Hanz's PoV
"Saan mo ba ako dadalhin? Kanina pa tayo nagbyabyahe Gray." Tanong ko sa katabi ko. Nagcommute ba naman kami. I already suggested that we should use my car instead but she declined. Naiipit tuloy kami.
"It's a surprise. Matulog ka muna." Tutal nahihilo na ako dahil sa paliko-likong daan, ipinikit ko muna ang aking mga mata.
"My shoulder is always free for you to lean on." Hindi ko alam na may itinatago din palang kasweetan sa katawan to. Hindi na ako umangal at natulog nalang.
"San Agustin! San Agustin!" Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog. Nagising na lamang ako sa sigaw ng kundoktor.
"Wake up Hanz. We're here." Kinusot ko muna ang aking mga mata at tsaka tumingin sa bintana. Nasa terminal pala kami for stop over.Napagod siguro mag drive. Napatingin naman ako sa katabi ko habang nag aayos ng buhok. She's so simple yet looks expensive... And hot as hell.
Inalalayan ako ni Gray hanggang sa makababa kaming dalawa. Grabe. Ang init!
"Mainit ba?" Natatawang tanong ni Gray habang pinupunasan ko ang aking pawis. Kumain lang kami saglit tapos tuloy uli sa biyahe.
Pagkatapos ng halos dalawang oras na biyahe, tumigil na kami. Naglakad kami ng mejo may kalayuan para marating ang bahay nila Gray. Madaming mga puno at simple lang ang mga bahay na nadadaanan namin. Kahit na mainit dito sa Isabela, sariwang-sariwa naman ang hangin.
"Welcome to my humble home Hanz. Pagpasensyahan mo na." She's so cute kapag nahihiya siya.
Hindi ko akalain na dadalhin niya ako sa kanilang bahay! Yung mga naging ex-boyfriend ko kasi, hanggang date lang.
Pumasok kami sa bahay nila at sinalubong kami ng kanyang ina. They are so hospitable.
Simple lang din ang tahanan nila. Concrete sa baba tapos kahoy naman sa taas.
"Pagpasensyahan mo na itong bahay namin anak. Napagod ba kayo sa byahe?" Tanong ni tita Mary. Nanay ni Gray.
"Ayos lang po tita. Mababait naman po ang nakatira." Ngumiti ako kay tita.
"Sus. Bukod sa maganda kang bata, mabait ka pa. Kayo ba ng anak ko?" Naubo ako sa tanong ng kanyang ina at napatingin sa kanya. Asan na ba kasi si Gray? Iniwan nalang ako dito.
"Ngayon lang kasi umuwi ulit si Gray dito na may kasamang babae. Base sa mga tinginan niyo, alam ko hindi lang kayo magkaibigan." Masiyado ba akong halata?
"Ma, pinapakaba mo naman si Hanz. Halika Hanz. May pupuntahan tayo." Biglang sulpot ni Gray sa likod ko.
Nagpaalam muna kami kay tita. Habang naglalakad kami, hinawakan ni Gray ang kamay ko na siyang ikinagulat ko.
"I'm sorry. Nabigla ba kita?"
"Hin...hindi naman." Seriously? Nauutal ako?
Napangiti siya sa sagot ko. "So... Okay lang na hawakan ko ang kamay mo. Ok lang din ba na makahingi ng kiss sayo?"
Hinampas ko siya sa braso tapos tinawanan lang niya ako. "Tigilan mo ako sa panloloko mo Gray."
"Haha! You're so cute every time you're mad. Pakiss nga." Tapos nagpout pa.
Napatingin ako sa bibig niya ng biglang...
Wala sa sariling hinalikan ko siya ng mabilis. Nabigla siya sa ginawa ko pero mas nabigla ako sa sarili ko.
"Uhm. I... I have something to t..tell you." Nauutal na sabi ni Gray.
"Spill." Simpleng sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya.
"Please don't laugh at me." Kinakabahang sabi niya.
"It depends on what you will say but, OK. I will try not to laugh. What is it?"
Mejo natagalan muna bago siya nakapagsalita. "I...I know how to hypnotize." Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Nagpapatawa ba siya?
"Prove it." Baka pinagtritripan niya lang kasi ako.
Sakto namang may dumaan na lalaki. Hinabol ni Gray ang dumaan at kanyang kinausap. Naging blanko ang expresyon ng lalaki habang nakatingin kay Gray.
"Give me your wallet and you will never remember any of this." Agad na ibinigay ng lalake ang kanyang wallet at umalis na. Bumalik si Gray sa pwesto ko dala-dala ang wallet ng lalake.
"What the fuck Gray! Give him back his wallet!" Magkahalong gulat at inis ang nararamdaman ko sa kanyang ginawa.
"Okay. Okay. Chill. Panoorin mo gagawin ko." Nakangising tumakbo si Gray para habulin ang lalake.
"Kuya, nahulog niyo po itong wallet niyo." Inabot ni Gray ang wallet habang kinakapa naman ng lalake ang kanyang bulsa.
"Salamat ng marami. Naku! Nandito pa naman yung pang tuition ng anak ko. Maraming salamat talaga hija." Naluluhang sabi ng lalake habang nagpapasalamat kay Gray bago umalis.
Gray's PoV
Pagbalik ko kay Hanz, sinampal niya ako. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
Natatakot ako. Natatakot sa pwede niyang gawin. Baka kamuhian at iwan niya ako tapos biglang umuwi sa Baguio. At baka hindi na magpapakita sa akin. Hindi iyon pwede.
"Are you insane?! You hypnotize people! Mali yang ginagawa mo!" Humawak siya sa kanyang noo habang nakapameywang sa harap ko. "Kaya ba napapalapit mo ako sayo dahil nahypnotized mo ako?! Kaya ba hinalikan kita dahil pinaglalaruan mo ang utak ko?!" Galit na sabi niya.
It hurts. A lot.
"I did not hypnotize you to kiss me. That's what your subconscious mind said. I thought you're not going to judge me. Akala ko kaya mo akong tanggapin. Pero nagkamali ako." Naiiyak na sabi ko.
"You know what?! I don't care. Aalis na ako at huwag na huwag mo akong susundan. Huwag ka na din magpapakita pa. Kalimutan mo ng nagkakilala tayo dahil yun ang gagawin ko!" Tatalikod na sana siya pero pinaharap ko siya sa akin at tumingin sa kanyang mga mata.
Hindi niya ako pwedeng iwanan.
"You will forget everything I said about hypnotism. Hindi tayo nag-away. Tatanggapin mo ako at mamahalin kahit ano pa ako."
Tumango siya at ginantihan ko naman siya ng yakap.
I'm sorry Hanz. I can't lose another important person in my life again.
Why do I always fall for someone so easy?
-----
(Unedited)Thanks for reading this story. ;)
IcePhantomhive000