Ashlynn Ryleigh Eddison's POV
Pinatay ko na ang hair dryer matapos kong gamitin saka muling sinuklay ang aking buhok, saka inipit ng pa-ponytail. Nasanay na ako ng ganito ang ipit araw-araw dahil dito ako mas komportable.
Isinuot ko na ang i.d ko at inayos muli ang aking uniporme. Kinuha ko ang bag ko sa kama at tiningnan kung kumpleto rito ang mga gamit ko. Napakunot ang noo ko ng mapagtantong wala rito ang kwaderno ko sa mathematics. Nasan na yun?
Inilibot ko ang tingin ko nagbabaka-sakaling makita ang kwaderno pero hindi ko parin nakita. Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto.
“Leigh!!” si Charlize. Bago pa man ako makapagsalita ay pinakita na niya sakin ang isang kwaderno na hawak niya sa kabilang kamay. Ang notebook ko sa math.
“Good morning!!” saka tuluyang pumasok sa kwarto ko at hinayaang bukas ang pinto. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Nasayo lang pala yung kwaderno ko.” kinuha ko sa kanya ang kwaderno ko at naiinis na nilagay yun sa bag ko saka sinara.
“Walang good morning??” tiningnan ko siya. Bigla naman siyang nagpeace sign sakin at tumawa ng mahina. Napatawa ako ng konti sa naging reaksyon niya. Iniba ko agad ang topic.
“Ano palang ginagawa mo dito?” tanong ko sakanya binuhat ko saglit ang aking bag. Hindi naman masyado mabigat. Kaya ko tong dalhin.
“Gusto kong sumabay sayo papuntang school.” dahilan niya. Dinala ko naman na ang bag ko, kinuha ko yung dalawa pang libro sa tabi na hahawakan ko nalang saka siya inalok.
“Baba na tayo.” sabi ko. Tumayo naman na siya at sabay kaming bumaba ng ikalawang palapag at dumiretso sa dining room.
“Nakakain ka na?” umiling naman siya.
“Charlize, maupo ka na.” salubong samin ng ate ko na si Arisse. Hindi ko na siya tinatawag na ate dahil iyon ang gusto niya. Atsaka sabi niya, mas nagmumukha daw siyang matanda kapag tinatawag na ate o ano.
Nagpasalamat naman si charlize sa kanya. Umupo na ako sa upuan at nilagay ang bag ko sa katabi kong upuan. Pinatong ko rin ang libro ko sa mesa na nasa tapat ng upuang pinaglagyan ko ng bag. Tumabi naman sakin si charlize at ganun din ang ginawa niya. Matapos ihanda ni Risse ang pagkain ay umupo na siya sa may tapat namin. Nagsimula na kaming kumain.
“Hindi mo na tinanong kung asan na sina mom at dad.” pagsisimula ng topic ni Risse. Tiningnan ko naman siya. Habang si charlize ay tumingin saming dalawa ngunit pinagpatuloy parin ang pagkain.
“Wala rin namang magbabago sa isasagot mo.” seryoso kong sagot sa kanya. It's true. Lagi namang maaga umaalis sila dad at mom. They're always busy at work. Ayaw ko rin namang nandito sila dahil, puro disappointments lang ang maririnig ko sakanila. Pinagpatuloy ko ang pagkain.
“And i hope hindi rin magiging ganun ang tingin mo sakin dahil, nagtatrabaho na rin ako, Ryleigh.” i shook my head as if i was saying no.
“Iba ka sakanila. You don't interfere with my life compare to them.” matapos kong sabihin yun ay wala na akong narinig na salita kay risse. She understands my words and what i am feeling. Pero despite all of that, lagi akong kinukumpara nila mom kay risse. It's because, i can't reach their expectations na nagawa ni risse nung nagaaral pa siya. Napapanatili kasi niyang mataas ang mga grades niya kumpara sakin, i ain't that smart enough to be like her.
“You only have 30 minutes left before the start of your classes. Ihahatid ko nalang kayo sa school nyo para pagdating nyo dun ay hindi na agad magstart ang classes.” sabi ni Risse. Tumayo na siya saka kinuha ang kanyang plato at nilagay sa lababo.

BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Teen Fiction"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...