Gray's PoV
Paggising ko kinaumagahan, ramdam ko ang pananakit ng katawan ko. Nag-inat ako at tumingin sa tabi ko pero wala na si Hanz. Nauna na sigurong bumangon.
Pagtingin ko sa orasan, alas siyete na ng umaga. "Shit." Hindi ko maiwasang mapamura dahil late na akong nagising.
Nagmadali akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Paglabas ko sa kwarto, nakarinig ako ng mga boses na masayang nagkwekwentuhan sa sala.
"Oh. Gray. Good morning. Gising ka na pala. Alam ko gutom ka na kaya halika ka na. Kumain na tayo." Pag-imbita ni Mr. Sarmiento.
"Good morning din po." Tatanggi sana ako pero inakbayan ako ni Craig papunta sa kusina.
Habang kumakain kami, pansin ko ang mga ngiti sa kanilang mga labi. "Gray, salamat nga pala sa paghatid dito kay Hanz kagabi." Jessie said while holding her sister's hand.
Ayos na sila? "Wala yun." Simpleng sabi ko at nginitian siya.
"Alam mo ang daming nakwento ni Hanz sa amin. Maayos daw ang tulog niya dahil nakapatong siya sayo." Sabi ni Mr. Sarmiento habang naka arko ang kanyang mga kilay. Napaubo ako dahil sa sinabi niya.
"Dad niloloko niyo pa kasi eh." Inabutan ako ni Hanz ng tubig at hinagod ang likod ko.
"Ang sweet niyo ah." Biro ni Creig.
"Tumigil ka jan Creigan Frost." Saway ni Hanz kay Creig na siyang ikinatawa ni Mr. Sarmiento at Jessie.
Pagkatapos naming kumain, inihatid ako ni Hanz sa labas ng bahay nila.
"Uhm. Pagpasensyahan mo na sila daddy. Ganun lang talaga sila." Nakayukong sabi ni Hanz.
"It's okay. " hinawakan ko siya at tumingin naman siya sa akin. "Sige na. Pumasok ka na. Ayos na ako dito." I smiled at her and bid her goodbye.
Aalis na sana ako pero narinig kong tinawag ni Mr. Sarmiento ang pangalan ko.
"Pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?"
"Sure sir."
"Alam ko na mali ang diktahan ka at mali ding pangunahan mag-isip ang anak ko Gray." Napatingin ako sa kanya pero siya naman ay nakatingin sa kawalan.
"Bilang isang ama, nakikiusap ako na kung pwede, alagaan mo si Hanz at manatili sa tabi niya. Malaki ang ipinagbago niya simula noong iniligtas mo si Jessie sa kanya. Nag tanong siya sa akin kung kilala daw ba kita para mahanap ka niya. She always wanted to find you para bumawi sa nagawa mo. And now that she already found you, I know as well that she already found her happiness. Nakikita ko din na hindi na siya nasasaktan kapag nakikita niya ang kapatid niya at si Creig na magkasama. So please Gray." Tumingin siya sa akin at nakita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. "I beg you. Stay at her side for eternity."
Masaya ako dahil alam kong nagbago na si Hanz. Tanggap na niya ang nangyari kay Jessie at Creig. At dahil parte na siya ng buhay ko, alam ko na kailangan kong gawin ang tungkulin ko.
"Makakaasa po kayo na aalagaan ko po siya pero hindi ko po maipapangako na nasa tabi niya ako hanggang dulo Mr. Sarmiento." Naintindihan niya ako at Masaya kaming nagpaalam sa isa't-isa ng matapos ang pag-uusap na iyon.
Napagpasyahan kong mag taxi nalang pauwi sa bahay ni Shan. Speaking of Shan, I hope she's not mad.
Pagbaba ko ng taxi, parang kinakabahan ako. Pakiramdam ko ipapatapon ako sa underworld. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa bahay niya at dahan-dahan na isinara ang pinto.
