Shan's PoV
Mag-iisang linggo na simula noong nag camping kami ni Star. Dalawang araw lang iyon pero puno ng ala-ala.
I can't help myself to smile if I am reminiscing every moments that we had together. She even gave me a promise necklace. That time, feeling ko ako na yung pinaka maswerteng babae sa mundo kahit walang kami. I think I need to be contented for what we have.
'Stars in the sky
This night doesn't feel unfamiliar with you.
A place the two of us have visited with you
A place we have been to together.'
Napapitlag ako ng narinig ko ang sarili kong boses. Star recorded my voice when I was singing at the top of that mountain!
"Hello?" Sinagot ko ang tawag dahil nasa banyo si Star at dahil ayoko ng marinig ang sarili kong boses.
"Is this... Is this Gray?" Umiiyak na tanong ng babaeng nasa kabilang linya. Don't tell me girlfriend niya to?
"A friend of hers. Why?"
"Please tell her that a girl named Jessie is begging her to come here at the hospital." Umiiyak parin na sabi niya.
Jessie? Wala siyang pinapakilalang Jessie sa akin.
"What hospital? Can I ask why?" Sinabi niya ang address ng hospital at isinulat ko naman iyon sa isang note.
"My sister was rushed to the hospital because she cut her wrist and she passed out. When we found her, we saw a note in her table saying she needs Gray."
"I'm sorry to hear that. And don't worry. I'll tell her." Nagpasalamat siya sa akin dahil sinagot ko ang tawag niya and I ended the call.
Paglabas ni Star sa banyo, pinupunasan pa niya ang tumutulo niyang buhok.
"Sinong kausap mo kanina? May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Natatawang tanong niya. Inirapan ko lang siya at inabot sa kanya ang cellphone niya.
"A girl named Jessie called. Begging you to go to the hospital because her sister was rushed to a certain hospital." Pagkasabi ko non, nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
"What hospital? Bakit daw siya dinala doon?" Tanong niya habang nagmamadaling magpalit ng damit.
"She said her sister attempted to suicide." Sinabi ko na din ang address ng hospital.
Pagkatapos niyang magbihis, aalis na sana siya pero pinigilan ko.
"Hindi ka man lang ba kakain muna?"
"Hindi na. I'm sorry but I need to go. Take care." Ginawaran niya ako ng mabilis na halik sa labi bago patakbong lumabas ng bahay.
"Haaay." Napabuntong-hininga nalang ako. Naligo at nagbihis nalang din ako para makapag workout. Mababagot lang ako dito kapag nagkulong ako.
Magtatanghali na noong pauwi ako galing gym at grocery store. Malapit na kasi maubos stocks namin ni Star.
Habang naglalakad ako, may nakita akong batang babaeng umiiyak na pilit inaabot ang teddy bear sa isang batang lalaki.
"Ang pangit mo na nga, wala ka pang Nanay na magtatanggol sayo! Pangit!" Ibabato na sana ng batang lalaki yung teddy bear pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. Tumingin siya sa akin at nginitian ko naman siya.
"Masama yan." Ibinaba ko ang kamay niya na nasa ere at ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Baka pwedeng ibalik mo na yung teddy bear tapos mag-sorry ka sa pang-aapi mo sa kanya. Kawawa naman siya."
Dali-daling ibinalik ng bata yung teddy bear at nag sorry sa batang umiiyak.
"Huwag mo ng gagawin iyon ha. Maging mabait ka na sa susunod." Tumango ang bata at tinapik ko ang ulo niya bago umalis.
"Salamat po ate ganda." Lumuhod ako sa harap ng batang babae at nginitian siya.
"Wala yon. Eto na teddy bear mo. Kumain ka na ba?" Imbes na sagutin ang tanong ko, bigla niya akong niyakap.
May kapangyarihan ba ang batang to? Parang sa isang iglap lang, nawala ang lahat ng problema ko.
"Ito nalang po kasi ang naiwan na ala-ala ni inay. Iniwan na po kasi niya ako. Tsaka, hindi pa po ako kumain ate ganda. Mamamalimos nalang po ako."
