It only felt like i died that time..
Pero tila sumasabay sakin ang tadhana ko.
Right after i greet Olivia, i ran away from their house..
I ran away from all of them... And ignored anyone who's calling me..
Pero bago ko pa mapagtanto ang dinadaanan ko ay huli na ang lahat...
It's like i felt the heat of its light... Burning me..
I was hit on a rushing car hardly that it almost broke my all.. Either physically or mentally..
Then the memories i had, started appearing on my mind like it was my end....
Like it's the end..
“R-r-ryl-leigh... N-no.. NO!!!!!!!!!!”
“Ano nanaman ang pumasok sa isip mo't pinayagan mo ang batang yun na lumabas ng gabi?!” napahilamos na lamang sa mukha ang asawa nitong nagsalita. Sinusubukan nitong pahabain ang pasensya niya dahil kanina pa siya nito sinisigawan, kako bakit hinayaang lumabas si Ryleigh at hindi man lang nagreklamo dahil baka kung saan saan nanaman ito nagpupupunta.
“Aya, malaki na ang anak natin. At kaarawan ng kaibigan niya kaya malamang papayagan ko siyang umalis.”
“Palibhasa'y kinukunsinti mo, david! Ano nalang ang matututunan ng batang yan kung patuloy yang aalis tuwing gabi? Hindi na ako magtataka kung bigla ako niyang sagut-sagutin!!”
“M-mom, may punto naman si Daddy.” hindi siya pinansin ng ina. Alalang-alala si Risse sa nangyayari ngayon kay Ryleigh. Pero dumagdag sa isipin niya ang mga magulang na nag-aaway nanaman ng dahil sa kapatid niya. “Wag ka nang makialam dito Risse!”
Kung alam lang sana nila ang buong katotohanan sa nangyari kay Ryleigh. Kung sana nagtanong man lang sila o inintindi ang bunsong anak, hindi sana mas lalala ang dinaramdam ngayon ng kanyang kapatid.
“Intindihin mo siya, anak natin siya.”
“Hanggang kailan mo yan iintindihin?! Hanggang sa pati ikaw ay sagut-sagutin na din niya?!!” matapos niyang isigaw yun ay napatayo kaagad sa inis si David. Tiningnan niya ang kanyang asawa sa mga mata nito.
“Ano bang nangyayari sayo? Muntik-muntikan ka lang na nainsulto ng mga kaibigan mo ay nagalit ka na agad ng todo sa anak natin?! Ano bang ginawa niyang masama sayo, Aya?!”
“She's so naive!!! Alam mo naman ang estado ng buhay natin, diba?! Kilala ang pangalan natin! Apelyido! Isang maling galaw lang natin o ng mga anak natin, masisira na yun kaagad!!”
“Kaya mas pinili mo yang ibang tao kesa sa sarili mong anak?! It was already two years, Aya!!! Hinayaan kitang pagsabihan mo siya ng kung ano ano dati dahil nadisappoint din ako sakanya! Pero yung ipagpatuloy mo yun hanggang ngayon! Sumosobra na yun, Aya! Hindi mo ba naiisip yung nararamdaman ng anak mo?! Na sarili niyang mga magulang ay itinataboy na siya tsaka nilalait makasalubong mo lang!!! Tapos siya pa ang may kasalanan nun! Hindi mo man lang ba siya naisip ni minsan lang, Aya?! Dito sa bahay, Hindi ka lang talaga nagkulang sa responsibilidad mo bilang asawa, nagkulang ka din sa pagiging ina!!!” napatigil si Aya sa sinabi ni David. Tumagos sa kanya ang mga sinabi ng sarili niyang asawa. Tila ba natauhan ito't bumalik sa isipan niya ang lahat ng insultong tinapon niya sa anak niya. Bumalik sakanya ang lahat ng alaala nito kasama si Ryleigh.
“Tama na!!!” sigaw ni Risse. Napatigil ang magasawa nang mapansin nila ang anak na pinagigitnaan silang dalawa. Umiiyak ito na parang bata't nakayuko.

BINABASA MO ANG
Taste Of Sadness
Teen Fiction"Piano is my life, and this is my only way to show my emotions and feel free from being manipulated." Pero nasira ang mga salitang yun nang dahil sa isang tao. Isang tao, na sumira ng pinakamasaya at pinakanakaka-kabang araw niya. Nang dahil sa mali...