"Buti naman naisipan mo pang umuwi."
"Ay kabayong mukhang aso!" Gulat na sambit ko.
Paglingon ko sa likod ko, nakahalukipkip si Shan at nakataas ang isa niyang kilay. "Ah. Hehe. Anjan ka pala Shan."
"Where have you been?" Parang titigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa lamig ng boses niya.
Isip isip ng palusot!
"Uhm. Ano kasi eh. Sa ---"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng magsalita si Shan.
"You know what? You don't need to explain. That mark on your neck explained what you've done." Tumalikod siya pagkasabi ng mga salitang iyon. Napahawak naman ako sa leeg ko.
Oh shoot! Eto yung kinagat ni Hanz kagabi!
Hinabol ko siya at hinawakan sa braso.
"Huwag mo nga akong hawakan!" Agad ko siyang nabitawan dahil nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. "You touched someone and you're going to lay your hands on me without taking a bath? That's gross!"
Nasaktan ako sa sinabi niya. Parang sinabi niya na nandidiri siya sa akin dahil lang sa maling judgement niya.
"Let me tell you the truth. Nasasaktan ako dahil sa maling paratang mo. Nothing happened last night ok? I just met an old friend."
Hindi siya kaagad nakapagsalita kaya lumapit ako sa kanya. "Shan..."
"How can you explain that thing on your neck Star." Galit na naiiyak na sabi niya. Nakatingin siya sa mga mata ko na parang sinasabing hindi ako dapat magsinungaling sa kanya.
"Well. Uhm. She...she bit my neck. And...and she sleep on top of me."
Pagkatapos kong sabihin iyon, pilit siyang bumitaw sa akin at lumayo ng kaunti.
"You had a choice. You shouldn't let that happen unless you liked to sleep under her too."
Tama siya. Sana hindi ko pinayagan si Hanz na gawin ang gusto niya.
"You know what Star? You can go anywhere you want. Sleep in someone's house whenever you want. Have sex with whoever the fuck you want as well. I will try not to care Star!" Sigaw niya habang nagpapahid ng luhang kanina pa niya pinipigilan.
I felt guilty.
Yung naramdaman kong sakit kanina? Parang dumoble. Parang may ibinabaon siyang kutsilyo sa puso ko.
"What are you saying? Please believe me when I said nothing happened. We just sleep together. Literally. And please don't push me away Shan." Nagmamakaawang sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang luhang gusto ng kumawala.
"Alam mo? Walang tayo at hindi pa tayo pero sinasaktan mo na ako. Ano pa kaya kung ibigay ko ang puso at tiwala ko sayo ng buong-buo?"
Nasasaktan din ako Shan.
"I hate commitment and being in a relationship Shan. Can we just stay like this?" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon.
"How dare you touched me! We had sex already and right now you're saying that you are not into relationship and commitment?" Humahagulgol na sabi niya kasabay ng pagpalo niya sa dibdib ko. "Pakiramdam ko ang dumi kong babae Star."
"I will not say sorry for what we've done. It's not just sex. It's making love for me Shan. Hindi ka maduming babae. Please don't say that. I will never regret that I made love with you. Please don't call it pure sex."
Hindi siya nakapagsalita dahil tuloy-tuloy lang siya sa pag-iyak niya. Niyakap ko siya pero pinipilit niyang kumawala.
I know she's in pain right now because of me. Ayoko sanang gawin ang plano ko pero baka mas lalo siyang masaktan kapag makikita niya ako.
"Aalis muna ako hindi dahil hindi na ako masaya kundi para makapag-isip tayong dalawa. At sa susunod na pagkikita natin, sana hindi na natin kayaning pakawalan ang isa't-isa."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tumalikod na habang pinapahid ang mga traydor kong luha.
I'm so sorry Shan.
-----
(Unedited)Thank you if you are reading this story. ;)
IcePhantomhive000