Naawa ako sa bata. This child doesn't deserve this.
"Eto. Kunin mo na to." Inabutan ko siya ng isang libo. Ayaw pa sana tanggapin ng bata pero pinilit ko siya.
Masaya siyang nagpaalam at naglakad na paalis.
Pagdating ko sa bahay, Napabuntong-hininga ako dahil wala pa si Star.
Mag-isa akong kumain ng tanghalian at natulog pagkatapos. Nagbabakasakaling paggising ko, nasa tabi ko na yung taong hinahanap-hanap ko.
Naalimpungatan ako ng may marinig akong ingay sa kusina. Nagmadali akong bumangon at tumingin sa orasan.
Natampal ko ang aking noo dahil ang tagal kong nakatulog. Mag-a-alas-siyete na ng magising ako.
Bago ako lumabas ng kwarto, kinuha ko ang baseball bat. Baka ninanakawan na ako!
Inihanda ko ang sarili ko.
"Walang hiya kang mag---"
Ipapalo ko na sana ang hawak kong bat pero saktong lumingon sa akin si Star.
"Morning." Matipid na bati niya habang nagluluto. Ni hindi na nga niya pinansin ang kamay kong nasa ere na nakahawak ng bat kaya itinabi ko nalang ito.
"Ah. Eh. Gabi na." Naglakad ako palapit sa kanya at niyakap siya patalikod.
Humarap naman siya sa akin at niyakap din ako. "Kagigising mo lang kasi." Hinalikan niya ako sa noo bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Hindi na din kita ginising kaninang dumating ako. Ang sarap kasi ng tulog mo."
Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at ramdam ko ang tibok ng kanyang puso.
"I miss you." Paglalambing ko.
She chuckled and touched my cheeks. "I miss you too. And uhm. You should eat. Nakaluto na ako. It's almost 7:30 in the evening."
Napakunot ako ng noo at tinignan siya.
"I think it should be, WE should eat Star." I emphasize the word 'WE'. Kumalas siya sa yakap at hindi niya ako tinignan.
"Uhm. Well. May kailangan pa kasi akong puntahan. I'm in a hurry. I'm sorry."
Sakto namang nag-ring yung cellphone niya at pumunta sa sala para kausapin ang taong nasa kabilang linya.
"Okay. I'm coming. Wait for me then. Okay. Don't worry. I will take care. Bye." Nakatingin lang ako sa kanya habang nakikipag-usap siya.
"I need to go. Lock the door." Pagmamadali niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso.
"Gaano ba kaimportante yang katawag mo at kahit sa pagkain man lang, hindi mo ako masabayan?!" Inis na tanong ko.
"I don't have time to argue with you right now. Let me go." Malamig na sabi niya.
"Mas importante na ba yang taong yan kesa sa akin na palagi mong nakakasama?!" Hindi siya nakapagsalita at tinignan lang ako. "Magsalita k---"
"Oo! Sa ngayon, kailangan ko siyang puntahan dahil mas importante siya kesa sayo!" Pasigaw na sabi niya.
Ako naman ang hindi nakapagsalita. Sana sinaktan nalang niya ako ng pisikal kesa pinagsabihan ako ng ganon.
Ito ang unang beses na sinigawan niya ako at ito din ang unang beses na pinili niya ang ibang tao kesa sa akin.
"Shan I'm sorry." Hahawakan na sana niya ako pero humakbang ako paatras sa kanya.
Lumunok ako para pigilan ang sariling hindi umiyak. "You...you should go. Take care."
Narinig ko pang bumuntong-hininga siya pagkatapos ay ang pagsara ng pintuan.
Hindi ko na napigilang umiyak nang nawala na siya sa paningin ko.
Hindi pala sapat ang salitang 'masakit' kapag iniwan ka ng taong mahalaga sayo dahil mas pinili niya ang ibang tao.
-----
(Unedited)
Thanks if you're reading this story. ;)
IcePhantomhive000
