Chap 9 - The Letter

22 11 1
                                    

Nasa byahe kami ngayon. Balak naming kumain sa labas saglit at mamasyal sa mall na medyo malapit lang rito and as usual, kotse parin ni Lawrence ang gamit namin at siya ang nagmamaneho. Tahimik lang ako buong byahe dahil pilit na bumabagabag sa isip ko ang sobre na tinatago ni Charlize. Pumikit ako ng mariin. Alam na kaya ni William? Pano kung pag umuwi si Ryleigh eh makasalubong niya si William? Pano kung may mangyaring masama sa kanya? Gusto kong bumalik sa school at samahan si Ryleigh sa Library. Pero baka magduda sakin sila Lawrence. Pero yung safety ni Ryleigh inaalala ko. E baka nga napapraning lang ako. Haish!

“Ang tahimik niyo. Nakakapanibago.” biglang sabi ni Paul. Hindi na ako lumingon sa kanya at hindi na pinansin ang sinabi niya.

Bakit kasi.... Bakit si charlize pa?!

“Konti nalang at iisipin kong may tinatago kayong dalawa sa amin ni Paul.” natigilan naman ako sa sinabi ni Lawrence at biglang napatingin sa kanya. Ano't nakaisip siya ng ganung konklusyon?!

Saka ko lang napansin na hindi lang pala ako ang napatingin sa kanya. Kundi pati rin sila Paul at Charlize.

“May tinatago?” takang tanong ni Paul.

“W-wala--”

“You stuttered, charlize. You just gave me a reason to think that my conclusion is true.” tumigil saglit ang kotse dahil pula na ang nakailaw sa traffic light. Tumingin si Lawrence samin gamit ang salamin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. At napahinga ng malalim.

“Charlize hid something that was really for Ryleigh.” maikli kong saad. Tumingin sakin si charlize na parang hindi siya makapaniwalang sinabi ko sakanila ang tungkol dun.

“Janella---” hindi na natuloy ang sasabihin sa akin ni Charlize dahil bigla siyang pinutol ni Paul saka nagsalita.

“What is it, charlize?” tanong ni Paul. This time, naging seryoso lahat sa loob ng kotse. Naghihintay ng sagot ni Charlize. Kung may balak pa ba siyang sabihin ang totoo o, magsisinungaling parin.

“L-letter from her former friend..” tanging sagot ni Charlize...

“Kailan mo pa tinago yun?” seryoso kong tanong sa kanya. Nakita kong umilaw na ang kulay berde kaya umandar na muli ang kotse ni Lawrence.

“N-nung thursday..” nauutal niyang sagot. Bumalik ang ekspresyon na ipinakita niya sakin kanina. Natataranta na para bang pag may sinabi siya, manganganib ang buhay niya.

“Bakit hindi mo pa yun ibigay sa kanya? Importanteng malaman niya rin yun, Charlize.” tanong ni Paul.

“Masyado kang natataranta't natatakot.” sambit naman ni Lawrence saka ibinaling muli ang atensyon sa daan.

“B-binalaan ako na pag nalaman nung nagpapabigay ng sobre na pinatago sakin yun, b-baka raw magalit siya sakin. Baka kung ano ang gawin niya sakin.” natataranta niyang saad.

“Sinong nagsabi sayo nun?” umiling siya bigla sa tanong ni Paul.

“Hindi ko daw pwedeng sabihin ang pangalan---” hindi na natuloy ni charlize ang sasabihin niya dahil nagsalita na ako kaagad.

“Charlize, Sino?” pag-uulit ko ng tanong ni Paul. Saka ko napansin na natahimik bigla si Lawrence at nanatili lamang sa daan ang tingin niya. Pakiramdam ko talaga ay may alam to sa nangyayari. Pero.... Pero imposible.

“Ang pangalan daw niya...” nag-aalinlangang sabi ni Charlize. Habang kami ni Paul ay naghihintay sa sasabihin niya. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Pakiramdam na parang pagsisisihan kong malaman ang susunod niyang sasabihin--ang pangalan na sasambitin niya. Pero sana, sana si Tiffany ang tinutukoy niya.

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon