding man. Para kang bakla."
