CHAPTER 29

1K 30 0
                                        

Shan's PoV

Hindi ko mapigilang hindi matawa dito sa kasama ko ngayon. Nakabusangot at napakaseryso ng mukha niya habang nagtutulak ng cart namin.

Bukod sa pinagtitinginan siya ng mga tao dito sa grocery store, napapangiti din sila kapag nakatingin sa kanya. Ang gwapo niyang tignan sa simpleng white shirt, denim half pants at round cap na suot niya pero ang tsinelas, pang bata.

"Kasalanan mo ito Shan e." Sabi niya sa akin tapos bumubulong at mabilis na umalis sa tabi ko.

"Hey! Wait for me Star! Alam mo ba bibilhin mo?" Sigaw ko sa kanya habang natatawang humahabol sa kanya.

Sinabayan ko siyang maglakad at ikinawit ang kamay ko sa braso niya. Tumingin naman siya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.

"Huwag ka ng magalit jan. Tatanggalin natin yan mamaya." She raised an eyebrow before she speak.

"Paano naman natin to tatanggalin? Ee kahit nga tubig hindi kayang tanggalin to e." Nagpapadyak na sabi niya na parang batang hindi binilhan ng lollipop.

"May lagari ako sa bahay." Nakangisi na sabi ko sakanya.

"And what are we gonna do with that Shan?" Inis na tanong niya.

"Simple lang. Lalagariin natin yang paa mo nang matanggal na natin yang tsinelas mo. Bili ka nalang ng bagong paa." Pinanlakihan niya ako ng mata at  lalo akong tumawa ng malakas nang makita ko ang mukha niyang pulang-pula na dahil sa pagpipigil ng kanyang inis.

"Just kidding. Oh..my. gosh. You should've seen your face. It's priceless." Sabi ko sabay pahid ng luha dahil sa pagtawa ko.

Iniwanan niya nanaman ako dahilan para ako na ang magtulak ng cart namin. Kinuha ko yung mga kakailanganin namin pero hindi parin nawala ang pang-aasar ko sa kanya.

Pagkatapos naming nagbayad, nauna na si Star sa kotse bitbit ang ibang pinamili namin habang ako naman ay naiwan pa para ayusin ang wallet ko.

Papunta na sana ako ng parking lot pero may nakabangga akong babae na nakahawak ng kape. Maliit lang siya kumpara sa akin.

"Shit." Napamura ako ng maramdaman ko ang init ng kapeng natapon sa bandang tiyan ko.

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako para bumili ng tsokolate para sa kapatid ko." Natataranta niyang sabi habang humihingi ng tawad.

I did not ask her to explain. Magsusungit pa sana ako pero may narinig akong kotse na bumusina. Pagtingin ko sa direksyon na iyon, nakita ko si Star na parang inip na inip ng naghihintay.

Hinawakan ko ang balikat ng babae at napatingin siya sa akin ng diretso.

"Ayos lang. Sa susunod, mag-ingat ka nalang. Pakitapon na din yang hawak mong kape para hindi ka na makadisgrsya ng iba." Ngnitian ko siya at binitawan na.

Sumunod siya sa sinabi ko at pumasok na sa loob habang ako naman ay naglakad na pupunta sa kotse ko.

"Sino ba yung kausap mo kanina? She looks so familiar. At anong nangyari jan sa damit mo?" Tanong ni Star nang makapasok na ako.

"Natapunan niya ako ng kape. And to answer your first question, I don't know her name. Why? Are you interested? Baka gusto mong bumalik ako para tanungin pangalan niya?" Hindi ko maiwasang mainis. Bakit ba kasi kailangang pansinin pa niya yung babae?

"It's only a question. You sound like a jealous girlfriend." Natatawang sabi niya.

"I'm not jealous. Why should I? I'm not even your girlfriend. What are we in the first place? God. Umuwi na nga tayo." Naiinis parin na sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.

She just made a sound using her tongue and started to drive.

Pagdating namin sa bahay, nagpahinga muna kami saglit bago mag-ayos ng mga pinamili namin. Tinulungan ko din siyang tanggalin ang kanyang tsinelas dahil kasalanan ko naman. Pero bago pa namin matanggal iyon, nakailang reklamo pa siya at tinawanan ko lang.

Magluluto na sana ako for dinner pero hinawakan niya ang braso ko. "I should get going Shan. Gabi na kasi."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Bakit? May naghihintay ba sayo sa apartment mo?"

She chuckled and let go of my hand. "Yeah. May naiwan ako doon na kailangan kong balik-balikan."

Bigla ko nanamang naalala yung babae kanina. Kinalma ko ang sarili ko tapos lumapit sa kanya at ikinawit ang kamay ko sa batok niya.

"Please stay here. Dito ka nalang tumira kung pwede. Wala kasi akong kasama. I'm alone. Natatakot ako. Please?" I did everything to do my cutest gesture while looking deeply into her eyes.

She nodded quickly and held my waist.

"Kukunin natin yung mga gamit mo bukas but for now, kailangan ko ng magluto dahil gugutumin na tayo pareho." Kakalas na sana ako pero mas hinapit niya ako sa bewang at pinagdikit ang aming katawan.

"Kiss me." It is not a request but a command that I cannot resist. I closed the gap between us and we kissed passionately.

If this is the way to repay what has been done, I will do everything to make her stay.

Star is mine and mine alone.

-----
(Unedited)

Thanks if you are reading this story. ;)

IcePhantomhive000

HYPNOTIZEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon