Chap 8 - Secret

31 10 2
                                    

I would like to thank sinbirah , Moon_Bwi , user85060817 (dandred) and KyleLorraine6 for trying to read my story. Hope you'll like it! Muah!

===========

Martes na at sabay-sabay kami ngayong kumakain ng breakfast. Si janella, pagkatapos dapat ng periodical test siya papasok pero pinaki-usapan niya ang principal na kung pwede ay pumasok na siya agad. Excited siguro siya masyado.

“So, anong section mo, janella? Kaklase mo din ba sila Ryleigh?” tanong ni Risse habang kumakain.

“Nope. Magkaklase kami ni Paul.” napatingin naman ako sa kanya saka walang alinlangang nagtanong.

“Pano ka napunta sa third section? I can even say that you're smarter than me.” tanong ko. Totoo naman kasi. Kahit nung magkaklase kami sa singapore, we're always in the star section at, para kaming nag-papaligsahan lagi sa recitations----sa grades. And everytime na sya ang nangunguna sa klase, sinasabihan ako ni mom ng palihim. Kesyo dapat hindi ko hinahayaang nangunguna sya sakin.

“Not that smart naman, Leigh. Ang sabi lang sakin, konti lang daw kasi ang active dun at gusto ako ng adviser dun na maging estudyante niya.” tumango tango naman ako saka ipinagpatuloy ang pagkain.

“You sure you'll be fine there? Hindi na kayo magkaklase ni Ryleigh.” nagaalalang tanong ni Risse. Tumango naman si Janella.

“Of course. At kasama ko naman dun si Paul. Kahit papaano may kasama ako.” saad ni Janella matapos tumango.

“Okay then.” sambit ni Risse. Matapos naming kumain ay nilagay na namin ang mga plato sa lababo.

“Hatid ko kayo?” umiling ako. Saka napatingin sakin si Risse.

“Sasabay sina Paul at Charlize samin. Mas mabuting mauna ka na.” sabi ko. Tumingin naman si Risse kay Janella na para bang naghihintay sa kanya ng sagot.

“She's right. At baka malate ka pa sa work mo.” pagsasang-ayon ni Janella.

“Osige. Mauuna na ako kung ganon.” paalam sa amin ni Risse

“Take care.” paalala ni Janella. Habang ako ay tinanguan lang siya. Kinuha na niya ang bag niya saka kumaway samin at lumabas na ng bahay. Matapos nun ay tumingin si Janella sa suot niyang relo.

“Isang oras pa bago ang klase natin. Maya na tayo umalis.” saad niya.  Sumang-ayon na lang ako sa kanya. Tinext na rin niya si charlize na pumunta nalang rito pagtapos mag-ayos. Maaga kasi ako nagising kanina at naunahan ko pang tumunog ang alarm clock ko. Ganun rin ang nangyari kay Janella kaya, maaga kaming natapos mag-ayos ngayon.

Naalala ko naman ang sinabi samin ng guro namin kahapon kaya nagsalita ako.

“May 2 hours tayong vacant mamaya dahil maraming inaasikaso ang mga teachers ngayon.” paalala ko sa kanya. Napatingin siya sakin pagkatapos niyang buksan ang tv ng sala. Nakaupo kasi kami ngayon sa couch.

“Hindi kami nainform tungkol dyan. Anong oras ba?” sabi niya.

“Pagkatapos ng pangalawang break natin.” sagot ko sa kanya.

“Edi pwede nang umuwi pagtapos ng break?” Tumango ako. Sumandal ako sa couch saka huminga ng malalim.

“Anong balak mo gawin mamaya?” tanong niya sakin.

Taste Of SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon