CHAPTER 8

2K 44 1
                                    

Gray's PoV

What happened last night was unexpected. Hindi ko inaasahan yung naging result ng pag hypnotize ko kay Amielle. I did it! I am so happy that I can use this ability to help others or to help myself as well.

Pero hindi ko din inasahan yung mga sinabi ni Amielle sa akin kagabi.

"Thorn between I love you as a bestfriend or I love you as a lover." Nagrereplay sa utak ko yung sinabi niya. Pati tuloy ako naguguluhan na din kung sasabihin ko na sa kanya yung nalaman ko dahil sa pag-amin niya.

Urghhh!! I shouldn't be keeping things from my bestfriend.

'Is there a possibility that a person can lie even though he/she is under hypnosis?'

Parang may umilaw na bumbilya sa taas ng ulo ko ng maisip ko ang tanong na iyon. I really need to find an answer to my own question.

Bago pa magising itong prinsesa na nakahiga sa kama ko, maingat akong bumangon para magluto. Fried rice and sunny-side-up nalang ang niluto ko. Hindi naman siya mareklamo pagdating sa pagkain basta ako ang nagluluto.

Pagkatapos kong ihanda ang agahan niya, nag-iwan ako ng note sa study table ko.

'Breakfast is ready princess. I need to workout.

PS: Fried rice and egg with love- Bituin'

Hindi ko maiwasang maging sweet sa kanya. Siguro dahil nakasanayan na.

Naglakad-lakad lang ako pagkatapos ko mag work out. Ang ganda talaga ng klima dito sa Baguio. Mabuti nalang dito ako nagtrabaho.

After 30 minutes of walking alone, I remembered that I need to go to Mr. Sarmiento's house. I am going to seek for answers. 9:37 am naman na. Gising na kaya yun?

Naglakad nalang ako papunta sa bahay ni Mr. Sarmiento dahil hindi naman masakit sa balat ang sinag ng araw. Sayang din ang pamasahe. Baka mas matatagalan pa ako kapag naghintay pa ako ng jeep.

Habang papunta ako sa bahay ni Mr. Sarmiento sa City Camp, nadaanan ko pa yung Good Taste. Umagang-umaga ang daming tao. Bukod kasi sa masarap ang pagkain nila, mura pa.

Nang nasa tapat na ako ng bahay ni Mr. Sarmiento, kakatok na sana ako pero pinagbuksan na niya ako agad ng pinto.

"Good morning." Bati niya habang nakangiti. "Nakita kasi kita na papalapit dito kaya  pinagbuksan na kita agad. Pasok ka."

Bihis na bihis din siya kahit nasa bahay. Plain cream long sleeves na tinupi niya hanggang siko at brown slacks. Ang linis niyang tignan.

Pumasok na ako sa bahay niya at prenteng umupo sa sofa. Feel at home daw e. "May tanong ako Mr. Sarmiento."

"Ano yun?" Pabalik na siya galing sa kusina habang nay dalang orange juice.

Umupo siya sa harap ko na sinundan ko naman ng tingin. "Is there a possibility that a person can lie even though she is already under hypnosis?"

Tinignan niya ako ng diretso. "No Gray. I bet you hypnotized someone and it turns out that you found out something that you never expected? Is she a girl? Did she confessed?"

I rolled my eyes. He's making fun of me.

"She's my bestfriend. No more. No less."

"You're being defensive Gray. " he's smirking. "Back to your question. Hindi makakapagsinungaling ang tao kapag under hypnosis na siya. She or he will do what you are going to say. Whether she like it or not, gagawin at gagawin niya ang sinabi mo unconsciously." Mahabang paliwanag ni Mr. Sarmiento habang naglalakad papunta sa kanyang kusina.

"Why? May sinabi ba siya sayo na hindi mo inaasahan?" He's looking at me intently. Hindi naman ako nakapagsalita agad. "Anyways, you don't need to answer that. I think you're ready to learn something new. Are you still willing to learn?"

Tumingin ako sa kanya ng diretso. "Yes."

"Okay great! I am going to teach you on how to hypnotize a person easily by just touching and looking at them."

I feel the excitement. I feel like I am so powerful. Sa ginagawa kong ito, alam ko Hindi lang sarili ko ang tinutulungan ko. Pati na din ibang tao baka matulungan ko.

'How I wish I can hypnotize myself too so that I can forget the pain that I got from Shantalle.' Sabi ko sa sarili ko. I know it's impossible. But you can't blame me. After more than two years, I still have this familiar pain inside me.

It feels like my heart is crumpled literally. We were so happy the day she left me. She even sleep here in my apartment! She even told me that she will never leave me whatever happens. She told me as well na siya ang nasa tabi ko after I graduate from college before we sleep.

But when I woke up, wala na siya sa tabi ko. she just left me a note saying...

"Sorry. Let's break up. I don't have a reason. I just want us to break up. Please don't look for me so that I can be happy. Happy 2nd anniversary."

I was devastated. I tried to look for her. Umuwi ako sa Isabela pero ayaw nila siyang ipakita sa akin. I even asked her cousins but they said she transferred to another school.

Ganon ba talaga? Papasayahin ka sa una tapos kapag nasanay ka na sa kanya, iiwan ka nalang basta?

Amielle know about this. She sent me a message through social media. Nababasa daw kasi niya yung mga posts ko noon tapos naawa siya. Starting that day, palagi na kaming magka chat. She became my happy pill, energizer and bestfriend.

Masiyadong malalim iniisip ko. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala si Mr. Sarmiento sa akin.

"You are preoccupied Gray. Are you sure you are ready for this? Can you focus?" Sunod-sunod na tanong ni Mr. Sarmiento tsaka pumunta sa kusina na sinundan ko naman.

Binigyan niya ako ng isang orange at umupo sa tapat ko.

"It's easier to hypnotize a person if you can touch them. It's like bringing them to another dimension using a portal." Panimula niya.

"It does not require too much time but it is difficult to learn." Nakikinig lang ako sa sinasabi niya nang may naalala ako.

"That's what you did to me when we first met!" Hindi makapaniwalang sabi ko. Akala ko naging uto-uto ako pero ginamitan pala niya ako ng hypnotism!

"Right! All you have to do is to touch your subject in a comforting way and look at her in the eyes. Make sure that he/she is calm enough and ready to follow your suggestions kahit gising ang diwa niya. You are going to control him/her subconsciously."

I know it will not be easy for me. Lalo na ngayon kasi beginner lang kami.

"Gray, are you nervous?"

"What? N...no." Ngumiti siya sa akin.

"I doubt that." Nakangising sabi niya.

"Fine. Yeah. I'm nervous. A bit."

"Ok. Calm your nerves because your first subject is me." Lalo pa ata akong kinabahan sa sinabi niya.

Bumalik siya sa sala at naiwan akong tulala. Bago pa man siya makaupo, lumingon muna siya sa akin at ngumiti.

"Oh! I forgot to tell you. Don't forget to bring that orange here." Napatingin ako sa orange na hinahawakan ko.

Ano naman kaya ang gagawin ko dito?

-----
(Unedited)

Sorry for typo errors kung meron. ;)

Shantalle at the top. :)

IcePhantomhive000

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon